Pangasinan State University students na board topnotchers, may PHP100K incentive

by KC Cordero
May 20, 2022
Art cards for Thomas Jefferson Fernando and Jason Mejia
Tumanggap sina Jason Mejia at Thomas Jefferson Fernando ng cash incentive mula sa Pangasinan State University matapos maging topnotcher sa kani-kanilang kinuhang licensure examination.

May incentive ang pagiging topnotcher!

Ginantimpalaan ng Pangasinan State University (PSU) ang dalawa sa kanilang mga estudyante ng tig-PHP100,000 cash incentive dahil sa pagiging topnotcher nila sa magkahiwalay na board examinations.

Ang dalawang estudyante ay sina Thomas Jefferson Fernando ng PSU Asingan campus, at Jason Mejia ng PSU Urdaneta City campus.

Thomas Jefferson Fernando receiving his check

Continue reading below ↓

Si Thomas ay Top 3 sa ginanap na January 2022 Licensure Examination for Teachers, at may rating na 92.20 percent.

Jason Mejia receiving his check

Top 3 naman si Jason sa May 2022 Licensure Examination for Civil Engineers, at may rating na 93.25 percent.

Nagpasalamat sina Thomas at Jason sa PSU dahil malaking tulong sa kanilang pamilya ang natanggap nilang incentive.

Continue reading below ↓

Ayon kay PSU president Dr. Dexter Buted, “Passing a board examination is a formidable feat and topping these licensure tests is an achievement extraordinaire.”

Nagkakaloob ang PSU ng cash incentives sa kanilang mga estudyante na mapapabilang sa Top 10 ng alinmang Professional Regulations Commission (PRC) examinations.

Ayon sa PSU, ito ay para makapagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga estudyante na maging masigasig sa kanilang pag-aaral at paghandaang mabuti ang licensure examinations.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumanggap sina Jason Mejia at Thomas Jefferson Fernando ng cash incentive mula sa Pangasinan State University matapos maging topnotcher sa kani-kanilang kinuhang licensure examination.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results