Sobrang quota! Valedictorian sa Bulacan, humakot ng 60 medals, ribbons, certificates

by Bernie V. Franco
Jun 30, 2022
graduation awards
Bata pa lamang daw si Meckia Mari Villanueva ay achiever na siya. Bukod dito, may sistema siya sa pag-aaral. Siya ang valedictorian sa senior high school batch 2022 ng Sto. Niño Academy sa Bocaue, Bulacan.
PHOTO/S: Facebook (Meckia Mari Villanueva)

Literal na humakot ng awards ang valedictorian ng senior high school batch 2022 ng Sto. Niño Academy sa Bocaue, Bulacan.

Si Meckia Mari L. Villanueva, 18, ay tumanggap ng 60 certificates, medals, at ribbons sa ginanap na commencement exercises nitong Mayo.

Bukod pa sa pagiging valedictorian, siya rin ang president ng student council.

Ang masayang post ni Meckia noong May 21, “Sa wakas, handa nang isulat ang susunod na kabanata. This is Meckia Mari L. Villanueva, with the highest honor to present the batch 2022."

Ang pahayag ni Meckia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, June 30, achiever na talaga siya bata pa lamang.

“Really love receiving academic validation po through my achievements.

“Been consistent first honor student since I started studying po, mainly aiming for scholarship po to help my family.”

Isang licensed pharmacist ang kanyang ina, pero mas pinili nitong maging housewife para matutukan ang pamilya.

Ang kanyang ama naman ay isang card dealer sa PAGCOR casino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

certificates

Inusisa namin si Meckia na ilarawan ang kanyang mga nakuhang awards at kung bakit ganoon karami.

Paliwanag niya “best in most of the subjects” siya, ibig sabihin, siya ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa bawat subject.

Siya rin daw ang best in virtual performance sa halos lahat ng subjects pagdating sa visual projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din sa certificates ang “most active” sa lahat ng subjects pagdating sa recitation.

Kasama rin sa iginawad sa kanya ang Best in Research Papers and Business Plans at Best Presenter pagdating sa defense.

Umani rin siya ng special awards and recognitions para sa kanyang extracurricular activities, gaya ng pagiging student council president.

Sabi pa ni Meckia, “Nagmukhang marami po siya since yung 60 po, is total na po siya ng lahat ng awards from first to second semester.”

Talaga namang nakakabilib si Meckia dahil sa kanyang achievements, pero paliwanag niya, nakagawa kasi siya ng sistema sa pag-aaral na nagwo-work para sa kanya.

Sabi ng dalaga, “I guess nahanap ko lang po talaga yung best study routine na nag-work po sa akin.

“I usually wake up at 3 a.m. to study and the rest of my day po, lalo na kapag busy po with student council duties and academic requirements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naka-time block po siya to let me set limits and certain goals to accomplish sa loob po ng isang araw.

"Parang setting a particular time po. Kunwari from 1:00 p.m. to 3:00 p.m., itong subject po aaralin ko.

"Then 30 minutes rest. 3:30 p.m. to 5:30 p.m. po next subject or project.

“I do scan and read lessons multiple times, and I practice advance reading din po for greater retention.”

Sa madaling salita, may disiplina si Meckia pagdating sa kanyang pag-aaral para ma-maximize ang oras at maunawaang mabuti ang kanyang aralin.

Naibahagi rin ni Meckia ang susunod niyang hakbang pagdating sa kanyang college education sa University of Santo Tomas (UST).

“I am currently enrolled na po sa UST, B.S. Biology Major in Medical Biology.”

Nakamit ba niya ang pangarap niyang maging scholar?

“Yes po. Nakakuha na po ako ng full scholarship sa UST and qualified rin po as DOST scholar.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa accomplishments ni Meckia, pinick-up ng iba’t ibang media outlets ang kanyang success story, na ikinakilig naman daw niya.

“Kota na po ako sa kilig today,” post niya sa Facebook nitong June 29.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bata pa lamang daw si Meckia Mari Villanueva ay achiever na siya. Bukod dito, may sistema siya sa pag-aaral. Siya ang valedictorian sa senior high school batch 2022 ng Sto. Niño Academy sa Bocaue, Bulacan.
PHOTO/S: Facebook (Meckia Mari Villanueva)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results