Tindero ng isda at gulay sa palengke, nanalong mayor sa Eastern Samar

by Bernie V. Franco
May 13, 2022
onoy rivera
Rodrigo "Onoy" Rivera, elected mayor of Dolores, Eastern Samar, knows his constituents, and they know him to be one of them. Onoy served as a barangay captain in a barangay in Dolores for nine years. After his term in 2010, he sold fish and vegetables in the public market.
PHOTO/S: Facebook (Rodrigo Onoy Rivera)

Isang tindero sa palengke ang naihalal na bagong mayor ng Dolores, Eastern Samar.

Tinalo ni Rodrigo “Onoy” Rivera, 62, ang katunggali niya sa pagka-alkalde na si Dr. Zaldy Carpeso, kapatid ng incumbent mayor sa lugar na si Shonny Carpeso.

Si Shonny ang siya namang naihalal na vice mayor. Wala siyang katunggali sa vice mayoralty race.

Ang lamang sa boto ni Rivera ay 562. Nakakuha siya ng 11,508 boto, habang si Dr. Zaldy ay 10,946 votes.

Nagsilbi noon si Rivera bilang barangay chairman sa loob ng siyam na taon sa Gap-ang sa Dolores. Siya ay nakaabot ng second year high school.

Nang matapos ang kanyang termino noong 2010, nagbenta si Rivera ng mga isda at gulay sa palengke, ulat ng CNN Philippines.

onoy rivera

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, pader ang binangga ni Rivera dahil political family ang kanyang kalaban.

Pero hindi siya pinanghinaan ng loob na tumakbong independent candidate.

Bagamat kulang sa pondo, naging masigasig siya sa pangangampanya, na tinulungan ng mga volunteers, ulat ng ABS-CBN News.

Nakuha ni Rivera ang loob ng mga residente dahil sa kanyang mga adhikaing isinusulong.

Nauunawaan daw niya ang pinagdadaanan ng mga botante.

Ani Rivera sa isang speech, “Direkta akong nakikipag-usap sa mga tao.

“Inihain ko ang aking sarili sa kanila na isa ring mahirap.

“Inilatag ko ang aking mga plataporma para sa mga mahihirap na tulad ko.”

Sa kanyang Facebook post, nangako si Rivera na huhusayan niya ang kanyang serbisyo bilang alkalde.

Translated post niya, “Sisimulan na natin ang liwanag sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga taga-Dolores ng mahusay na serbisyo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodrigo "Onoy" Rivera, elected mayor of Dolores, Eastern Samar, knows his constituents, and they know him to be one of them. Onoy served as a barangay captain in a barangay in Dolores for nine years. After his term in 2010, he sold fish and vegetables in the public market.
PHOTO/S: Facebook (Rodrigo Onoy Rivera)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results