Apollo Pablo Zantua: civil/electrical/mechanical engineer na, master plumber at teacher pa

by KC Cordero
Jan 5, 2022
The 5 professional licenses of Apollo Pablo Zantua
Lima ang professional license ni Apollo Pablo Zantua, na bukod sa pagiging engineer ay may doctorate degree din.

Hindi makapaniwala ang security guard ng Professional Regulation Commission (PRC) na lima ang lisensiya na irerenew ni Apollo Pablo Zantua.

Nag-viral si Apollo, 50 years old at tubong Paracale, Camarines Norte, nang mag-renew siya ng kanyang mga lisensiya sa pagiging civil engineer, electrical engineer, mechanical engineer, master plumber, at professional teacher.

The 5 professional licenses of Apollo Pablo Zantua

Continue reading below ↓

Pagbabahagi ni Apollo sa panayam ng Bicol.PH noong December 31, 2021, "Yung ating nai-post na naging viral ay nagpunta ako doon sa PRC branch somewhere in NCR. Kasi online na ngayon yung pagpa-appointment.

“Pag may appointment ka na pupunta ka doon, you have your own paper already printed from the online application.

“I printed all the five [licenses]. Then from their gate, there is somebody who is checking for all the requirements.

"And then I submit one. So, okay, there is no problem.

"I submitted the second one. Now, there's a problem.”

Tanong sa kanya ng nagtitingin ng kanyang mga dokumento, “Sir, bakit pareho lang ito? Pareho lang. Kayo rin ba ito?”

Kaya ang ginawa niya, sa gate pa lang, nai-submit na rin niya ang apat pa niyang lisensiya.

Gulat na gulat umano ang kausap niya. Tanong nito sa kanya, “Puwede ba itong mangyari, Sir?"

Pagtuloy ng kuwento ni Apollo, “Sabi ko puwede naman kasi ano na iyan, e, license na iyan. Ire-renew na lang iyan. Then tiningnan yung mga requirements, kumpleto naman.”

Continue reading below ↓

APAT SA KANYANG BOARD EXAMS, KINUHA AT NAIPASA SA LOOB NG ANIM NA BUWAN

Ayon kay Apollo ay electrical engineering ang una niyang kinuhang kurso sa Bicol University.

Matapos iyon ay nag-aral din siya sa Japan ng production mechanical engineering sa ilalim ng isang scholarship program.

Apollo Pablo Zantua as a practicing engineer

Kuwento pa niya, nang bumalik siya sa Pilipinas para kumuha ng board exam sa mechanical engineering ay hindi siya pinayagan dahil hindi siya dito nag-graduate ng nasabing kurso.

Continue reading below ↓

Para masolusyunan ang kanyang problema, humingi siya ng recognition para sa kanyang degree mula sa Commission on Higher Education (CHED).

Tatlong recognitions ang ibinigay ng CHED kay Apollo—bilang mechanical at industrial engineer, at guro.

Sa panayam sa kanya ng RMN DZXL 558 Manila noong January 4, 2022, sinabi niyang hindi muna siya kumuha ng board exam.

Nag-aral siyang muli at kumuha ng civil engineering, na natapos niya sa loob lang ng dalawang taon dahil may mga units na na-credit mula sa kanyang unang kurso.

Taong 2017 na siya nag-apply para sa board exams.

Aniya, “Pero I took the board exam for the four professional exams within six months and passed all of them.”

MAY DOCTORATE DEGREE DIN

Bagaman at isang engineer, mas prefer ni Apollo na tawagin siyang "Doctor Zantua".

"Actually I'm a doctor, PhD graduate. Kasi pag sinabing Dr. AP Zantua, wala na pong nagtatanong.

"Unlike when I put Engineer before my name, they always ask, 'Anong engineer ka? Sanitary engineer ka ba? Civil engineer ka ba?'

Continue reading below ↓

"Para hindi na paulit-ulit ang tanong."

HINDI SIYA HONOR STUDENT

Dahil sa kanyang accomplishments, marami aniya ang nag-aakala na isang honor student si Apollo noong kanyang kabataan.

Madalas daw niyang marinig na, "Baka valedictorian ito noon, baka puro honor ito noon.”

Paglilinaw niya, “I am not an honor student. I always tell my students na ang college ay hindi patalinuhan, pero iyan ay determinasyon at sipag.

“Kung gusto mo, kahit anong hirap ay gagawan mo ng paraan."

Sa kasalukuyan ay nagtuturo si Apollo ng mechanical, civil, electrical engineering, at plumbing sa Taguig City University.

Gumagawa rin siya ng field work para nagagamit niya ang lahat ng kanyang lisensiya.

Apollo Pablo Zantua with logo of his YouTube channel

Continue reading below ↓

Mayroon din siyang YouTube channel, ang DrEYPEI ZamuraiEngineer.

Ito ang kanyang advocacy kung saan nagsasagawa siya ng free tutorial.

Payo naman niya sa mga na-inspire sa kanyang limang lisensiya at gustong sumunod sa kanyang mga yapak, "Kung gusto makapagtapos ng maraming degree, tapusin muna ang isa, then go to the next and so on.

“I always tell my students, 'You don't need intelligence to be an engineer. You need commitment.'"

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lima ang professional license ni Apollo Pablo Zantua, na bukod sa pagiging engineer ay may doctorate degree din.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results