Franz Fernand Velasco, topnotcher sa 2 board exams; galing siya sa pamilya ng topnotchers!

by KC Cordero
May 4, 2022
Universidad de Dagupan congratulates Franz Fernand Velasco
Si Franz Fernand Velasco ang itinuturing ngayon na first topnotcher ng Universidad de Dagupan matapos niyang makopo ang second place sa electronics technician, at fourth place naman sa electronics engineer sa April 2022 licensure exams.

Topnotcher si Franz Fernand Velasco, 22, ng Barangay Tonton, Lingayen, Pangasinan sa dalawang licensure exams na ginanap noong April 2022.

Second placer si Franz sa electronics technician (ET) at fourth placer naman sa electronics engineer (EE).

Nakakuha siya ng 93.00 percent average para sa ET, habang 89.20 percent naman sa EE.

Universidad de Dagupan congratulates Franz Fernand Velasco

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Franz ang itinuturing ngayon na first topnotcher ng Universidad de Dagupan mula nang maging university ito noong March.

Ayon sa panayam sa kanya ng Philippine News Agency noong May 2, nakatulong sa kanyang pagre-review ang pandemya.

“Dahil sa pandemic, purely online review lang ang ginawa ko at malaking tulong iyon dahil hindi ko na ako namroblema sa pagkain at iba pang gastusin."

Si Franz ang pinakabunso sa tatlong magkakapatid. Itinaguyod ng kanilang ina na solo parent ang kanilang pag-aaral.

Consistent honor student siya, at nakatanggap ng iba’t ibang scholarship grants.

Ani Franz, “Thankful kami sa lahat ng mga nag-grant sa amin ng scholarships kaya nakaraos at nakapagtapos kaming lahat.”

Pagbabahagi naman niya sa naging karanasan sa board exams, “Maganda yung naging foundation ko sa math kaya medyo naging komportable sa review at sa mismong exam.

“Pero may ilang questions sa ibang subject areas na nahirapan.”

May pressure din sa kanya dahil ang dalawa niyang kapatid ay mga naging topnotchers din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Velasco siblings

Noong 2015, ang kanyang kuya na si Fern Adriel (nasa kaliwa sa larawan) ay eighth placer sa Certified Public Accountant (CPA) board examination, at nakakuha ng 91.14-percent rating.

Ang kanyang ate na si Ferren (nasa gitna) ay eighth placer naman sa 2018 Electronics Communications Engineering licensure examination, na may 89.3-percent average.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Franz, “Nung unang nag-top ang kuya ko at sumunod ang ate ko, medyo may pressure na kasi parang inaasahan na ng lahat na dapat mag-top din ako.”

Tungkol naman sa mga pagsubok na pagdaraanan, ang payo ni Franz:

“Para sa lahat ng mga may suliranin sa buhay lalo na sa pag-aaral, magtiwala at magdasal lang.

“Huwag panghinaan ng loob dahil may pag-asa at makakamit din ang mga pangarap.”

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa niya kung alin sa mga job offers na iniaalok sa kanya ang kanyang tatanggapin.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Franz Fernand Velasco ang itinuturing ngayon na first topnotcher ng Universidad de Dagupan matapos niyang makopo ang second place sa electronics technician, at fourth place naman sa electronics engineer sa April 2022 licensure exams.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results