Watch Now

Beth Tarlac mula sa tribo ng Tau’t Batu, pursigidong matapos ang kolehiyo

by KC Cordero
Mar 5, 2022
Beth Talac garbed in their tribal costume, wearing toga.
Isa lang si Beth Talac sa iilang member ng Tau’t Batu tribe sa Palawan na nagsikap makatapos ng pag-aaral. Natutuwa siya na marami na ngayon sa kanyang mga katribu ang may interes sa edukasyon.

Isang inspirasyon si Elizabeth Tarlac para sa mga kapwa niya indigenous peoples (IP).

Si Beth, 23, ay fourth-year college student na kumukuha ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Palawan State University-Rizal College Community Resources Development (PSU-Rizal).

Beth Talac wearing her college ID.

Kabilang siya tribong Tau’t Batu, matatagpuan sila sa Mount Mantalingajan na nasa timog na bahagi ng Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Beth Talac

Sa panayam sa kanya ni Rachel Ganancial ng Palawan News na nalathala noong March 2, 2022, sinabi ni Beth na kinailangan niyang maghanap ng part-time jobs para matustusan ang kanyang pag-aaral mula high school hanggang college.

Siya ang panganay sa walong magkakapatid.

Pagbabahagi niya, “Noong elementary ako, nakitira ako sa auntie ko kasi wala na akong tatay. Noong tumuntong ako ng K-12, kailangan ko nang mag-working student.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nag-working student ako noong Grade 12 hanggang second-year college.”

Idolo niya ang kanyang tiyahin na si Juda Diklay, isang guro at kauna-unahang Tau’t Batu IP na nakapagtapos sa kolehiyo.

PURSIGIDONG MAKATAPOS, PLANONG MAGTAYO NG NEGOSYO

Ayon kay Beth, hindi na siya naninirahan ngayon sa kamag-anak. Para mas malapit sa state university na kanyang pinapasukan ay umuupa siya sa boarding house—na dagdag na problema pa niya sa gastusin.

Kuwento niya, “Pero para sa akin, pursigido talaga ako na makapagtapos. Kaya nga masaya ako kahit na pagod.”

Ang pangarap sana ni Beth ay maging guro tulad ng kanyang tiyahin. Ngunit walang offer na education course program sa PSU-Rizal campus, kaya entrepreneurship ang kanyang kinuha.

Plano niyang magtrabaho pagkatapos ng kolehiyo, mag-ipon, at saka magtayo ng sariling negosyo.

“Gusto kong magamit yung mga natutunan ko sa aking kurso.”

Beth Talac selling merchandise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, nagtatrabaho siya sa isang restaurant, at suma-sideline din bilang resort maintenance officer habang tinatapos niya ang kanyang pag-aaral.

Pinasok din niya ang online selling para mayroon siyang extra income.

DUMAMI ANG GUSTONG MAG-ARAL sa TRIBO

Natutuwa naman si Beth dahil nasaksihan niya ang pagbabago ng pananaw ng mga katribo sa kanilang komunidad pagdating sa edukasyon.

Aniya, marami na sa mga Tau’t Batu ang gustong mag-aral.

“Napansin ko kasi before, noong buhay pa si Papa, wala talagang gusto mag-aral kahit na pinipilit sila ni Papa na mag-aral sa labas [kabayanan].

"Pero ngayon, dahil na rin sa 4Ps [scholarship ng gobyerno] at yung iba ay gusto na rin talaga makapag-aral sa labas, ngayon medyo marami-rami na ang nakakapag-aral ng elementary.

"Kaso nga lang, pagdating ng high school minsan ay nag-aasawa na rin.”

Hinihikayat naman niya ang mga kabataan na huwag gawing excuse ang kahirapan para hindi na magsikap sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Para sa mga kapwa ko kabataan, pahalagahan natin ang bawat pagkakataon. Hindi talaga hadlang ang kahirapan katulad sa working student na gaya ko. Hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang mga pangarap natin sa buhay.”

Sa kanyang Facebook post noong March 2, 2022, puno ng saya ang kanyang status: “Proud Tau’t Batu na ga-graduate sa kolehiyo na naghahangad mabago ang buhay ng tribu.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa lang si Beth Talac sa iilang member ng Tau’t Batu tribe sa Palawan na nagsikap makatapos ng pag-aaral. Natutuwa siya na marami na ngayon sa kanyang mga katribu ang may interes sa edukasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results