Tuberong Pinoy sa Japan, kinilala ang kabayanihan nang iligtas ang isang Japanese

by Bernie V. Franco
May 23, 2022
emil reboja vega
Tinanggap ni Emil Reboja Vega (right) ang isang certificate mula Asaka City police chief commissioner sa Japan noong May 19, 2022. Iniligtas ni Emil, isang OFW sa Japan, ang buhay ng isang Japanese noong Abril 2022.
PHOTO/S: Jewel Meneses Vega

Isang tuberong overseas Filipino worker sa Japan ang kinilala ng Japanese local authorities matapos nitong iligtas ang isang Haponesa.

Siya ay si Emil Reboja Vega, 32, at ang kanyang iniligtas ay isang Japanese national na nagtangkang wakasan ang kanyang buhay noong April 24, 2022.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang Japanese national ay nakatira sa Asaka City, Saitama Prefecture.

Via direct messaging, inilarawan ng asawa ni Emil na si Jewel Vega kung paano iniligtas ng kanyang mister ang Haponesang tatalon sana sa tulay.

Mensahe ni Jewel sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), pauwi na si Emil nang matiyempuhan niya ang babaeng patalon na sa mataas na tulay.

Ani Jewel, "Pauwi po yung asawa ko galing trabaho nang makita niya ang babaeng Japanese na nasa mga 30s ata ang edad, akmang tatalon mula sa tulay."

Hindi raw nag-aksaya ng oras si Emil.

"Dali-dali siyang bumaba ng motorsiklo, hinawakan niya daw ang kamay ng babae, at humingi ng tulong mula sa ibang mga motorista na dumadaan, at tumawag po sila ng pulis."

Continue reading below ↓

Bilang pagkilala kay Emil, isang seremonya ang ginanap ng kapulisan noong Huwebes, May 19, 2022.

Inabutan si Emil ni Asaka City Police Commissioner Chief Inspector Makoto Sato ng isang certificate bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan.

emil reboja vega

Si Emil ay isang plumber at nagtatrabaho sa Japan sa loob ng 16 na taon.

Continue reading below ↓

Kasama niya roon ang kanyang pamilya.

Siya ay tubong-Albuera, Leyte.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinanggap ni Emil Reboja Vega (right) ang isang certificate mula Asaka City police chief commissioner sa Japan noong May 19, 2022. Iniligtas ni Emil, isang OFW sa Japan, ang buhay ng isang Japanese noong Abril 2022.
PHOTO/S: Jewel Meneses Vega
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results