VIRAL: Daang kailangang bagtasin ng mag-asawang guro para makapagturo

by Bernie V. Franco
Dec 30, 2021
teacher baby
A visual artist and former pastor from Isabela, Negros Occidental, posts on Facebook the photos of a couple, together with their baby, threading the treacherous forest to reach an indigenous school where the couple teaches.
PHOTO/S: Facebook (Jasper Van Iturriaga)

Wala na sigurong hihigit pa sa isang taong iniisip ang kapakanan ng iba kahit na sariling kaligtasan pa ang nakasalalay.

Saksi ang isang artist mula Isabela, Negros Occidental, sa sinusuong na panganib ng mag-asawang guro para makapagturo sa lugar na malayo sa kabihasnan.

Sa mga larawang ipinost sa Facebook ni Jasper Van Itturiaga, makikita ang delikado at masukal na gubat na binabagtas ng mag-asawang guro—sina Teacher Roy at Teacher Elna.

Bitbit pa ni Elna ang kanyang four-month old baby na si Genesis sa kanilang paglalakbay.

Sa mga larawan pa lamang, makikitang maputik, basa, at madulas ang daan na kailangang akyatin at babain.

teacher with baby

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang unang napansin ni Jasper, nang samahan niya ang dalawang guro na pupunta sa kanilang mga estudyanteng nasa liblib na lugar.

Ani Jasper (published as is): “Today I joined Teacher Roy and Elna with their 4 month old baby, Genesis on a hike to another jungle school.

“The terrain is already tough and it got worse with the rain. It was muddy and so sketchy!”

Sabi ni Jasper tungkol sa dalawang gurong nakilala, hindi nila kailangan daanan ang ganitong hirap sa pagtuturo kung gugustuhin nila.

Lalo pa't may kasama pa silang sanggol sa delikadong paglalakbay.

“These guys are capable teachers but chose to serve our indigenous friends in the jungles with very little pay,” ani Jasper.

Pero higit pa sa pera at hirap, ang makatulong sa kapwa ang nananaig sa dalawang guro.

Pagpapatuloy ni Jasper, “I asked Teacher Roy during the hike, ‘Why here, man? Why not find a more comfortable place to work. A less dangerous place?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot daw ni Teacher Roy, “’This is where I find peace. This is where God has called us to be.

“Anywhere God has called you to be is the safest place.’”

teacher with baby

Ipinost ni Jasper ito noon lamang December 15, 2021.

Ani Jasper tungkol sa mga guro, “Sounds radical but teachers in the jungles will tell you that safest and the happiest place is the place where God wants you to be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Respect to all teachers who chose to live in far flung areas to live out their calling!”

Ang post na ito ni Jasper, nagkaroon ng 12,000 reactions, 5,500 shares, at higit four hundred comments.

Sa comments section, tanging paghanga at pagsaludo ang nasabi ng netizens sa mag-asawang guro.

“Profoundly inspiring,” “selfless,” at “proud” ang paglalarawan ng netizens.

“A life meant for service to mankind despite of the dangers they have to face. They are truly admirable,” komento ng isang netizen.

May mga nagkomento rin na sinabing pareho sila ng propesyon at nauunawaan nila ang damdamin nina Roy at Elna bilang teachers sa malalayong lugar.

Hangad naman ng iba ang kaligtasan ng dalawang guro lalo’t hindi madali ang sinusuong nilang daan papunta sa mga tinuturuang indigenous students.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A visual artist and former pastor from Isabela, Negros Occidental, posts on Facebook the photos of a couple, together with their baby, threading the treacherous forest to reach an indigenous school where the couple teaches.
PHOTO/S: Facebook (Jasper Van Iturriaga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results