Puerto Rican Sofia Jirau becomes first Victoria’s Secret Angel with Down syndrome

by Bernie V. Franco
Feb 21, 2022
Sofia Jirau
Meet Sofia Jirau, 24. She is a Victoria's Secret Angel who has Down syndrome. She is also a fashion designer and a fitness enthusiast.
PHOTO/S: @sofiajirau on Instagram

History in the making ang pagkakapili sa isang Puerto Rican model na may Down syndrome na mapabilang sa angels ng Victoria’s Secret, ang tanyag na American lingerie, clothing, and beauty brand.

Meet Sofia Jirau, 24, ang first-ever Victoria’s Secret model with Down syndrome.

Dream come true ito para kay Sofia na pinangarap maging Victoria's Secret Angel sa kabila ng kanyang kondisyon.

"Angel" ang tawag sa Victoria's Secret model, pero tinitibag na nila ang titulong ito sa "new era" ng mga models na gaya ni Sofia.

Kilala ang Victoria’s Secret dahil sa annual lingerie fashion show nito, kung saan rumarampa ang mga naggagandanhang modelo, kabilang ang mga supermodels.

Big news ang pagkakapili kay Sofia dahil ang nakasanayang “beauty standard” ng nasabing brand ay hindi bababa sa 5'8" ang height at, ayon sa research ng The Boston Globe, 23.6 inches ang average waistline ng mga Angels taong 2019, at 34.4 inches ang hips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga reports, almost five feet ang height ni Sofia at ang body measurement niya ay 34-26-34.

Pinatunayan ni Sofia na walang imposible sa taong may pangarap.

Very meaningful ang Instagram post ni Sofia.

Translation ng kanyang Spanish caption: “One day I dreamed of it, I worked for it and today it’s a dream come true.

“I can finally tell you my big secret. I am Victoria’s Secret’s first model with Down syndrome!”

Ang sabi ng Victoria’s Secret creative director na si Raul Martinez, bahagi ito ng brand para maging “more diverse" ito.

Mapapabilang si Sofia sa mga modelong rarampa kapag ini-launch na Love Cloud collection.

Pero simula pa lang ito para kay Sofia.

Sa interview niya sa TMZ nitong February 20, kinuha rin siya bilang bagong mukha ng international hair and make-up brand na L’Oreal sa Puerto Rico.

Unang rumampa si Sofia sa New York Fashion Week noong 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sofia Jirau

Sa panayam sa kanya ng isang American media outlet, sinabi niyang nais din niyang makarampa sa fashion week sa Paris, France, at Italy.

FACTS ABOUT SOFIA

Naglabas ang USMagazine.com ng ilang kahanga-hangang katangian ni Sofia.

Isa siyang fashion designer at inilunsad ang kanyang company brand na Allavet noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halaw ito sa favorite phrase niyang “I love it” at ang products ng kanyang line ay mugs, t-shirts, pati baseball hats.

Strict si Sofia sa kanyang healthy diet at lifestyle.

Aniya, mahilig siya sa greens at proteins dahil nakakatulong ang tamang pagkain para siya ay maging focused.

Active din siya physically dahil consistent ang workout routine.

Aktibo rin siya sa volleyball, dancing, at ballet.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Sofia Jirau, 24. She is a Victoria's Secret Angel who has Down syndrome. She is also a fashion designer and a fitness enthusiast.
PHOTO/S: @sofiajirau on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results