Eat Bulaga! scholar na achiever, isa nang licensed physician

by Bernie V. Franco
Dec 21, 2021
R jay esposo
R-Jay Esposo, who became a scholar of Eat Bulaga!, is now a doctor. He says, “Tulong-tulong, naghahanap ng ibang paraan hanggang makatapos.”
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)

Isa nang ganap na doktor si R-Jay Esposo na naging scholar ng Eat Bulaga!.

Isa si R-Jay sa pitong medicine graduates na naging contestants sa Bawal Judgmental noon lamang March 20, 2021.

Ang tanong sa game ay sinu-sino sa kanilang pito ang nagtapos ng valedictorian noong elementary?

Sa pagtatapos ng segment, inanunsiyo ni Vic Sotto na ang pitong contestants ay magiging scholar ng New Normal Eat Bulaga! Excellent Student Awards (EBest).

Sinagot ng Kapuso noontime show ang review expenses at allowances ni R-Jay at anim na medicine graduates para sa kanilang board exam.

R-JAY AS CONTESTANT IN BAWAL JUDGMENTAL

Sa interview portion kay R-Jay, nadiskubre na isa siyang achiever.

Sa college, kumuha siya ng Bachelor of Science in Community Nutrition sa University of the Philippines Diliman at nagtapos bilang cum laude.

Kumuha siya ng Nutritionist-Dietitian licensure exam noong 2014 at siya ang nag-topnotcher.

Makikita nga sa online exam results na top one si R-Jay at nakakuha ng 86.35 %.

R Jay Esposo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtrabaho muna si R-Jay sa National Nutrition Council ng Department of Health ng two years bago kumuha ng medisina.

Pagbabahagi niya, high school pa lamang ay nais na niyang maging doktor. Malaking impluwensiya raw sa kanya ang high school teacher niya sa Biology.

Kumuha ng medisina ni R-Jay sa Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) at nag-graduate noong June 2020.

Sa Bawal Judgmental, inusisa si R-Jay kung anong specialization ang nais niya.

Sagot niya noon, “Ngayong internship pinag-iisapan ko pa kasi parang limited, pero more of surgical.

“Siguro general surgery or head and neck surgery, E.E.N.T [ears, eyes, nose, throat].”

Aminado si R-Jay na magastos ang kumuha ng medisina sa kolehiyo.

Pero nairaos niya ito dahil nakakuha siya ng scholarships.

“Buti nga po dahil cum laude nung college, nakakuha ako ng scholarship sa PLM. Isa sa mga nakatulong.”

R Jay esposo

Bukod pa rito, kumuha rin siya ng scholarship financial grants mula sa local government unit ng Muntinlupa at sa kanilang church sa Alabang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tulong-tulong, naghahanap ng ibang paraan hanggang makatapos,” ani R-Jay.

R-JAY NOW A LICENSED DOCTOR

Samantala, nag-post ng update ang Eat Bulaga1 tungkol kay R-Jay nitong December 19, 2021.

Ani R-Jay, isa na siyang ganap na doktor ngayon dahil nakapasa siya sa Physician Licensure Exam.

“Ngayon po nagtatrabaho na po ako as E.R. and ward physician dito po sa ibat-ibang ospital sa Muntinlupa at Laguna,” paliwanag ni R-Jay.

Nagdetalye rin siya kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya sa kanyang pagre-review.

“Masasabi ko na talagang mahirap kasi it stretched me to my limits in many aspects,” aniya.

“Every day talagang kailangang ilaban. Yun ang sinasabi namin na, ‘Laban lang,’ sa araw-araw. Every day was indeed a battle.

“Yung paggising, yung kailangang matapos yung kailangan mong aralin, atsaka yung magpahinga sa gabi…”

Nagkaroon din daw ng malaking adjustment sa kanilang board exam schedules.

“Yung mismong exam, we were supposed to take the exam nung September.

“Pero dahil sa surge ng cases, na-move to October. Four days straight instead na dalawang weekends.

“Grabe, sobrang challenging. Sobrang nakakapagod, pero kinaya naman po.

“Ngayon po ganap na po akong doktor.”

R jay esposo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nakalimutang magpasalamat ni R-Jay sa kagandahang loob ng Eat Bulaga! dahil sa pagbibigay sa kanya ng scholarship sa kanyang pagre-review.

Naging susi raw ito sa pagtupad niya ng pangarap na maging doktor.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
R-Jay Esposo, who became a scholar of Eat Bulaga!, is now a doctor. He says, “Tulong-tulong, naghahanap ng ibang paraan hanggang makatapos.”
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results