Nakatanggap si Prinz Magtulis, 32, ng scholarship grant na nagkakahalaga ng US$100,000 (PHP5,134,350.00) mula sa Columbia University Graduate School of Journalism sa New York, USA.
Ito ay sponsored ng media organization na Nikkei Inc. sa Japan.
Si Prinz ay isang University of Santo Tomas journalism alumnus at dating managing editor ng The Varsitarian, ang official publication ng UST.
Nagtapos siya ng Bachelor in Journalism sa UST noong 2010.
"EXTREMELY PRIVILEGED"
Ang Columbia-Nikkei scholarship na itinatag noong 2017 ay ipinagkakaloob kada taon sa isang estudyanteng naninirahan sa Asia na interesado sa data journalism, business, at economics.
Ang tagumpay ni Prinz ay iniulat sa online edition ng The Varsitarian nina Laurd Menhard B. Salen at Christine Joyce A. Paras noong January 11, 2022.

Sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kanyang master’s degree sa data journalism sa Columbia University.
Pahayag ni Prinz sa The Varsitarian, “Professionally, I’ve been a beat reporter and an editor.
"While here, I’m learning new skills beyond writing like computer programming that aids your reporting, especially data reporting.
“I would really want to land a role that helps me harness these new data skills.”
Sa panayam naman sa kanya ng Nikkei Asia noong December 22, 2021, sinabi ni Prinz, "I am extremely privileged to have the opportunity to attend Columbia Journalism School thanks to the kind support of Nikkei.
“I have always been devoted to telling stories using data.
"A data journalism education from Columbia would equip me with vital skills to dig deeper on data sets, and to simplify their complexities in my stories in a more optimal way.”
DATING GURO, BETERANONG JOURNALIST
Naging bahagi si Prinz ng UST journalism faculty noong 2020.
Naging researcher din siya sa Financial Times at nagtrabaho bilang reporter sa The Philippine Star at BusinessWorld.
Dati rin siyang business news editor ng Philstar.com.
Noong 2016, kinilala siya bilang “Finance Reporter of the Year” ng Economic Journalists Association of the Philippines.
Taong 2015, nakumpleto ni Prinz ang kanyang Master’s Degree in Public Administration sa Catholic University of Korea.
Plano niya na magbalik sa pagtuturo kapag nakumpleto na niya ang kanyang master’s degree sa University of Columbia.
Si Prinz ang ikalawang Pinoy na nakatanggap ng Columbia-Nikkei scholarship.
Ang unang recipient ay si Francesca Rose Regalado, isang Japan-based Pinay reporter na ang espesyalisasyon ay investigative journalism.
Natanggap ni Francesca ang award noong 2018.