Pisay student pasok sa Bentley University; pasok na rin ang perang kelangan niya for enrollment

by Bernie V. Franco
Dec 30, 2021
Pisay student bentley university
Marco Jones C. Sagun, a son of a fisherman and a fish vendor, is offered admission to the private business school Bentley University in the United States.
PHOTO/S: Facebook (Marco Sagun)

Isang anak ng mangingisda at tindera ng isda ang nakatanggap ng offer para mag-aral sa Bentley University sa Amerika.

Ang estudyanteng si Marco Jones C. Sagun ng Bolinao, Pangasinan ay napili rin bilang Presidential Scholar sa nasabing private business school sa Waltham, Massachusetts kung saan nag-graduate ang American television host, comedian, at writer na si Jay Leno.

Pero kailangan ni Marco na makakalap ng required na non-refundable enrollment deposit $1,000 o tinatayang PHP50,000.

Dahil kapos sa pera, ginamit ni Marco ang social media para humingi ng tulong at makapag-raise ng funds para sa pangarap niyang makapag-aral sa ibang bansa.

ADMISSION TO BENTLEY UNIVERSITY

Si Marco, 18, ay Grade 12 student mula sa Philippine Science High School - Ilocos Campus Region (PSHS-IRC).

Consistent siyang nasa Director’s List simula Grade 11. Kailangang may general average na 1.186 para mapasama sa naturang listahan.

Noong November, isa si Marco sa mga nag-apply online for admission sa Bentley University.

Continue reading below ↓

Nitong December 18, 2021, ipinost ni Marco ang kalahating bahagi ng official letter mula sa Bentley University.

Nakasaad dito na binibigyan si Marco ng “admission as a first-year student” sa unibersidad “for Fall 2022.”

Napili rin siya para sa President’s Scholarship para makatanggap ng $30,000 (PHP150,000) kada taon, at kabuuang $120,000 (PHP6 million) in scholarship sa kondisyong ma-maintain niya ang average grade na 3.25.

MARCO ASKS FOR FINANCIAL HELP

Pagkalipas ng isang linggo, muling nag-post sa Facebook si Marco. This time humihingi siya ng tulong.

Ipinost niya ang screenshot ng sulat mula sa Bentley University kung saan nakasaad ang fees na kailangan niyang isumite. May non-refundable enrollment deposit of $500 at non-refundable $500 housing deposit, at kailangan niyang maibigay ang halagang ito na hindi lalampas ng January 20, 2022.

Bahagi ng post ni Marco: “Sa ngayon po ay ay kinakayod ko po ang makalikom ng $1000 o PhP50,000 para makapagkumpirma ng puwesto sa eskuwelahan.

Continue reading below ↓

“Ito po ay para sa confirmation ko po ng slot at sa dormitory po na tutuluyan ko.

“Bilang anak po ng mangingisda at tindera ng isda sa palengke, hindi po namin kakayanin ang ganito kalaking halaga.”

Kinabukasan, December 27, ipinost ni Marco ang mga larawan ng admission packet sa unibersidad.

Continue reading below ↓

“This assures all of us po that we’re not scammed,” bahagi ng post ni Marco.

MARCO GETS HELP

Nitong December 28, 2021, nagbigay ng update si Marco.

Dalawang araw matapos niyang mag-post ng paghingi ng tulong, nakalikom agad ng sapat na pera ang estudyante para ma-secure ang kanyang puwesto.

“Sa Awa po ng Dios, handa na po tayong magdeposit ng $1000 bukas para po sa slot confirmation sa Bentley University,” ani Marco.

Kaya naman isinara na niya ang kanyang donation portals matapos makuha ang kailangang pera.

Hindi raw inaasahan ng binata na ganoon kabilis ang pagdagsa ng tulong sa kanya.

Sabi niya sa kanyang post (published as is), “Sa totoo lang po, marami pa pong ibang gastusin bukod po dito sa $1000, subalit hindi ko na po nais na iasa po ito sainyo.

“Sisika pin ko po talagang masustentuhan ang mga ito sa pamamagitan po ng pagwo-working student.”

Muling nagpasalamat si Marco at nangakong magbibigay siya ng update sa kanyang application status.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Jones C. Sagun, a son of a fisherman and a fish vendor, is offered admission to the private business school Bentley University in the United States.
PHOTO/S: Facebook (Marco Sagun)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results