SUCCESS STORY: Summa cum laude at Top 7 sa board exam na rumaket muna for 7 years bago nag-graduate

by KC Cordero
Dec 23, 2021
Abzonie Reño in his graduation photo, at right is his recent photo
Sa loob ng pitong taon at matapos pasukin ang iba’t ibang trabaho ay na-realize ni Abzonie Reño na mas magkakaroon siya ng matatag na hanapbuhay kung graduate siya ng college.

Itinuturing ni Abzonie Reño, 29, ng Butuan City na banner year niya ang 2019.

Isa sa kanyang pinakamalaking milestones ang mapabilang sa Top 7 ng Licensure Exam for Teachers (LET) noong September 2019.

Nagbalik-tanaw si Abzonie noong December 2, 2021 nang ni-repost niya ang kanyang original Facebook post na in-upload sa kaparehong petsa noong 2019.

Abzonie Reño's 2019 Facebook status

Continue reading below ↓

Ang kanyang post (published as is): “Indeed, 2019 is my best year to date.

“From passing the Civil Service Eligibility (Prof Level) Examination (March) to graduating from my undergraduate degree (May) and now (December) passing the Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT).

“Our Bulador is truly faithful to His promises (Jeremiah 29:11).

“I don't deserve these, nobody does. It is all God's overflowing grace.”

Pero maraming hindi nabanggit sa post ni Abzonie.

Noong tinapos niya ang kanyang undergraduate degree noong May 2019, siya ang kauna-unahang summa cum laude ng kanyang unibersidad. Nagtapos si Abzonie ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in Math sa Caraga State University–Ampayon Butuan City.

At hindi lamang niya naipasa ang LET, pumasok pa siya sa Top 7 ng lahat ng kumuha ng naturang exam.

Sa likod ng kanyang tagumpay ay ang makulay na kuwento ng pagsisikap para sa pangarap.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Abzonie noong December 11 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Continue reading below ↓

RUMAKET MUNA SA METRO MANILA

Ayon kay Abzonie, pagka-graduate niya ng high school ay lumuwas siya sa Metro Manila para magtrabaho at suportahan ang kanyang mga naiwan sa probinsya.

Abzonie Reño with his mother Aling Corazon

Lumaki sa hirap si Abzonie kasama ang kanyang dalawang kapatid. Isang labandera ang kanyang inang si Aling Corazon.

Inabandona sila ng ama, at bilang panganay ay kailangan niyang kumayod.

Continue reading below ↓

Kung anu-anong raket ang pinasok niya—factory worker, panadero, security guard, service crew, tutor, janitor, at kahit ang pagiging houseboy.

Kuwento ni Abzonie, “Kahit paano po nakakatulong ako. Nakakapagpadala ng kaunti.”

Gayunpaman, naisip niyang walang mangyayari sa kanyang buhay kung hindi siya makakatapos ng kolehiyo.

NAGING MOTIVATION ANG KANYANG EDAD

Taong 2015, nagbalik siya sa probinsya, naghanap ng scholarship, at kahit 23 years old na ay nag-enroll sa kolehiyo.

Abzonie Reño as a student

Continue reading below ↓

Pagbabahagi niya, “Nakakahiya, sobrang tanda ko na para maging first year college pa pero yun din po ang naging motivation ko.

"For seven years it’s been my dream na makapag-aral ulit.

“’Tapos siyempre po, inspired po ako na galingan po siguro kasi matanda na ako.”

Hindi naman masukat ang kaligayahan niya nang mag-graduate dahil siya ang kauna-unahang summa cum laude ng kanilang unibersidad.

“Sobrang saya po, proud sa sarili kasi, yun nga, hindi ako bumalik ng pag-aaral para mag-excel.

“Bumalik lang ako para makapagtapos lang po, pero sobra-sobra pa po yung binigay ni Lord."

Sa kasalukuyan, si Abzonie ay instructor sa CSU-College of Mathematics and Natural Sciences.

Abzonie Reño chosen as one of 10 Most Outstanding Butuanons

Continue reading below ↓

Kung banner year man niya ang 2019, hanggang ngayon ay patuloy siya sa paghakot ng parangal.

Noong December 10, kinilala siya bilang isa sa 10 Most Inspiring Butuanons.

Ang payo niya sa mga gaya niyang kinailangan munang rumaket bago nakapagpatuloy ng pag-aaral, “Education sees no age.

“Whatever your age is, as long as you have the spark to pursue your dreams, nothing is impossible."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob ng pitong taon at matapos pasukin ang iba’t ibang trabaho ay na-realize ni Abzonie Reño na mas magkakaroon siya ng matatag na hanapbuhay kung graduate siya ng college.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results