TRUE OR FALSE: Pinay teen sa UK lampas ang IQ level kay Albert Einstein

by Bernie V. Franco
Mar 2, 2022
Pinay student IQ Einstein
TRUE: Mia Golosino, a Pinay student in United Kingdom has an IQ score of 164, which is beyond genius level. There have been claims that her IQ level has surpassed that of Albert Einstein allegedly to be 140. Is this also true?
PHOTO/S: Masons via metro.co.uk. / Instagram

Napaulat ang tungkol sa 11 anyos na Filipina kid na dinaig umano ang intelligence quotient o IQ level ni Albert Einstein.

Kumalat sa iba’t ibang sites at maging sa social media ang tungkol sa balitang ito noong 2020.

Kinilala ang bata bilang si Mia Golosino, na ang pamilya ay naka-base sa United Kingdom (UK).

Ayon sa mga nasulat, ni-reject si Mia ng Aylesbury High School, isang kilalang grammar school.

Kaya raw na-deny ang kanyang admission ay dahil sa “oversubscription.”

First choice kasi ng mga magulang ni Mia ang nasabing school kaya nag-appeal sila, at pinakuha ng IQ test si Mia sa Mensa International.

Ang Mensa International (o High IQ Society) ay isang non-profit organization kung saan ang mga kasapi rito ay may score na 98 percent o pataas sa kanilang IQ test.

Ang mga kasama sa Mensa ay mga taong ang IQ level ay nasa 2 percent lang ng populasyon.

Ang resulta ng IQ test ni Mia ay 162, mas mataas umano kay Albert Einstein na 140, at kay Stephen Hawking na 160.

Ang benchmark para sa genius ay lampas sa 140 IQ level.

Mia Golosino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Einstein, isang German, ay itinuturing na isa sa greatest physicists at ginawaran ng Nobel Prize in Physics noong 1921.

Si Hawking ay isang British scientist, professor, at author na may groundbreaking work pagdating sa physics at cosmology.

Samantala, maging ang mga magulang ni Mia na sina Mary at Jose Gosolino ay nagulat sa resula ng IQ test ng kanilang anak.

Kaya naman nakatanggap ng mga paanyaya si Mia sa ibat-ibang school sa U.K., pero ang tinanggap niya ay ang Royal Latin School sa Buckingham.

EINSTEIN'S IQ LEVEL

Sa kabilang banda, isang local digital media outlet ang nagsulat sa umano'y 140 IQ level ni Einstein.

Walang patunay na kumuha ng IQ test si Einstein, kaya hindi masasabing nalampasan nga ni Mia ang IQ level ng German scientist.

Kinumpirma ito mismo ng Mensa International sa Rappler, sa ulat nito noong October 22, 2020.

Bahagi ng Rappler report: "Mensa said that the alleged IQ of Einstein was estimated long ago by an unknown person based on his achievements.

“These estimates are inaccurate because it isn’t known which test he was rated on and different tests have different measurement scales.”

Kinikilala ng Mensa International ang mga nag-test na may 98% results sa kanilang “recognized IQ test.”

Dahil iba-iba ang scoring system sa bawat test, kino-convert ang scores sa percentiles para matukoy ang IQ level ng kumuha ng exam.

Magkakaiba kasi ang industry-standard tests na ibinibigay, ayon sa ulat.

“An IQ of 150 is a meaningless claim unless you know the actual test which was used,” ayon sa Mensa website pagdating sa pagkukumpara ng IQ test scores.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ulat ng Newsweek noong March 2018, ipinublish ang report kung saan si Hawking mismo, sinabing hindi niya alam ang kanyang IQ level.

Samantala, lumabas naman ang ulat tungkol kay Mia sa report ng metro.co.uk noong May 2017.

Kinumpirma rito na 162 nga ang IQ level ni Mia base sa test niya sa Mensa International.

Kalakip sa artikulo ang Mensa letter na nagsasabing si Mia ay nakakuha ng 164 IQ score, na kabilang sa 1% ng populasyon.

IQ test

Nabanggit din sa 2017 report na ang pamilya ni Mia ay lumipad sa UK years ago, at nakatira sa Wolverton Milton Keynes.

At dahil ang ulat ay isinulat noong 2017, si Mia ay tinatayang 15 o 16 anyos na ngayon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TRUE: Mia Golosino, a Pinay student in United Kingdom has an IQ score of 164, which is beyond genius level. There have been claims that her IQ level has surpassed that of Albert Einstein allegedly to be 140. Is this also true?
PHOTO/S: Masons via metro.co.uk. / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results