Life story of Dr. Joeffrey Mambucon: First licensed doctor from Tigwahanon tribe

by Bernie V. Franco
Jan 28, 2022
Joeffrey Mambucon Eat Bulaga scholar
Dr. Joeffrey Mambucon fulfills his dream of becoming the licensed physician of Tigwahanon tribe in Bukidnon with the help of Eat Bulaga!'s scholarship program.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)

Walang pinag-aralan, mukhang unggoy, at walang mararating sa buhay.

Ilan ito sa mga panlalait noon kay Dr. Joeffrey “Otit” Mambucon, na kabilang sa Tigwahanon Manobo Tribe sa Bukidnon.

Pero ngayon, natupad na ni Otit ang pangarap na maging first licensed physician ng kanilang tribo.

Ibinahagi ni Otit ang kanyang tagumpay sa Bawal Judgmental Exclusives ng Eat Bulaga! nitong January 24, 2022.

May scholarship program ang noontime show para sa deserving students, ang Eat Bulaga's Excellent Students (EBest) scholarship.

Napili si Otit bilang Eat Bulaga! (EB) New Normal scholar noong 2020.

Pagka-graduate niya noong sumunod na taon, ang Eat Bulaga! ang nag-sponsor kay Otit sa kanyang pagre-review para sa licensure exam, at kasama na rito ang allowances.

Noong July 14, 2021, naglaro ulit si Otit sa "Bawal Judgmental" segment ng Kapuso noontime show.

Naibahagi niya rito ang kuwento ng kanyang buhay.

Joeffrey Mambucon Eat Bulaga scholar

Joeffrey Mambucon's "Bawal Judgmental" participation on July 14, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos siya ng medisina sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Cavite.

Ayon kay Otit, nais niyang maging lisensiyadong doktor para maging "doctor to the barrio" sa kanilang lugar.

“Maraming mga doktor ang hindi pumupunta sa mga baryo-baryo,” paliwanag niya.

DISCRIMINATed as a tribe member

Emosyonal ding inalala ni Otit ang pinakamasakit na panlalait noon na kanyang narinig.

“As bata, kaya ko [ang sarili ko]. Pero sabihin sa mga parents mo na ignorante ang mama mo, wala kayong pinag-aralan, at wala kayong maaabot sa buhay, masakit po.

“Mas lalo na po sa mama ko.

“Hindi po nila kasalanan na hindi sila nakapag-aral dahil unang-una po, nung panahon [nila] walang paaralan.”

Dahil dito, naging desidido si Otit na makapag-aral.

“Nung may paaralan, pinatunayan ko po na kahit tatlong ilog po ang lalakbayin ko...na kahit po na tatlong araw lang po ako nag-aral nung elementary, tatapusin ko po ito, dahil gusto ko pong patunayan na mali po kayo sa paratang sa mga magulang ko.

“Hindi ko po kayang marinig na ignorante po yung mama ko.”

Sa kanyang itsura naman, sinasabihan raw siyang, “mukha kang kalabaw, mukha kang unggoy, wala kayong damit.”

joeffrey mambucon Eat Bulaga scholar

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Joeffrey Mambucon and his beloved mom. They are from the Tigwahanon tribe in Bukidnon.

HARDSHIPS AND SUCCESS

Malaking bagay ang pagiging Eat Bulaga! scholar ni Joeffrey.

Sa katunayan, muntik na siyang sumuko dahil sa mga hamon na kanyang hinarap.

Una, bunsod ng pandemya, mayroon lang siyang isang buwan na mag-review para sa licensure exam. Kalimitang two months daw ang itinatagal ng review.

Tinapos ang kanilang internship noong August at nag-review agad sila para sa September 2021 physician licensure exam.

Pangalawa, sa kasagsagan ng kanyang pagre-review, tinamaan ng COVID ang kanyang ina.

Muntik na siyang hindi tumuloy sa pag-e-exam.

Buti na lang, bumuti ang lagay ng kanyang ina kaya't ipinagpatuloy ni Otit ang kanyang pagiging EB scholar.

Pangatlo, hindi natuloy ang exam.

“Two days before the exam, kinansel ang exam namin," ani Otit.

Hindi agad siya naniwala na ikakansel iyon lalo pa’t kailangan ng mga doktor sa panahon ng pandemya.

“Pero sobrang taas yung cases natin nung September [2021], kinansel yung [board exam sa] Luzon.

Dahil dito, nagsimulang magduda si Otit kung magiging doktor pa siya.

“Parang di matutupad ang pangarap ko,” aniya.

Hindi nakatulong ang pangungumusta sa kanya ng mga kakilala, at nakaramdam siya ng pressure.

Kaya sinabi niya sa mga ito na hindi na siya matutuloy sa pagkuha ng exam sa taong iyon.

“I-give up ko na. Di ako magti-take. March [2022] na ako.”

Pero pinalakas ng ina ang kanyang loob.

Sabi raw ng kanyang ina, “Nandiyan ka na sa Manila, may rason kung bakit di ka pinauwi… di ka pababayaan ni Lord. I-grab mo na ang opportunity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya noong October 2021, kasama si Otit sa mga kumuha ng licensure exam. Ang nakakaalam lang ay ang kanyang “ina at is Lord.”

Hindi rin umasa si Otit na makakapasa siya.

“Umuwi agad after the exam. Ayoko marinig na talunan ako.

“Parang alam ko babagsak ako.”

Lumabas ang resulta ng pagsusulit pagkalipas ng isang linggo.

“Andun yung pangalan ko,” ani Otit.

Joeffrey Mambucon Eat Bulaga scholar

Joeffrey Mambucon and his family

“Sobrang hagulgol namin. Hanggang ngayon di ako makapaniwala.

“Isa ako sa 70 percent na pumasa sa board exam na iyon.”

Sabi ni Otit, “As I promised, babalik ako [sa tribo namin] bilang isang lisensiyadong doktor.”

PHYSICIAN In BUKIDNON

“Bumalik ako na dala yung white coat ko, dala-dala yung uniporme ko bilang isang doktor, at stethoscope.

“Sobrang iba yung pagtingin ng mga tao sa akin.”

Hindi lang ang pagiging doctor to the barrio ang nakamit ni Otit.

“Hindi lang ako nag-serve sa aming tribo, nag-serve ako sa buong Bukidnon, sa provincial health office namin."

joeffre mambucon eat bulaga scholar

Dr. Joeffrey Mambucon of the Tigwahanon tribe in Bukidnon.

Nagsi-serve siya sa vaccination sites at ine-educate ang kanyang mga pasyente.

Mahirap lang daw na hindi niya mayakap ang kanyang ina dahil nga may pandemya pa.

“Gusto ko mang lapitan palagi yung mama ko, iparanas ko sa kanya yung buhay na dapat niyang maranasan ngayong doktor na yung anak niya, pinipigilan tayo ng Omicron,” ani Otit.

Testimonya raw si Otit na basta nangarap ka, kaya mo itong maabot.

“Sa hirap na pinagdaanan ko sa buhay, sa lahat ng judgment, sa lahat ng pagdududa ng mga tao, kakayanin ko ba ang pagiging doktor na nag-aral sa bundok?

“Nandito ako. Napatunayan ko na kaya naman pala.

“Hangga’t kaya mong mag-inspire sa iba, at maniwala ka sa sarili mo.”

Sa ngayon, hinihimok ni Otit ang kanyang mga katribo na patuloy na mangarap at huwag mawawalan ng pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Joeffrey Mambucon fulfills his dream of becoming the licensed physician of Tigwahanon tribe in Bukidnon with the help of Eat Bulaga!'s scholarship program.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results