Watch Now

Jade Baguna: Social Work Licensure Exam's top 8, wagi rin sa hirap at panlalait

by KC Cordero
Jun 3, 2022
Jade Baguna as a student, and in graduation photo.
Napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ni Jade Baguna para lang makatapos ng pag-aaral, kabilang na roon ang ma-judge siya at ma-discriminate dahil sa pagiging anak-mahirap.

Isa si Jade Baguna, tubong Palawan at residente ng Maranlao, Brgy. Teneguiban, El Nido, sa mga nai-feature sa ginanap na Duterte Legacy Summit.

Makikita siya sa kaliwang bahagi ng larawan sa ibaba na kinukuhanan ang mga kasama niya sa isinagawang event sa Philippine International Convention Center, Manila noong May 30-31, 2022.

Jade Baguna with Duterte Legacy Summit staff

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naimbitahan si Jade sa okasyon para maging isa sa mga kinatawan ng Tertiary Education Subsidy (TES) grantees bilang benepisyaryo ng Universal Access to Quality Tertiary Education o Republic Act 10931.

Ang nasabing batas ay nagbibigay ng libreng matrikula ng mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs), at sa local universities and colleges (LUCs) sa Pilipinas.

Sa audio visual presentation ay binanggit ni Jade na kung hindi dahil sa RA 10931 ay hindi siya nakatapos ng kolehiyo.

Aniya, “There was a time in my life when I did not almost finish my studies. My parents did not have enough money.

“They asked me if I could still go on, to which I replied, even if I think I can't anymore, I'll still push through.

“I graduated and one of the topnotchers of the licensure examination for social workers. I am truly grateful for all the blessings and opportunities given to me as I was able to prove that I am capable of doing more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bukod sa benepisyo, talagang determinado siya sa kanyang pangarap.

TUMATAWID SA ILOG AT BAHA PARA KUMITA

Produkto si Jade ng Western Philippines University kung saan siya nagtuturo ngayon.

Aniya, napakalaki ng hirap na kanyang pinagdaanan noong nag-aaral pa siya.

“Panganay ako sa limang magkakapatid. Mula pagkabata, tumutulong na ako sa aking nanay sa pagtitinda ng mga kakanin.

"Tumatawid kami sa ilog, sa mga baha, sa pagtitinda upang kumita lang ng pera.”

Dahil sa naranasang hirap, nangarap siyang makatapos sa kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho.

“Noong elementary, sa loob ng anim na taon ay tiniis kong maglakad nang ilang kilometro papasok sa aming eskuwelahan.

"Lampara lang ang aking ilaw kapag nag-aaral sa gabi.”

Napagtagumpayan niya ang unang hakbang ng kanyang pangarap. Sunod namang naging challenge sa kanya ang pag-aaral sa high school.

“Sa loob ng isang linggo, napagtitiyagaan kong pagkasyahin ang baon kong limang piso. Para makatipid sa pamasahe, naglalakad lang ako pauwi sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DUMANAS MA-JUDGE AT MA-DISCRIMINATE

Nang magkolehiyo na si Jade ay nagdesisyon siyang kumuha ng Bachelor of Science in Social Work.

Rason niya, “Batid kong sa propesyong ito ay mas makapaghahatid ako ng serbisyo sa ibang tao.”

Jade Baguna when still a student

Hindi rin naging madali ang kanyang buhay noon.

Sa kanyang Facebook post noong September 27, 2020 ay naibahagi ni Jade na naranasan niyang ma-judge at ma-discriminate. At nakaapekto iyon sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I failed on my first course and tried a new one, which resulted in not being able to graduate on time.”

Dalawang beses din siyang lumipat ng kolehiyo. Ang kantiyaw umano sa kanya noon: “Baka maikot mo na lahat ng campus!”

May mga nagsabi ring hindi siya makakatapos dahil hindi naman siya kayang pag-aralin ng kanyang parents.

“The worst was that some of those people who stressed out those hurtful words came from my relatives.

“Despite the struggles, I never lose hope and I never even think to have vengeance for them, especially to those who mocked my beloved parents.

“Instead, I prayed for them and be thankful for the motivations and inspirations they’ve given me to strive harder on my studies.

"I wanna show and prove to them that they were wrong.”

MALAKING TULONG ANG TERTIARY EDUCATION SUBSIDY

Dahil kapos sa pera, sinubukan ni Jade na mag-apply sa Tertiary Education Subsidy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suwerteng napasama siya sa unang batch ng grantees. Aniya, sa subsidy na niya kinuha ang pambayad sa boarding house at iba pa niyang gastusin sa pag-aaral.

Jade Baguna speaking at the Duterte Legacy Summit

Taos-puso ang naging pasasalamat niya sa pamahalaan at sa Commission on Higher Education at iba pang stakeholders na nakatulong sa kanyang edukasyon.

“Hindi na po nabilad sa araw ang aking mga magulang sa pahahanap kung saan-saan ng pantustos sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORTHY SIYA SA PROGRAMA

Pinatunayan naman ni Jade na karapat-dapat siya sa perang ginastos sa kanya ng pamahalaan.

“Pagkatapos ko ng aking kurso ay pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pagre-review sa board exam. Mapalad ako na naging Top 8 sa 2021 Social Work Licensure Exam.”

Jade Baguna receives award for bagging the Top 8 slot

Ibinahagi rin niya na nagsumite na siya ng mga requirements para ma-reimburse niya ang mga nagastos sa pagre-review.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga TES grantees na board passer ay qualified na maka-reimburse ng PHP10,000 mula sa kanilang review expenses.

Sa kasalukuyan ay Social Work Instructor si Jade sa WPU kung saan siya nagtapos.

Paalala niya sa mga estudyanteng nagsisikap umahon sa hirap, “Walang shortcut sa pag-abot ng pangarap.

“Lahat ay dumadaan sa mahirap ngunit tamang proseso. Magpatuloy ka lang, maaabot mo rin iyan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ni Jade Baguna para lang makatapos ng pag-aaral, kabilang na roon ang ma-judge siya at ma-discriminate dahil sa pagiging anak-mahirap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results