Nanay na nurse pasado sa board exam after six takes

by KC Cordero
Dec 24, 2021
Ma. Ernida Peralta in nurse uniform
Taong 2013 pa nagsimulang sumubok na makapasa sa sa Nursing Licensure Exam si Ma. Ernida Peralta. At kahit taun-taon siyang bagsak, hindi siya na-discourage hanggang tuluyan na siyang pumasa ngayong 2021.

Ibang klaseng determinasyon ang ipinakita ni Ma. Ernida Peralta, 34, taga-Pagadian City.

Nakapasa siya sa July 2021 Nursing Licensure Exam (NLE).

2021 Nursing Licensure Exam result

Pero hindi naging madali para kay Ernida ang lahat.

Anim na beses muna siyang bumagsak sa nasabing exam.

Nagtagumpay siya sa kanyang ikapitong pagtatangka sa loob ng walong taon.

Continue reading below ↓

Nagtapos siya ng kursong nursing sa Medina College sa Pagadian City noong 2013.

Sa nasabing taon din ay nagsimula na siyang kumuha ng NLE—pero hindi siya pinalad.

Gayundin sa mga sumunod pang taon.

Dahil sa sunud-sunod niyang pagbagsak sa NLE, dumating sa puntong naisip niyang baka hindi siya nakatadhanang maging nurse.

Gayunpaman, hindi siya sumuko.

Noong 2020 ay nakansela pa ang NLE isang linggo matapos siyang mag-apply dahil sa pandemic.

Ngayong taon, nahirapan naman siyang kumuha ng RT-PCR test na requirement para sa mga mag-e-exam bilang patunay na negatibo sila sa COVID-19.

Awa ng Diyos, nairaos niya ang lahat, at ngayon nga ay isa na siyang registred nurse.

NAPAKASARAP SA PAKIRAMDAM NANG PUMASA NA SIYA

Sa panayam sa kanya ng GMA News noong October 11, walang pagsidlan ng tuwa si Ernida.

Pagbabahagi niya, "Pangarap ko ito mula noong kabataan ko. Gustung-gusto ko talaga. Napakasarap sa pakiramdam. Finally after eight years!"

Continue reading below ↓

Napakagaan din aniya sa pakiramdam na napagtagumpayan na niya ang isang malaking hamon sa kanyang pangarap na career.

"Yun bang pakiramdam na ilang beses kang lumaban, sumubok at nadapa.

"’Tapos nung nasa dulo ka na, nawawalan ka na ng pag-asa. ‘Tapos nakamit ko ang pangarap na ang tagal ko nang pinagsisikapan."

SULIT ANG LAHAT NG SAKRIPISYO

Napawi na rin aniya ang lahat ng frustrations ni Ernida.

Lahad niya, "It pays po lahat ng sacrifices kasi ang tagal ko siyang inantay.

"Sabi ko, 'Lord gusto ko siyang makuha para mairegalo ko sa kanila, para pampalit sa mga sacrifices nila noon nung maliliit pa kami.’"

Naikuwento rin ni Ernida na pangarap niya talagang maging nurse, pero dahil sa hirap ng buhay nila noon, napilitan siyang huminto sa pag-aaral.

Nagkaroon pa siya ng sariling pamilya.

Sa kabutihang palad, very supportive ang kanyang mister at pinayagan siya na ipagpatuloy ang pagkokolehiyo.

Ma. Ernida Peralta on duty

Continue reading below ↓

Kaya para sa kanya, may pressure talaga na makapasa siya sa NLE para sa kanyang mga magulang, mister, at mga anak nila na naging inspirasyon niya.

Sabi nga raw niya sa sarili noong di pa siya pumapasa, "Paano ko bubuuin yung pangarap ng mga anak ko kung sarili kong pangarap hindi ko mabuo?

“Ngayon, nakuha ko na siya, so, nagsisikap ako ngayon para sa pamilya ko."

Ma. Ernida Peralta on duty

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay employed siya bilang nurse attendant sa isang private hospital sa Pagadian City.

Payo niya sa ibang hindi agad makapasa sa licensure exam, "Kung nasa puso po talaga natin yung eagerness na makuha yung isang bagay, huwag nating sukuan. Kung madapa tayo, bangon lang ulit.

“Okey lang umiyak. Okey lang ma-disappoint, pero huwag susuko."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taong 2013 pa nagsimulang sumubok na makapasa sa sa Nursing Licensure Exam si Ma. Ernida Peralta. At kahit taun-taon siyang bagsak, hindi siya na-discourage hanggang tuluyan na siyang pumasa ngayong 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results