Watch Now

Pinay teenager, kahanay nina Bill Gates, Mark Zuckerberg sa 7 Famous Computer Programmers

by KC Cordero
Jan 20, 2022
Isabel Sieh, while teaching
Sa edad na 14 ay itinatag ni Isabel Sieh ang The Coding School kasabay ng paglaganap ng kanyang community na Girls Will Code. Naging advocacy niya na turuan ang mga kabataang babae ng computer programming.

Ten years old pa lang si Isabel Sieh ng Antipolo City nang magkaroon siya ng interes sa coding o computer programming. Mahusay kasi siya sa mathematics.

Seventeen years old na ngayon si Isabel, at kumukuha ng kursong Bachelor in Computer Science sa Stanford University sa California, USA.

Kasama siya sa “7 Famous Computer Programmers Who Started Programming at an Early Age” ng website na Interesting Engineering. Kahanay niya sa listahan sina Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg ng Facebook.

Kuwento ni Isabel sa artikulong lumabas sa website na Grid noong March 2021, “When I was around 10 years old, my teacher saw that I was really interested in math, and he suggested that I try out coding.

“So I looked into it. I basically searched things like ‘How to learn to code’ online.

"The first thing I found was a website called Code Academy that had resources for learning coding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Young Isabel Sieh

Mula roon ay natutunan niya ang HTML o HyperText Markup Language, CCC o Common Command Set, at JavaScript.

Sa pamamagitan ng coding at computer programming, makakabuo ng softwares, apps, websites, at kahit games.

Patuloy ni Isabel sa website, “It was really interesting to me because I saw how I could create whatever I wanted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the time, I loved playing games on my phone, and I suddenly realized that I had the power to create those games that I loved.

“It was really cool for me to see all the things that I could do with coding.”

Pero nakulangan ang teenager sa online sources, kaya ikinuha siya ng kanyang mommy na si Ronna ng tutor.

Paliwanag ni Isabel sa isang artikulong lumabas sa Manila Bulletin noong October 5, 2020, “I have always loved coding, spending hours learning through online courses.

"As I learned more, however, the courses became more challenging. Moreover, it was difficult to understand explanations purely from online forums.”

NAGTURO NG CODING SA MGA BATANG BABAENG KAPITBAHAY

Dahil natuklasan ni Isabel mula sa kanyang personal experience na ang coding ay maaaring matutunan sa murang edad, pumayag siyang turuan ang mga anak na babae ng kanilang mga kapitbahay.

Tuwing weekend, may 20 estudyante siyang tinuturuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Mommy Ronna sa artikulong nalathala sa Smart Parenting noong June 19, 2021, “She [Isabel] created a system to teach them. It was amazing.”

May mga nagbabayad sa kanyang pagtuturo. Nag-hire din siya ng co-teacher.

Isabel Sieh teaching

Nagsimula rin siyang magsagawa ng outreach sa mga public schools.

Mahirap sa umpisa dahil karamihan sa public schools ay walang Wi-Fi at luma ang computer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero natuklasan ni Isabel sa isa niyang online source na maaaring magturo ng coding kahit walang computers.

Noong February 2016, ibinahagi niya ang kanyang passion sa pamamagitan ng pagtuturo ng basic programming sa 10 elementary students mula sa Bagong Nayon 2 Elementary School, Antipolo City.

Mahalaga aniya na bata pa lang ay matuto na agad ang mga estudyante ng coding.

Ani Isabel, “It’s the same thing as language. As you learn early, you get really fluent.”

FORMING GIRLS WILL CODE CLUB

Kalaunan ay nagkaroon si Isabel ng idea na itatag ang Girls Will Code. Napansin kasi niya na, globally, ang information technology ay dominado ng mga kalalakihan.

Layunin ng Girls Will Code na mapaliit ang IT gender gap sa pamamagitan ng pag-e-encourage sa mga kabataang Pinay na matuto ng coding.

Nagsimula si Isabel mag-recruit ng club members sa kanyang pinapasukang school ng mga kabataang babaeng edad 11 hanggang 17.

Gayunpaman, isa lang ang nagpatala. Ang mas masaklap, sa sumunod na school na kanyang binisita para mag-recruit, walang nag-sign up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan siya ni Mommy Ronna na hindi nakakahiya kung walang gustong mag-join sa kanya.

Paliwanag pa sa kanya ng ina, “They just didn’t understand, so maybe you can help them understand more.”

Determinado si Isabel na buuin ang club kaya binago niya ang approach.

Sa halip na magsalita sa auditorium sa harap ng 100 students, bumisita siya sa mga classrooms.

Sa wakas, naka-recruit siya ng 15 miyembro.

PUBLICITY AND PARTNERS FOR GIRLS WILL CODE CLUB

Nang maging popular ang kanyang online community na Girls Will Code at ang advocacy ni Isabel na magturo ng coding sa mga kapwa niya batang babae, nakatanggap siya ng daan-daang emails mula sa iba’t ibang kumpanya at media outlets.

Sa gabay ng kanyang ina, nakipag-partner lang ang club sa mga kumpanya na ang tunay na layunin ay matulungan ang misyon ng Girls Will Code.

Pinili niya ang Google at Accenture, na parehong multinational company na ang specialization ay information technology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang concern si Mommy Ronna: Ang huwag gawing marketing tool ang anak at ang club.

Ayon kay sa kanya, “Google and Accenture were very good partners in that they let Isabel take the lead on what she wanted to do.

“They never required a photo or video recording of her. You knew they weren’t gonna use her to be a marketing tool.

"All they wanted was whatever Isabel’s vision is, whatever they can do to help it grow.”

Tinanggihan rin nila ang mga requests para ma-interview sa mga TV shows si Isabel para hindi siya ma-pressure.

Paliwanag ni Ronna, “The whole world was telling her, 'You’re the Bill Gates or Steve Jobs of the Philippines.'

"What if in the end she actually wanted to be an educator and not think of anything to do with computer science?

“What if that’s her real calling? I do not want to take that away from her because the whole world is telling her she’s Bill Gates. I was very protective of her true self.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ITINATAG ANG THE CODING SCHOOL SA EDAD NA 14

Nang tumuntong siya sa edad na 14, mas maraming kabataan na ang gustong matuto ng coding kay Isabel. Maging ang mga batang lalaki ay gusto na ring sumali.

Nag-suggest ang kanyang ina na magtayo sila ng coding school.

Nag-resign si Mommy Ronna sa trabaho nang pumayag si Isabel, at itinayo nila ang The Coding School.

Ayon sa kanya, “I really saw the impact of what she was doing and what it was doing for the ecosystem.

“And I did see the value in professionalizing it so that it’s institutionalized, so that you’ll always have this place for students to learn how to prepare for the future, and have the skills needed for that.”

Isabel Sieh teaching

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Isabel ang nagdisenyo ng curriculum, ng iba’t ibang tracks, pati na rin kung ilang classes ang kaya nila at kung anong content ang akma para sa iba’t ibang age groups.

Paliwanag ni Mommy Ronna, “I did not have to learn how to code. I just had to understand what kind of students and coaches she needed.

“When I got on board that was a big focus: training coaches, getting coaches, making sure that standards were met.”

Inilalagay naman nila ang mga estudyante sa mga klase na naka-align kung nasaan ang interes ng mga ito.

Operational pa rin hanggang ngayon ang The Coding School.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa edad na 14 ay itinatag ni Isabel Sieh ang The Coding School kasabay ng paglaganap ng kanyang community na Girls Will Code. Naging advocacy niya na turuan ang mga kabataang babae ng computer programming.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results