Watch Now

4 Philippine Army detachments, libreng ipinagagamit sa mga estudyante ang kanilang internet

by KC Cordero
Jan 11, 2022
Army personnel installing VSAT
Malaking tulong ang itinayo ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army na solar-powered VSAT sa mga estudyante na may online classes dahil libre nilang naa-access ang internet.

Nag-install ang 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army ng Very Small Aperture Terminals (VSAT) sa apat na detachment nito na nasa liblib na lugar para mapalakas at mapalawak ang komunikasyon sa pagitan ng mga tropa ng militar.

Magagamit din ang VSAT para sa online classes ng mga estudyante.

Army personnel installing VSAT

Sinabi ni Major General Andrew D. Costelo, commander ng 7ID, noong January 11, 2022 na ang system ay ikinabit sa Patrol Base ng 24th Infantry Battalion sa Sitio Talipugo, Barangay Buneg, Lacub Abra; 91st Infantry (Sinagtala) Battalion sa Barangay Dimanayat, San Luis, Aurora; 70th Infantry sa Sitio Macua, Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan; at 84th Infantry Battalion sa Sitio Bin-bin, Barangay General Luna, Carranglan, Nueva Ecija.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang VSAT ay na-install noong October 13, 2021, at ang pinakahuli ay noong December 21.

Army personnel installing VSAT

Ayon kay Costelo, ang mga bagong install na communication equipment ay malaking tulong sa mga estudyanteng may online classes dahil nagbibigay ito ng libreng internet access sa mga komunidad.

Aniya, “Natutuwa ang inyong kasundaluhan dahil hindi lang nagagamit ng tropa ang VSAT para sa mabilis na pagbato ng impormasyon sa mga battalion headquarters in terms of their operations, naging malaking tulong din ito sa mga estudyante at guro na ngayon ay kinakailangan ang internet para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang proyekto ay bahagi ng ipinatutupad na Army Modernization Act na naglalayong mapaganda ang performance ng mga sundalo sa pagsasagawa ng kanilang field operations.

Netizens reactions to Philippine Army's free internet

Pinasalamatan naman ng mga guro, estudyante, netizens, at mga opisyal ng barangay ng apat na komunidad ang Philippine Army dahil sa libreng internet na napakaimportante para sa kanilang mga aktibidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaking tulong ang itinayo ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army na solar-powered VSAT sa mga estudyante na may online classes dahil libre nilang naa-access ang internet.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results