Christopher Vila: vet at manager sa Pilipinas na naging Dairy Farmer of the Year sa New Zealand

by Bernie V. Franco
Jan 7, 2022
Christopher Vila dairy farmer
Christopher Vila gives up his cushy job as a "boss" in the Philippines to be a dairy farmer in New Zealand. His hard work paid off after he was awarded Dairy Farmer of the Year at the annual national awards-giving body in 2021.
PHOTO/S: Christopher Vila

Si Christopher Gerard Vila ay isang Pinoy na nagtatrabaho sa New Zealand bilang dairy farmer.

Noon lamang May 2021, pinarangalan siya bilang Dairy Manager of the Year sa annual New Zealand Dairy Industry Awards.

Siya ang kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng award.

Big deal ito dahil prominente ang award-giving body sa New Zealand, na kinikilalang isa sa pinakamalaking dairy industry sa buong mundo.

Bahagi ng napanalunan ni Christopher ay NZ$22,000 (o PHP740,000) worth of gifts and prizes—na karamihan ay tools at products for dairy farming, ayon sa article ni Dahl Bennett ng Smart Parenting noong June 2021.

Ani Christopher tungkol sa parangal, “Winning is a great honor. It’s the validation of my 13 years of hard work and learning,”

Kasalukuyan siyang farm manager sa JA BE Turnwald Family Trust, isang family farm sa Ohaupo sa Waikato district, New Zealand.

Si Christopher ang kauna-unahang “outside manager” sa nasabing family farm na family members ang kalimitang namamahala.

Continue reading below ↓

Pero bago maging farm manager si Christopher, nagsimula siya sa baba. Naging farm assistant muna siya noong una siyang pumunta sa New Zealand labintatlong taon na ang nakalilipas.

Ipinagpalit ni Christopher ang pagiging veterinarian at manager sa Pilipinas para maging dairy farmer sa New Zealand.

CHRISTOPHER DECIDES TO WORK IN NEW ZEALAND

Taong 2008 nang bisitahin ni Christopher ang kanyang kapatid sa New Zealand. Sinubukan na rin niya noong maghanap ng trabaho.

Iniwan ni Christopher ang magandang trabaho bilang licensed veterinarian at area manager para sa isang multinational company ng feeds products dito sa PIlipinas.

Sa simula, nanibago si Christopher na ipinagpalit ang pagiging “boss” sa pagiging worker na siyang gumagawa ng mabibigat na trabaho sa dairy farm sa New Zealand.

Ang kuwento niya, “It did hurt my ego a bit knowing that I did six years of vet school and passed the board at the same time.”

Mula sa pagkuha ng working visa at pakikisama sa mga katrabaho, nagsumikap si Christopher na kayanin ang lahat.

Continue reading below ↓

Bilang farmer assistant, nagtrabaho siya sa dairy farm na may 1,200 na baka.

Natuto si Christopher sa pamamaraan ng mga Kiwi pagdating sa dairy farming—mula sa pag-aalaga ng baka hanggang sa paggagatas at pag-aalaga sa mga anak ng mga ito.

Inaabot sila ng halos pa-hatinggabi kapag may mga bakang nanganganak at tinitiyak na ligtas ang mga bagong-silang na hayop.

Matapos ang pagtatrabao sa iba’t ibang dairy farm, natanggap siya bilang manager sa JA Be Turnwald Family Trust.

Eight years na siya ngayon sa nasabing farm na family-owned at isa sa mga pinakamalaking suppliers para sa isang kilalang dairy cooperative.

Isa sa mga kunsiderasyon ni Christopher kaya nagtrabaho sa New Zealand ay para sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Kasama na niya roon ang kanyang asawa at anak.

Bagamat mataas ang cost of living, bawi naman raw sa mga benefits.

May free medical services para sa mga batang under 14 years old, paid parental leave ng kalahating taon, at libreng edukasyon para sa batang mula five hanggang 19 years old sa mga public schools.

Continue reading below ↓

Christopher vila dairy farmer

“This allows families to either save money for the future or, if on a tight budget, help make ends meet,” ani Christopher.

Bilang farm manager ay may libreng housing din siya para sa kanyang pamilya.

Para sa mga napanalunan niyang prize bilang Dairy Manager of the Year, magagamit niya ito sa sharemilking.

Continue reading below ↓

Sa sharemilking, ang isang trabahador ay may pagkakataong simulan ang pag-aalaga ng mga sarili niyang baka sa teritorya ng kanyang employer.

Payo naman ni Christopher sa mga kapwa Pinoy na nais magtagumpay bilang immigrant worker sa New Zealand o kahit saan pa man, “You need to strive hard and constantly improve yourself to be noticed among your peers so that employers will trust you and know that you are indeed capable.”

Samantala, sa kanyang Facebook account, patuloy si Christopher ng pagpo-post ng kanilang masayang family pictures sa New Zealand.

Aktibo siyang nakipagpalitan ng pagbati ng Bagong Taon sa mga kakilala at kamag-anak, indikasyong hindi pa rin siya nakakalimot kahit malayo na ang kanyang nararating.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher Vila gives up his cushy job as a "boss" in the Philippines to be a dairy farmer in New Zealand. His hard work paid off after he was awarded Dairy Farmer of the Year at the annual national awards-giving body in 2021.
PHOTO/S: Christopher Vila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results