Katutubong Agta na binu-bully noon, degree holder na ngayon

by Bernie V. Franco
Jun 2, 2022
zeny sibayan cepeda
Si Zeny Sibayan Cepeda, 30, ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English sa Saint Anthony's College Cagayan. Isang katutubong Agta, inamin ni Zeny na marami siyang pambu-bully na naranasan simula pagkabata.
PHOTO/S: Facebook (Zeny Sibayan Cepeda)

Sa kanyang pagtatapos ng kolehiyo, nalampasan din ni Zeny Sibayan Cepeda, isang katutubong Agta, ang matinding pambu-bully at pang-aalipusta dahil sa kanyang itsura.

Ayon artikulo ng Northern Forum, ang 30 years old na si Zeny ay ang nag-iisang degree holder sa kanilang 110-member ethnic community sa Barangay Diora-Zinungan sa Santa Ana, Cagayan.

Nagtapos si Zeny ng Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English,, sa St. Anthony’s College Cagayan nitong May 30, 2022.

READ ALSO:

Si Zeny ay panganay sa pitong magkakapatid pero high school lang ang inabot niya.

Isang doktora ang naging daan para makapasok siya sa kolehiyo.

Dumalaw noon sa kanilang komunidad si Dr. Zsa Zsa Meneses para sa isang outreach program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala ng doktora si Zeny at tinulungan siyang maging scholar, kahit na 25 anyos na noon si Zeny.

Itinuturing na kayamanan ni Zeny ang makapagtapos sa college.

“Napakasaya ko dahil ang pangarap kong makapagtapos at maipakita sa aking tribu na kaya namin sumabay ay nagawa ko,” aniya sa panayam ng Northern Forum.

Naipakita raw niya sa kanyang mga katribu na posible para sa mga kagaya nila ang makapag-aral.

Inamin din ni Zeny sa interview na kinukutya siya noon “dahil ako ay iba, dahil ako ay hindi tulad nila.”

Agta college graduate

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(Left photo) Graduation ni Zeny kasama ang ina. (Right photo) Ani Zeny, nakiki-ani siya kapag walang pasok para magkabigas.

BULLIED SINCE SHE WAS IN ELEMENTARY

Sa pamamagitan ng direct messaging, naibahagi ni Zeny sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang naranasan niyang pambu-bully noon.

Noong elementary pa lang daw siya, araw-araw siyang nakaranas ng panunukso sa mga kaklase.

“Araw-araw tinatawanan ako noon dahil butas-butas ang tsinelas ko.

“Papasok minsan malaki pa sa akin yung suot kong uniform kasi bigay lang sa akin dahil sa kagustuhan ko pong pumasok.”

Ibinahagi rin ni Zeny ang masaklap na karanasan noong siya ay nasa Grade 3.

“Pinagtripan ako dahil alam nila na maluwag sa akin yung palda ako.

"Habang recess time, nag-usap-usap ang mga kapwa ko mag-aaral noon para po ibaba ang palda ko.

“Sobrang hiya ko noon kasi halos lahat pinagtawanan ako.”

Nagpatuloy daw ang pambu-bully pagdating ng high school, pero mas nakakaya na niya noon ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din ni Zeny na mahirap ang buhay nila. Sa katunayan, kapag wala siyang pasok, nakiki-ani siya at ang kanyang mga kasama para magkaroon sila ng bigas.

Nagbago raw ang trato sa kanya nang pumasok siya sa St. Anthony’s College Cagayan, na nagbigay din sa kanya ng full scholarship hanggang maka-graduate.

“Ipinagmamalaki ko pong sabihin na never na po akong nakaranas ng pambu-bully dito sapagkat mababait ang mga mag-aaral dito, maging ang mga guro."

Kaya raw malaki ang pasasalamat niya na tinanggap siya ng Franciscan Apostolic Sisters na namamahala sa eskuwelahan.

Malaki rin ang pagpapasalamat ni Zeny sa National Commission on Indigenous People dahil isa si Zeny sa mga naabutan nila ng tulong pinansyal.

Ang susunod na plano ngayon ni Zeny ay mag-review para kumuha ng licensure examination sa 2023 at matulungan ang kanyang mga katribong Agta.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Zeny Sibayan Cepeda, 30, ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English sa Saint Anthony's College Cagayan. Isang katutubong Agta, inamin ni Zeny na marami siyang pambu-bully na naranasan simula pagkabata.
PHOTO/S: Facebook (Zeny Sibayan Cepeda)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results