Nakamit ni Ellaine Joy Calapao-Sanidad ang pinakamataas na honors mula sa isang prestihiyosong University of Oxford sa United Kingdom.
Summa cum laude ang Pinay na mula sa San Isidro, Abra, nang matapos niya ang kanyang Master of Studies in Diplomatic Studies.
Natanggap ni Ellaine ang parangal nitong December 2, 2021, pero ang kanyang graduation ay sa March 12, 2022 pa.
Ang Oxford ay sinasabing "one of the best and oldest universities" in the world at 28 sa alumni nito ay mga Nobel Prize winners,
Ang achievement ni Ellaine ay inanunsiyo sa Facebook page ng Immaculate Concepcion Academy-City of Batac nitong December 4, 2021.
Sa paaralang ito nagtapos si Ellaine ng high school bilang valedictorian.
Samantala, sinabi rin ni Ellaine na ito ang kanyang second Master’s degree.
Siya ay may M.A. in Speech Communication mula sa University of the Philippines-Diliman, ayon sa panayam ni Ellaine sa Interaksiyon noong December 6.
Aniya tungkol sa kanyang recent achievement: “I have always been too hard on myself, and it was only recently that I learned how important it is to give myself a tap once in a while for being able to put up with the ever ambitious, difficult me.”
Taong 2010 nang mag-graduate si Ellaine sa University of the Philippines-Los Baños (UPLB) bilang magna cum laude.
Nagturo siya ng apat na taon sa UPLB habang kumukuha ng kanyang unang master’s degree noon.
Matapos magturo, nagtrabaho siya bilang chief intelligence analyst sa National Coast Watch Center ng Office of the President.
Sa mga panahong ito nag-apply si Ellaine sa Chevening Scholarship, ang international scholarships programme ng U.K. government.
Hindi nakapasa noong una si Ellaine pero hindi siya sumuko, bagamat tinawag niyang “suntok sa buwan” ang pagnanais niyang ito.
Nakapasa siya para sa scholarship at nakakakuha ng kanyang Master’s degree sa University of Oxford noong 2020.
Bagamat isang taon lamang ang kanyang course, hindi naging madali para kay Ellaine na mapalayo sa pamilya, lalo’t may pandemya.
Pero nagpursige si Ellaine at nag-aral siyang mabuti.
Nakabalik na sa Pilipinas si Elaine kamakailan at gusto muna niyang namnamin ang mga sandaling ito matapos mapalayo sa pamilya.
“Coming back home, my [priorities] were to rest, spend quality time with my family, and work on my physical recuperation before pursuing my next plans in life,” ani Ellaine.
Aminado siyang ang pagiging subsob sa pag-aaral ay nakaapekto rin sa kanyang kalasugan, dahil napapabayaan ang sarili pagdating sa tulog at pagkain.
Dagdag pa rito ang matinding pressure na naramdaman niya.
May payo naman siya sa mga katulad niyang gustong mag-aral abroad, gaya ng University of Oxford.
“Think of Oxford as just any other university abroad. Considering it as an unreachable university won’t help you get there.”
Gayunpaman, huwag daw maging pabaya kapag nabigyan ng pagkakataon.
“Because only with giving your best could you get the best reward,” sabi ni Ellaine.