14-year-old Pinoy cellist, winner in five global music competitions

Dec 25, 2021
Damodar Das Castillo
At the age of five, Damodar Das Castillo was already able to tune a cello to perfect pitch. Now at 14, he has emerged as champion in different international music competitions.
PHOTO/S: YouTube (Damodar Das Castillo)

Noong June 2021, itinanghal na grand winner ang Filipino teen cellist na si Damodar Das Castillo sa 2021 Musica Gorintiensis International Music Competition na based sa Italy.

Labintatlong taon lamang siya noon.

Dahil sa banta ng pandemya, ang mga kalahok ay pinagsumite na lamang ng performance video at hindi na pinapunta sa Italy.

Sa kabila nito, nagwagi ang Pinoy musician, na walang dudang isang prodigy.

Iyon ang ikalimang first place international music competition ni Damodar.

Narito pa ang apat na international music competitions na pinalanunan ng teenager sa nakalipas na apat na taon:

2017 First North Competition International Music Autumn (online);

Tallinn, Estonia 2018 Competition for Young Artists;

2020 International Artur Rubinstein Competition in Dusseldorf, Germany; at

2020 Young Ludwig International Music Competition in Berlin, Germany

Prodigy ang tawag sa batang nagtataglay ng nakabibilib na talent, na kailangan lamang hasain.

Ngayon ay labing-apat na taon na si Damodar at kasalukuyang nasa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Pinaghahandaan niya ngayon ang susunod niyang international competition—ang XI International Tchaikovsky Competition for Young Musicians, na magsisimula sa Moscow, Russia at magtatapos sa Chendu, China.

Si Damodar ay isa sa 60 contestants mula sa dating 900 musicians na galing sa 23 bansa at nakapasok sa kompetisyon, base sa ulat ni Rhia Grana ng ANCX noong December 9, 2021.

A CHILD PRODIGY

Sinimulan ni Damodar ang pagtugtog noong siya ay limang taong gulang.

Pero hindi ito agad nakita ng mga magulang. Para sa kanila, ang pagtugtog ng kanilang unico hijo ay laru-laro lang noong mga panahong iyon.

Hindi naman nakapagtataka na magkaroon ng hilig sa musika si Damodar dahil musicians ang kanyang mga magulang.

Ang kanyang amang si Alvin Castillo ay isang cellist at ang kanyang inang si Daloiza Bartolay ay isa namang violinist.

Nag-iisang anak nila si Damodar Das—na salitang Sanskrit para sa “servant of God.”

Dahil nakikita niya ang pag-eensayo ng ama at ang pagturo nito sa kanyang Korean students, nagkaroon ng hilig si Damodar sa music.

Continue reading below ↓

Dahil five years old lang siya noon, binigyan siya ng maliit na cello.

Makalipas lamang ang ilang araw, napansin ni Alvin na may “tenga” ang kanyang anak sa musika.

“Nakita ko after a week, itinotono na niyang mag-isa ang cello,” kuwento ng ama sa ANCX.

“Then I checked with the tuner, eksakto. Ibig sabihin may ear siya na perfect pitch.”

Damodar Das Castillo

Continue reading below ↓

Sabi ni Alvin, kadalasan ay anim hanggang isang taon bago matuto ang isang estudyante na itono mabuti ang kanyang instrumento.

Sa sumunod na dalawang taon, tinuruan ni Alvin ang anak sa pagtugtog. Sa simula’t simula, isinailalim sa homeschooling si Damodar.

Nang magpitong taong gulang siya, isinali si Damodar sa Philippine Youth Orchestra para makahalubilo ang ibang bata.

Pero masyado nang advanced ang kaalaman ni Damodar kumpara sa mga kasabayan niyang beginners.

Kaya pinasali ni Alvin ang anak sa rehearsals ng Manila Junior Symphony Orchestra at dito na nagsimula ang seryosong interes ng bata sa pagtugtog ng cello.

Sa sumunod na taon, sa edad na 8 anyos, sumailalim si Damodar ng formal training mula kay Dr. Renato Lucas, current president ng National Music Competitions for Young Artists Foundation.

Dinisiplina na rin ni Alvin ang anak na kailangan nitong mag-ensayo ng pagtugtog two hours a day, araw-araw.

Mabilis nag-improve ang musical skills ni Damodar.

Continue reading below ↓

Sa edad na 9 anyos, nakasama si Damodar sa Manila Symphony Junior Orchestra na nag-compete sa Vienna. Nanalo sila ng second place.

Napabilib nang husto ang major sponsor sa Vienna, ang Standard Insurance, at nag-alok ng scholarship sa sinuman sa Pinoy junior orchestra ang nais mag-aral sa pinakamahusay na music schools sa ibang bansa.

Naging interesado si Damodar kaya’t nag-ensayo siya araw-araw ng hanggang limang oras para makapasa sa audition.

Pagbabalik-tanaw ni Damodar, dumadating siya noon sa puntong umiiyak na siya sa hirap ng pag-eensayo ng ear training.

Kasi ang pagiging perfect pitch, hindi naman siya naa-achieve agad-agad,” ani Damodar.

Natanggap si Damodar sa Mozarteum University sa Salzburg, Austria, kung saan nag-aral siya ng apat na taon.

At the same time, natanggap din siya sa Highly Gifted program ng Leopold Mozart Institute na matatagpuan din sa Salzburg. Nag-aral si Damodar doon ng tatlong taon.

Damodar Das Castillo

Continue reading below ↓

Sa pag-aaral niya sa Austria, sinamahan si Damodar ng kanyang amang si Alvin.

Iniwan ni Alvin ang kanyang pagtuturo at pagnenegosyo sa Pilipinas para masamahan at masubaybayan ang pag-aaral ng anak sa Austria.

Ang kanyang misis naman ay music teacher sa Dubai.

Buti na lamang at sagot ng Standard Insurance ang scholarship at allowance ni Damodar sa Austria.

Bukod pa rito, tinutukan din ni Alvin ang homeschooling ng anak. Tiniyak niyang hindi napapabayaan ang pag-aaral ng anak.

Samantala, umuwi sa Pilipinas ang mag-ama nito lamang October 2021. Policy raw sa Austria na pumasok sa regular school ang mga batang edad 16 anyos pababa.

Pero pagkatapos ng dalawang taon, plano ni Damodar na bumali sa Austria.

Patuloy pa rin ngayon ang pag-aaral ni Damodar ng musika via online lessons kasama ang kanyang German teacher.

Kasama rin si Damodar sa Davao-based rock band na Atmarama, at siya ang tumutugtog ng electric cello.

Continue reading below ↓

Ang ginagawa ni Damodar, nag-eensayo siya ng classical music for two hours, habang two hours din ang practice niya ng modern music kasama ang banda.

Pangarap din ni Damodar na makilala ang kanilang banda sa international music scene.

Pero kung anuman ang tahakin niyang landas, tiyak na kasama ang musika rito.

Damodar Das Castillo

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At the age of five, Damodar Das Castillo was already able to tune a cello to perfect pitch. Now at 14, he has emerged as champion in different international music competitions.
PHOTO/S: YouTube (Damodar Das Castillo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results