Para matustusan ang kanyang pag-aaral, nagtrabaho bilang tour guide si Patrick David Broqueza, 22.
Anim na taon na siyang tour guide sa Jovellar, Albay, habang estudyante rin siya ng Bachelor in Secondary Education Major in Science sa Bicol University.
Gaganapin ang kanyang graduation sa July 9, 2022, at magtatapos siya bilang cum laude.
Nagbunga ang pagpapagod ni Patrick na sinikap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Single mom ang kanyang ina kaya minabuti niyang maging working student simula noong 2016.
Ani Patrick sa Ako Bicol Online TV, nitong June 18, 2022, “Naisipan ko po mag-apply ng pagtu-tour guide dito po sa amin kasi that time po, paunti-unti pong dumadami ang tourists dito po sa lugar namin.”
Unti-unti raw dumadagsa ang mga turista kaya binuksan ng local government unit ang kanilang lugar para sa turismo.
Kasama si Patrick sa mga sumailalim sa seminars at training para maging local tour guides.
Kuwento niya, “Yung mga naiipon ko po doon, tinutulong ko po kay Mama para ma-lessen yung mga expenses niya po.
“So, sa pag-aaral ko po, sa mga pangangailangan namin sa bahay…”
Hamon daw ang pagbalanse ng trabaho at pag-aaral. May mga pagkakataon kasing kailangang maisakripisyo ang isa.
“That time po parang nahihirapan po ako noon kasi at the same time may pasok po ako.
“And then inaasikaso ko po yung organization namin, parang lagi po akong bumibiyahe, ‘tapos natatambakan po ako ng mga activities ko, mga outputs.

“And may time po na nagtu-tour po ako, especially nung high school po.
"May time po na nagpapa-excuse ako noon na mag-tour kasi pag may mga VIP.
"Ako po ang pinapa-tour sa celebrities. Ako po ang tinatawagan nila.”
Kaya sinisiguro ni Patrick na may oras rin siya para sa pahinga.
Naniniwala siyang malaki ang epekto ng pahinga para maging mas productive siya sa kanyang mga pinagkakaabalahan.
Sabi niya, “They say that you should study lahat, but that’s not it. Kumbaga, it will just stress you out.
“Sometimes we should unwind couple of minutes, and then continue studying.
“Parang it’s like a cycle. You should not stress yourself, because studying should equate to enjoying, not stress too much.”
Read also:
- "Average" student Marianne Kaye Ofianga, Top 1 sa 2022 architecture board exam
- Nursing student sa La Union, hinarang ng school ang pagmartsa sa mismong graduation?
- Katutubong estudyante, magna cum laude; nakapag-aral dahil sa pagtitinda ng bulaklak
- Farrah Grace Piscos Aton, humiling na "pasado lang," Top 9 2022 Nursing Licensure Exam