Allen Hale Jaguimit, 18, sinimulan ang shoe-restoration business sa halagang PHP300

by KC Cordero
May 27, 2022
Allen Hale Jaguimit restoring an old leather shoes, and a photo of him with some of his restoration works.
Mula sa isang leather shoes na nabili niya sa ukay-ukay, nakita ni Allen Hale Jaguimit ang potential na maging negosyo ang pagre-restore ng leather shoes.

Dahil sa paghanga kay Michael Jackson, nakapagtayo si Allen Hale Jaguimit ng negosyo kung saan nagre-restore siya ng mga lumang leather shoes.

Ipinost ni Allen sa kanyang Facebook account ang naging panayam sa kanya ng NET25 noong March 21, 2022.

Dito ay ikinuwento ng 18-year-old student na si Allen, mula sa Muntinlupa City, kung paano nag-umpisa ang kanyang patok na negosyo.

Allen Hale Jaguimit showing the restored leather shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Way back 2019 po, yung gift shoes sa akin ng mom ko, bigla na lang nag-peel at nagkaroon ng butas yung ilalim. Kaya pag uwian [galing sa school] ay nagpupunta ako sa mga ukay-ukay at mga sapatero sa daanan.

“Araw-araw ko siyang ginagawa, and, eventually, nakakita ako ng leather shoes na katulad talaga ng kay Michael Jackson. Kaya lang, tig-PHP1,500 siya noon, e.”

Hirap na hirap umano siya noon sa pera.

Aminado si Allen na big fan siya ni Michael Jackson at pangarap talaga niyang makabili ng sapatos na gaya ng suot ng Pop Superstar noong kasikatan nito.

"Struggling student pa po ako noon. Kaya pabalik-balik muna, patingin-tingin. E, gustung-gusto ko po talaga yung leather shoes na yun kaya inipon ko yung baon ko na PHP40 everyday.”

Nagkakataon naman na kapag malapit na niyang mabuo ang pambili, kailangan naman nila ng budget sa bahay.

“Ibinibigay ko muna sa mom ko, kaya napupurnada po yung pagbili.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NAKAKUHA NG IDEA SA ISANG SAPATERO

Hanggang minsan ay tuluyan nang bumigay ang ginagamit ni Allen na leather shoes.

“Binalikan po namin yung leather shoes sa ukay-ukay, may budget na po ako, e. 'Tapos dinagdagan na lang din po ng mom ko. Finally, available pa siya, at nabili ko na rin!”

Dinala niya sa sapatero ang leather shoes, at namangha siya sa ginawa nito.

"Actually brown siya, e. Pinalitan lang ng sapatero ng tone black. Nagulat ako na possible pala iyon.

“'Tapos nagbigay siya ng tip sa akin na i-shine ko lang, i-brush. Ako, gusto ko talagang i-take care yung shoes kaya gabi-gabing bina-brush ko.”

Gayunpaman, dumating ang time na bigla na lang nag-crack at nag-peel din ang nabili niyang leather shoes.

“Dinala ko po sa repair shop, ang sabi sa akin ay hindi na ako matutulungan kasi dry na raw. Hindi na talaga magagawa.”

Umuwi siyang malungkot at bigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayaw ko pong masayang yung pinag-ipunan ko kaya ang ginawa ko noon, nag-research ako, sumali ako sa mga groups, nagtanung-tanong ako sa mga experts.

“Doon ko nalaman na tama naman yung ginagawa ko, pero may proper procedures ang pagme-maintain o pagsa-shine ng isang leather shoes.”

LEATHER SHOES NA WORTH PHP300, NABENTA NG PHP2,500

Ayon kay Allen, ang sapatos na iyon ang naging dahilan kaya pinasok niya ang negosyo niya ngayon.

“Naisip ko na kung nangyari sa akin yun, what more pa kung sa iba? Kung may paraan pa, hindi sayang ang pera. Made to last kasi ang leather shoes.”

Dahil may knowledge na siya sa leather shoes restoration, sinimulan na niya ang kanyang planong negosyo.

“Naghanap uli ako ng shoes sa isang surplus store. Doon ko nakita yung shoes na worth PHP300. Ang ganda niya, in good shape, ang ganda ng construction niya.”

Nag-research siya ng tungkol sa brand at style ng nasabing leather shoes. At namangha siya sa natuklasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkakahalaga talaga siya ng PHP13,000. Pag brand new, yun ang retail niya. Ang ganda talaga!”

Inisip daw niya na baka kaya ganoon lang ang presyo nito sa surplus store ay hindi pumasa sa quality control. Hindi na rin aniya kagandahan ang finish nito.

"E, ako, alam ko na kung paano remedyuhan yun at i-restore.”

A photo of restored leather shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binili niya ang sapatos. Nang ma-restore niya ang leather shoes ay sinubukan niyang i-post iyon sa online market.

"May nag-inquire na gusto niyang bilhin. Nag-meet up kami at nabenta ko sa kanya ng PHP2,500! Tuwang-tuwa rin siya dahil ang ganda raw ng restoration ko.”

SINERYOSO NA ANG PAGRE-RESTORE NG LEATHER SHOES

Ayon kay Allen ay maliit lang ang nagastos niya sa materials na ginamit sa restoration ng nabenta niyang leather shoes.

Kaya naisip niyang seryosohin na iyon at gawing negosyo.

"Doon na nagtuluy-tuloy.”

A photo of restored leather shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuklasan niyang may market talaga ang restored leather shoes, lalo na kung branded. Nag-research pa siya ng mga brand ng leather shoes na mamahalin para alam niya ang hahanapin sa surplus store.

“Meron akong dalawang sapatos na ang total na pagkakabili ko ay PHP3,000. Yung customer ko ay gustong bilhin pareho.

“Ang total na benta ay PHP9,600. Ipina-ship ko pa sa Mindanao kasi tagaroon siya. Collector siya ng leather shoes.”

QUALITY KAHIT RESTORED

Sa ngayon ay mahigit 70 pairs ng restored leather shoes na ang naibenta ni Allen.

Tinitiyak naman niya na malinis at disinfected ang mga restored leather shoes bago niya ibenta para satisfied ang kanyang mga kliyente. May mga ginagamit din siya na pantanggal ng odor.

"Yun ang natutunan ko sa mga expert at sa online tutorials. Nililinis ko mula loob hanggang labas.

“Ang dami pang possibilities sa leather shoes. Marami rin akong natutulungan na mga gentlemen na gusto rin ng leather shoes, lalo na yung mahihilig sa magagandang brand na tumatagal talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon naman ay nasa kanya pa ang unang sapatos na kanyang ni-restore.

Allen Hale Jaguimit first pair of leather shoes

"Ito talaga yung nag-fuel sa akin na mag-go pa.”

Bukod naman sa mga binibili niya sa surplus store, nagre-restore din siya ng leather shoes ng mga owner na ayaw pang i-let go ang kanilang sapatos.

Mako-contact si Allen sa kanyang Facebook page na Samurai Shine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa isang leather shoes na nabili niya sa ukay-ukay, nakita ni Allen Hale Jaguimit ang potential na maging negosyo ang pagre-restore ng leather shoes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results