Top 8 sa Civil Engineer Licensure Exam, 3X naudlot ang pag-take dahil sa pandemic, bagyo, work

by KC Cordero
May 31, 2022
Kaizen Oriel in graduation photo.
Since 2020 ay nagplano nang kumuha ng board exam si Kaizen Oriel, pero dalawang beses na-postpone dahil sa pandemya at bagyo. Kaya sulit ang paghihintay niya dahil Top 8 siya sa May 2022 Civil Engineer Licensure Exam.

Worth the wait.

Ganito isinalarawan ni Kaizen Oriel, 24, ng Minglanilla, Cebu ang kanyang nararamdaman matapos maging Top 8 sa May 2022 Civil Engineer Licensure Exam.

Naghintay kasi siya ng dalawang taon bago nakakuha ng licensure exam.

Nakakuha siya ng rating na 92.20 percent.

Art card congratulating Kaizen Oriel.

Produkto si Kaizen ng University of San Carlos. Nagtapos siya noong May 2020.

Sa panayam sa kanya ng Cebu Digital News noong May 12, ibinahagi ni Kaizen na unang naantala ang kanyang pagkuha ng board exam noong November 2020 dahil sa pandemya.

Aniya, “Because I graduated last 2020, I started reviewing early year 2020 pa.

“And then because the board exams kept on getting postponed due to the level of COVID-19 cases, I kept enrolling in the review center.”

NAWALAN NG MOTIVATION NA MAG-REVIEW

Nakaramdam umano si Kaizen ng disappointment, at nagkaroon tuloy ng agam-agam sa pagre-review.

“I was never able to get past the first subject because I couldn’t find the motivation to study because I wasn’t sure if the board exam would be held at that time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa umano siyang nawalan ng motivation nang tamaan ng bagyong Odette ang kanilang lugar.

Kaizen Oriel wearing face mask

Muli kasing na-postpone ang board exam na naka-schedule noong May 2021 dahil nawalan ng kuryente at Internet connection sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.

Nakaapekto na naman iyon sa kanyang disposisyon sa pagre-review. Nawalan din siya ng kumpiyansa na kaya niyang maging topnotcher sa board exam.

Noong panahong iyon kasi, hindi tiyak ni Kaizen kung kailan talaga matutuloy ang board exam, nagdesisyon siyang magtrabaho muna sa isang real estate development company.

At dahil nagtatrabaho na siya, hindi muna uli siya nag-take ng CELE noong November 2021.

MAHUSAY SA MATH, PANGARAP TALAGANG MAGING ENGINEER

Aminado si Kaizen na pangarap talaga niya ang maging civil engineer. Bukod dito, paboritong subject niya ang math noong high school, at ito ay magandang pundasyon para sa mga gustong maging engineers.

“I did not graduate with Latin honors in college, but was one of the few who graduated without any failing grades in our class.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang sa wakas ay kumuha siya ng board exam, inamin niyang nahirapan siya sa Structural Engineering, maging sa math.

“Many topics were new to me.”

Nagpasalamat naman siya sa kanyang naging support group.

“I would like to thank my family, my mom, and my dad, for supporting me throughout my journey. And to my friends for helping me and answering my questions while I was reviewing for the board exam.”

Payo niya sa mga susunod na kukuha ng CELE ay seryosohin ang pagre-review at maghandang mabuti bago sumapit ang araw ng pagsusulit.

"Look for friends you can study together with. And also, do not put too much pressure on yourself."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Since 2020 ay nagplano nang kumuha ng board exam si Kaizen Oriel, pero dalawang beses na-postpone dahil sa pandemya at bagyo. Kaya sulit ang paghihintay niya dahil Top 8 siya sa May 2022 Civil Engineer Licensure Exam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results