Meet Enrico Escobar: “From no one to an almost board topnotcher”

by KC Cordero
May 17, 2022
Enrico Escobar in graduation photo
Kahit aminadong hindi siya kahusayan sa klase, nangarap si Enrico Escobar na maging board topnotcher sa May 2022 Civil Engineer Licensure Examination. “Kaya kahit di ako nag-top, feeling ko topnotcher na rin ako sa naabot ko kahit sa kokonting panahon para mag-prepare.”

Sinong mag-aakala na ang dating "sakto lang" noong college ay magiging "almost board topnotcher?"

Ito ang nasa isip ni Enrico Escobar nang pumasa siya sa May 2022 Civil Engineer Licensure Examination.

Si Enrico, na residente ng Imus, Cavite, ay produkto ng Cavite State University, kung saan nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering noong 2020.

On May 13, 2022, ilang araw matapos lumabas ang resulta ng board exam ay nag-post si Enrico sa kanyang Facebook ng: “From no one to an almost board topnotcher.”

Enrico Escobar's rating

Continue reading below ↓

Nakakuha kasi siya ng rating na 88.70 percent.

Ang dalawang kapwa niya board passers na nasa 10th place ay may rating na 91.55 percent.

“Almost” nga naman.

Ayon pa sa post ni Enrico, alam naman ng mga kaklase at kaibigan niya na hindi siya magaling noong nasa college pa sila.

Aniya, “Tinanggap ko na nga na ako si ‘sakto lang’. Pero one thing I'm sure, natututo ako.”

Lagi rin umanong naglalaro sa 70+ lang ang kanyang grades.

Naging challenge din sa kanya ang pagre-review dahil solo flight siya at walang study buddy.

Noong March 16 na rin lang siya nakapag-review nang maayos, at kinailangan pa niyang mag-resign sa trabaho para matutukan ang paghahanda sa board exam.

“Kaya kahit di ako nag-top, feeling ko topnotcher na rin ako sa naabot ko kahit sa kokonting panahon para mag-prepare.”

PAYO SA MGA KUKUHA NG BOARD EXAM

Ang payo ni Enrico sa mga susunod na kukuha ng board exam, huwag nang masyadong tutukan ang mga subjects na kabisado na.

Continue reading below ↓

“Mag-focus ka sa mga alam mong mahina ka. Internalize the concepts. Sa preboards or quizzes, isulat mo sa hiwalay na papel kung saang topic ka nahihirapan.”

Mahalaga aniya ang oras, kaya i-absorb nang mabuti ang topics.

Importante rin para kay Enrico ang index cards.

“Para kahit saan ka pumuwesto ng review o mag-review sa labas ng bahay, madali mong makikita ang mga formula mo.”

Ipinayo rin niya na aralin ang trend ng exams.

“I-predict mo na kung ano yung nasa isip ng examiners, lalo na ngayon practical ang mga tanungan sa board exams.”

Dapat din aniyang magtiwala sa pacing at advice ng review centers. Dahil batay sa kanyang naging karanasan, “Totoong mas alam nila [review centers] kung paano ka papasa ng board exams.”

Mahigpit pa niyang tagubilin, “Makikinig nang maige sa final coaching.”

MAGTIWALA SA SARILI, MAGPAKASIPAG SA PAGRE-REVIEW

Ayon kay Enrico, malaking factor din sa pagkuha ng board exam ang tiwala sa sarili.

Continue reading below ↓

“Dadating talaga sa punto na mawawalan ka na ng tiwala sa sarili mo, lalo na pag kada tanong sa preboard ay hindi mo masagutan. Pero totoo rin na nakakapagpalakas ng loob ang prayers and advices ng mga taong nakapaligid at nagtitiwala sa iyo.”

Enrico Escobar sitting on a sofa

Inamin niyang nangarap siyang maging topnotcher.

“Nitong April ko lang sinabi sa sarili ko na i-aim ko ang top place. Bigo man, hindi ako kinabahan sa results, payapa ako simula, umuwi ng bahay pagkatapos ng exams hanggang sa oras ng results.”

Continue reading below ↓

Biro pa niya, “Mas kinabahan ako sa topnotcher, tumaas ang ambisyon, e!”

Sa huli, sinabi niyang pinakaimportante sa pagkuha ng board exam ang walang humpay na pagre-review.

“Hinding-hindi ka bibiguin ng sarili mo at ni Lord kung alam mong hindi ka nagkulang sa pag-aaral.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit aminadong hindi siya kahusayan sa klase, nangarap si Enrico Escobar na maging board topnotcher sa May 2022 Civil Engineer Licensure Examination. “Kaya kahit di ako nag-top, feeling ko topnotcher na rin ako sa naabot ko kahit sa kokonting panahon para mag-prepare.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results