Watch Now

11-year-old chess wonder ng Palawan, kampeon sa U12 NCFP tournament

by KC Cordero
Jul 25, 2022
Photos of Stephanie Jabagat
Napakaganda ng naging record ni Stephanie Jabagat sa ginanap na National Age Group Chess Championships–Under 12 category, kung saan nakapagtala siya ng seven wins and two draws.

Tinanghal na kampeon ang 11 anyos na si Stephanie Jabagat sa ginanap na National Age Group Chess Championships (NAGCC) – Under 12 category sa Malolos, Bulacan, nitong July 24, 2022.

Nakapagtala siya ng seven straight wins at may dalawang draws.

Stephanie Jabagat in front of a chess board

Ang batang chess wonder ay taga-Brgy. Babuyan, Puerto Princesa City, Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang torneo ay inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), at nilahukan ng 120 players—kabilang ang top 12 finishers na nag-qualify sa online regional elimination and semifinal rounds sa boys and girls U12, U14, U16, and U18 categories.

Nakuha rin niya ang ikatlong puwesto sa NAGCC grand finals noong isang taon.

Bata pa lang ay mahilig na si Stephanie sa chess at laging sumasali sa mga torneo sa kanilang lugar.

Stephanie Jabagat playing chess online

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil online ginanap ang kumpetisyon nitong July, nahirapan si Stephanie maglaro dahil sa mabagal na Internet connection sa kanilang lugar.

Pagbabahagi ng kanyang coach na si Neal Garcia ay nakakakaba ang naging huling laban ni Stephanie.

Aniya, “Through nerves of steel and resilience ay kalaban pa ang nag-collapse.

"Nabawi niya [Stephanie] ang two pawns, lumamang pa ng one pawn pero drawish ang position.”

Dahil sa panalo ni Stephanie, nakuha niya ang Woman National Master (WNM) Candidate title.

Kung magkakampeon siyang muli sa isa pang rated tournament, papalapit na siya sa pagiging full-fledged master.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napakaganda ng naging record ni Stephanie Jabagat sa ginanap na National Age Group Chess Championships–Under 12 category, kung saan nakapagtala siya ng seven wins and two draws.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results