Anak ng mangingisda at fish vendor, nagtapos na magna cum laude

by KC Cordero
Jan 12, 2022
Regine Cañete Villamejor' graduation photo, and while selling fish
Kahit kapos ang kinikita sa pamamalakaya at pagbebenta ng isda, naigapang ng mga magulang ni Regine Cañete Villamejor ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo—na sinuklian naman niya ng diploma at mataas na karangalan.

Muling naging viral ang kuwento ng buhay ni Regine Cañete Villamejor.

Una siyang nakilala noong 2017, nang mag-graduate siyang magna cum laude sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Nagbalik-tanaw si Regine, 25 years old at mula sa Argao, Cebu, sa kanyang naging mga karanasan na ibinabahagi niya ngayon sa social media.

Aniya sa kanyang post noong January 10, 2022, “Your inspiring story is viral again on social media. It may took some time for your YouTube channel to grow, but trust God that you will be one of the best content creators one day.

“Continue using your social media platforms in inspiring people. I am so proud of you for standing still despite the challenges.”

May kalakip na graduation photo ni Regine ang nasabing post.

Tarpaulin with photo of Regine Cañete Villamejor's graduation

Continue reading below ↓

Sa edad na 20, nag-graduate si Regine bilang magna cum laude mula sa University of San Jose-Recoletos (USJ-R) sa Cebu. Tinapos niya ang kursong Bachelor of Arts in Liberal Arts and Commerce, Major in Communication and Marketing.

IGINAPANG NG PARENTS ANG KANYANG PAG-AARAL

Mahirap lang ang pamilya nina Regine. Isang mangingisda ang kanyang ama na si Mang Raul, at ang kanyang ina na si Aling Mary Jane ang mismong naglalako ng mga huli nito.

Tatlo silang magkakapatid at si Regine ang panganay.

Regine Cañete Villamejor selling fish

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw niya, minsan ay tumutulong din siya sa pagtitinda pag nakauwi na siya mula sa school.

Aniya, “It was at an early age that I realized how life was. While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings."

May mga panahon daw na gusto nang sukuan ng kanyang ama ang pagpapaaral sa kanya.

"My father told me one time that he wanted to sleep more, but he said he had to work hard in order for me to continue my studies."

Nakatulong sa kanya ang matataas niyang grades para makakuha siya ng 50 percent discount sa kanyang tuition fees.

“Napakalaking tulong din po ng fifty percent tuition fee discount ko sa USJ-R, pero I have to maintain a general average po every sem na hindi lalagpas ng 1.4.”

MAY MGA SARILING SAKRIPISYO RIN

Napilitan din si Regine na magsakripisyo na pansamantalang humiwalay sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Continue reading below ↓

Para mas makatipid sa pamasahe, tumira siya sa boarding house malapit sa kanilang unibersidad.

Regine Cañete Villamejor' family at their boat

Lagi niyang tinititigan ang kanilang family picture sa mga sandaling nalulungkot siya.

"As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger. And I want to thank my parents. Whatever achievements I have, it's because of them."

Continue reading below ↓

SUPORTADO ANG PAG-AARAL NG MGA KAPATID

After graduation, agad nakapagtrabaho si Regine sa isang food manufacturing company sa Cebu City.

Siya na ang sumusuporta ngayon sa pag-aaral ng dalawang kapatid.

Sa isa pa niyang post noong January 10, ani Regine: “When I started working last 2017, I alloted a portion of my salary to date my siblings. Fast forward to today, Ramer [Mechanical Engineering] is now graduating in college. While Jonard will be in 3rd year college puhon [Electrical Engineering].

“I did my best to be a good example to my siblings para hindi manghinayang ang parents namin sa pagpapaaral sa amin.”

SUMUBOK SA VLOGGING

Sa ngayon, abala si Regine sa paggawa ng inspiring videos para sa kanyang YouTube channel.

Binilhan pa niya ang sarili ng flowers at nag-celebrate nang magsimula na siyang kumita sa kanyang vlogs.

Regine Cañete Villamejor as a vlogger

Continue reading below ↓

Aniya, “Eleven months after launching my YT channel, I was monetized on YT.

“That was never easy. Manghuwam ug laptop when I started. Used my old phone to shoot a vlog. Spent my rest day thinking of great content. Asked my friends to teach me how to edit my vlogs, and a lot of challenges pa.”

HUWAG MAKAKALIMOT LUMINGON SA PINANGGALINGAN

Paalala ni Regine sa mga gaya niyang anak-mahirap ngunit may pangarap, “I am not ashamed to sell fish. My friends know about it but still they accept me for who I am.

“If I did not go through those challenges, wearing the toga will not be worth it.

"We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams.”

Mahalaga rin aniya ang maging mapagpakumbaba sa kabila ng mga tagumpay.

Dagdag pa niya, "I should never forget where I came from.

"No matter how many achievements you have, humble yourselves and keep your feet grounded.

Continue reading below ↓

“I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit kapos ang kinikita sa pamamalakaya at pagbebenta ng isda, naigapang ng mga magulang ni Regine Cañete Villamejor ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo—na sinuklian naman niya ng diploma at mataas na karangalan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results