Meet Leizel Alegre: Ang small but terrible Pinay tractor driver sa Canada

by KC Cordero Allison Estrella
Dec 31, 2021
Leizel Alegre , a PInay traktora driver in Canada
Itinuro kay Leizel Alegre ng kanyang boyfriend/employer na Canadian ang lahat ng dapat niyang malaman sa farming, kabilang na ang pagmamaneho ng traktora.
PHOTO/S: OG Channel

Isa si Leizel Alegre sa ating mga kababayan na napatunayang hindi simple ang magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa.

Naninirahan siya ngayon sa Canada.

Sa panayam sa kanya ng Summit OG, sinabi ni Liezl na hindi siya karaniwang Overseas Filipino Worker (OFW).

Pagbabahagi niya, “Hindi po ako dumating dito para mag-OFW.

“Nakapangasawa ako ng Canadian kaya nakarating ako dito sa Canada.”

Gayunpaman, hindi nag-work ang kanilang relasyon ng kanyang napangasawa.

Aniya, "Nag-divorce kami, hanggang dito na rin ako naghanap ng trabaho."

Leizel Alegre with her Canadian husband

Continue reading below ↓

At dahil laging may second chance sa pag-ibig, muling nagmahal si Liezel.

“Right now, my boyfriend is my employer.

“After a two-month stint at the farm, I moved in with him and began working for him as a part-time farmer and tractor operator."

NATUTONG MAGING FARMER, MAGMANEHO NG TRAKTORA

Kuwento ni Liezl, itinuro sa kanya ng boyfriend ang lahat ng dapat niyang matutunan sa pagtatrabaho sa farm.

Sa katunayan, marunong siyang mag-operate ng traktora at mag-araro gamit ito sa malawak na taniman.

Leizel Alegre with green tractor at the background

Continue reading below ↓

Hindi alam ng marami na isang malaking industriya sa Canada ang pagsasaka.

Malaki ang ambag ng agricultural sector nito sa kabuhayan ng mga Canadians and non-Canadians.

At dahil maliit si Liezel, may taas lang siyang 5’ 2’’, marami ang nagugulat na kaya niyang magmaneho ng traktora.

Kuwento niya, “When I pass by the highway, people are looking at me with wide eyes, parang...

"Kasi hindi naman ako matangkad, 5’ 2” lang ako 'tapos nagda-drive ako [ng malaking tractor].

“Parang hindi sila nakakakita madalas ng driver [na katulad ko], kaya proud po ako na natutunan ko itong trabaho na ito.”

UMIIYAK DAHIL SA HIRAP NG TRABAHO

Aminado naman siyang wala sa hinagap niya na pagsasaka ang magiging trabaho niya.

“Wala talaga siya sa list na I wanted to be in the future. Tamad nga akong magdilig ng halaman sa amin!

“Kaya hindi ko ine-expect na magugustuhan ko, na mai-in love ako sa farming.”

Continue reading below ↓

Leizel Alegre holding eggplant produced

Bahagi ng trabaho ni Liezl ang mag-araro at iba pang gawain sa taniman.

Sinusuri niya ang kalidad ng lupa kung puwede na itong pagtaniman, inaalisan ng mga bato, bukod pa sa pagtatanim ng soybeans.

Noong una ay nahirapan siya nang todo.

"I've never driven in the Philippines, dito lang talaga ako natuto,” pag-amin niya.

Continue reading below ↓

Marami rin siyang iniyak bago niya natutunan ang lahat ng proseso.

“My main struggle is yung mag-plant ng soya talaga, which made me cry three times.

“Every year, I cry kasi sensitive talaga siya na trabaho."

Nabanggit din niya na may mga pagkakataon na nahihiling niya na sana ay magawa niyang iwan ang trabaho at makakita ng angkop sa kanyang sukat at pisikal na kakayahan.

Gayunpaman, hindi siya sumuko.

Sa paglipas ng mga taon, nasanay na rin siya at nag-enjoy.

“Parang magaan na sa loob ko yung mga tinatrabaho ko."

SINUSUPORTAHAN ANG MGA MAGULANG

Nabanggit ni Liezl na lumaki siya sa piling ng mga magulang na masisipag.

Pero dahil nalugi ang negosyo ng mga ito noon, naging problema nila ang pagkukunan ng kakainin para sa araw-araw.

Kadalasan, naipapadala niya ang halos buong suweldo sa pamilya.

Para sa kanya, deserve ng kanyang parents ang ibinibigay niyang moral support and financial assistance.

Continue reading below ↓

Pagmamalaki niya, “I have no regrets about my decision sa buhay ko, wala po talaga.

“Kasi kung may struggle man o challenges that I have had in my life, made me the woman I am now.”

HINDI PARAISO ANG BUHAY SA ABROAD

Payo niya sa mga kababaihan na gustong subukan ang trabaho na para sa mga lalaki:

“My advice to women who also want to try a manly job like what I have is: not to be scared to try new things and push yourself.

“Perseverance and technique is the key to enjoying this kind of job.”

Paalala naman niya sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa, “Put in mind that working abroad is not a paradise, it’s way opposite of what people imagine, so be prepared.”

Alamin ang kabuuan ng naging journey ni Leizel Alegre, ang kanyang mga luha at tagumpay, at kung paano siya naging tractor driver sa video na ito:

Continue reading below ↓

Leizel Alegre shares the inspiring story of her life abroad, her ups and downs, and how she ended up becoming a tractor driver in Canada. Watch how she proves that manly jobs can also be done successfully by women.
Video: Summit OG.

Subscribe to the channel here. Watch more OG videos here.

Also, use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinuro kay Leizel Alegre ng kanyang boyfriend/employer na Canadian ang lahat ng dapat niyang malaman sa farming, kabilang na ang pagmamaneho ng traktora.
PHOTO/S: OG Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results