Not one, not two, but seven admissions sa international universities ang naipasa ni Benjamin Arches Baui ng Santo Tomas, Isabela.
Si Bench ay isang graduating senior high school student mula sa Advance Montessori Education Center of Isabela.
Gumagawa siya ng ingay ngayon dahil ang alok na scholarship sa kanya ay may total na tinatayang PHP11 million.
Natanggap si Bench sa Arizona State University sa Tempe, Arizona, U.S.A., with $40,000 (PHP2 million) scholarship grant.
Nakapasa rin siya sa Xavier University sa Ohio na may kasamang scholarship grant na $100,000 (mahigit PHP5 million).
Pasado rin siya sa University of Arizona at may scholarship grant na $30,000 (PHP1.5 million).
Pumasa rin siya sa Merrimack College sa Massachusetts, at nagkaroon siya ng conditional admission sa Syracuse University sa New York.
Inalok din siya sa Jacob University sa Bremen, Germany, na may taunang 6,000 euros scholarship (PHP330,000).
Pero sa pitong ito, anong unibersidad ang pipiliin ni Bench bago magsimula sa Fall 2022.
Read: Pinay gets highest honors for Master’s degree at University of Oxford
Read: Dating palaboy at nanlilimos—pumasa sa UP, De La Salle, Ateneo
BENCH HAS CHOSEN HIS SCHOOL
May napipisil nang unibersidad si Bench sa pagsisimula ng school year this 2022.
“Ang plano ko po is grab the opportunity in Xavier University,” sabi ni Bench sa interview Bombo Radyo DZNC-Cauayan nitong May 28, 2022.
“Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course.
“Then probably it will cost me, I will receive [a scholarship] approximately PHP7 million.
Plano niya kasing kumuha ng Bachelor of Science in Architecture.
Parang nasa cloud nine ang pakiramdam ni Bench dahil ito raw ang kanyang “personal choice.”
“The fact na nakuha ko po at nakamit ko ang pinakamataas na scholarship sa pinaka-top choice kong school ay sobrang saya po.”
Pagbabahagi niya sa kanyang pag-a-apply sa international schools, “Para siyang roller-coaster ride. Stressful, yet it was fun.
“Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…”
Sa kanyang Facebook post, inilista rin ni Bench ang limang unibersidad sa Pilipinas kung saan nakapasa siya.
Tanggap siya sa University of Santo Tomas, Far Eastern University, Enderun Colleges, De La Salle University- Dasmariñas, at University of Saint Louis – Tuguegarao.”
“IT REALLY FELT SURREAL”
Overwhelmed nga si Bench na makamit niya ang aniya ay “once in a lifetime” opportunity.
“Back when I was a child. It was just a dream. It all started with a vision and now I achieved it po.
“Ang makamit ang isang pangarap ay napakagaan sa loob.
“Kahit sabihin man nila na dream school o it’s only once in a blue moon… yes, that’s right.
“It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it.”
Nagsimula raw magka-ideya si Bench sa chance makapag-aral sa abroad sa Facebook post ng isang kaibigan.
Kaka-start pa lang daw ng school year bilang Grade 12 noon.
“I was really amazed, ‘Wow, may mga ganito pala na puwedeng makuha.’”
Duda man noong una, nagtanong siya sa kaibigan kung paano ang proseso ng pag-a-apply. Tinulungan naman siya nito.
Ngayong mag-aaral siya sa U.S., pakiramdam daw ni Bench ay tinutupad din niya ang pangarap ng mga magulang.
“Sinabi na gusto ng mga magulang na mag-aral sila abroad [dati], it’s like hitting two birds with one stone.
“It’s like achieving my parents dream as likewise as mine.”
Malaking tulong din daw ito sa pamilya na na-bankrupt ang mga negosyo dahil sa pandemya.
Titiisin niya ang mapalayo sa pamilya dahil pangarap niya ang magkaroon ng malalaking oportunidad para sa sarili at para sa pamilya.
Nais daw niyang maiahon ang pamilya mula sa problemang pinansyal.