Mother and son graduate together from senior high school in Negros Oriental

Jul 22, 2022
mag ina senior high school graduates
Maria Cecilia Cadiz, 59, (left) graduates from senior high school in Bais City National High School, together with her son John Gabriel, 16, (right) who is also her classmate.
PHOTO/S: Nick Bryan Cadalso via Bais City Senior High School FB page

Sabay noon na gumagawa ng homework sina Maria Cecilia Cadiz, 59, at ang kanyang bunso na si John Gabriel, 16, hindi dahil tinuturian ng ina ang anak.

Classmates kasi sila sa senior high school.

Nitong July 2, 2022, sabay nag-graduate ang mag-ina sa secondary high school ng Bais City National High School, Negros Oriental.

Naka-post ang kanilang graduation photos—kasama ang iba pang classmates—sa Bais City Senior High School Facebook page.

Nakakabilib si Cecilia dahil pinagsabay-sabay niya ang pagiging ina, estudyante, at tindera ng gulay sa palengke.

Tandem sila ng anak na si John Gabriel sa pagsagot ng mga module.

EDUCATION PUT ON HOLD

Dahil sa hirap ng buhay noong kabataan niya, napilitan si Cecilia na ihinto ang pag-aaral at tinulungan ang amang mangingisda.

Pahayag niya sa ABS-CBN News: “Magkasabay po kaming walong magkakapatid, pero wala kaming pera kaya nahinto po ako sa pag-eskwela.”

Noong 2017, ipinagpatuloy ni Cecilia ang kanyang pag-aaral. Nahikayat siya ng mga guro sa eskuwelahan kapag inihahatid niya ang mga anak.

Sumailalim siya sa Alternative Learning System o ALS, ang education system na inaalok sa mga nais mag-aral na hindi nakapagtapos sa tradisyunal na pag-aaral.

Nang makumpleto ang ALS program, na-engganyo si Cecilia na ituloy ang nasimulan, kaya nag-enroll siya sa senior high school, kasabay ang bunsong anak.

Kinailangang labanan ni Cecilia ang hiya dahil aniya, naranasan niyang pinagtitinginan siya noon ng mga guro at mga estudyante.

"Tinitingnan po nila ako, siguro nanibago lang po at hindi makapaniwala na may kamag-aral silang ka-edad ko," kuwento niya.

Nagtapos na siya sa senior high school noong July 2, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng ginang, walang imposible sa Diyos. Kailangan lamang magpursige sa kabila ng mga pagsubok.

Plano ni Cecilia na magpatuloy sa college education, at kumuha ng kursong education para tuparin ang pangarap na maging guro.

Samantala, plano ni John Gabriel na kumuha ng food-technology course.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Cecilia Cadiz, 59, (left) graduates from senior high school in Bais City National High School, together with her son John Gabriel, 16, (right) who is also her classmate.
PHOTO/S: Nick Bryan Cadalso via Bais City Senior High School FB page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results