Sikreto sa pag-aaral ni Lester Antoni De Guzman, cum laude at Top 5 sa CPA exam

by KC Cordero
Jul 27, 2022
Lester Antoni De Guzman giving inspirational talk
Sa kanyang pagiging Certified Public Accountant Licensure Examination topnotcher ay napatunayan ni Lester Antoni De Guzman na ang mga nagtapos sa mga provincial schools ay kayang makipagsabayan pag dating sa board exam.

Natupad na ni Lester Antoni Gibo De Guzman ang kanyang "childhood dream" na maging isang Certified Public Accountant.

Top 5 si Lester sa May 2022 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE). Nakakuha siya ng rating na 87.33 percent.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Divine Word College of Calapan noong April 1, 2020 bilang cum laude at class valedictorian.

Graduation photo of Lester Antoni De Guzman

Continue reading below ↓

Twenty-three years old na siya at naninirahan sa Santo Niño, Naujan, Oriental Mindoro.

Nakapanayam si Lester ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 25, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Kuwento niya, hindi gaya ng ibang topnotchers at college students na maraming naging challenges sa kanilang tuition fees, hindi masyadong naging isyu sa kanya ang mga gastusin sa pag-aaral.

“My mother po is a manager in a multi-purpose cooperative, while my father is a farmer and he manages our business of selling hogs and chickens.”

“Childhood dream ko po ang maging Certified Public Accountant.”

NAGSIPAG NANG TODO SA PAG-AARAL

Ayon kay Lester ay masuwerte siya dahil napasama siya sa tamang grupo.

“Malaking factor po na ang mga friends ko ay masisipag mag-aral kaya naging habit na namin ang mag-aral sa school library.”

Ever since din ay may pagkarelihiyoso si Lester.

“Madalas po akong uma-attend ng mass sa aming school chapel before pumasok sa first class namin.

Continue reading below ↓

“Mas nagiging magaan ang bawat araw ko sa kolehiyo kapag si Lord ang una bago ako pumasok sa classroom.”

Pinatotohanan din niya ang sinasabi ng ibang kumuha ng accountancy na mahirap ang kursong ito.

“Kaya kasipagan ang isa sa naging puhunan ko. Natapos at napagtagumpayan ko ang aking dream course sa loob ng limang taon na siyang itinakda ng aming curriculum.”

NA-DRAIN SA 3 DAYS NA BOARD EXAM

Naranasan naman ni Lester ang mga challenges ng pagkuha ng board exam sa panahon ng pandemya.

“Nahirapan po akong mag-adjust sa online review dahil kailangan ang stable Internet connection.

“Kinailangan kong lumipat sa isa naming bahay sa Calapan City, Oriental Mindoro upang makapag-review ako online.”

Nahirapan din siya sa mga tanong sa board exam.

“Para po sa akin ay mahirap ang exam dahil kinakailangang alam ng takers ang tamang konsepto sa bawat topic upang makuha ang tamang sagot.

“Unexpected din ang naging format ng exam sa ibang subjects at hindi ko inaasahan ang ilan sa mga topics na naitanong sa aming board exam.”

Continue reading below ↓

Kaya paalala niya sa mga susunod na magte-take ng CPALE, “Siguraduhin niyo na naaral ang lahat ng topics upang maging comfortable na kayo sa anumang itatanong ng mga examiners.”

Na-drain din siya sa haba ng exam.

“Dahil po nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, nakakapagod na tatlong sunud-sunod na araw ang aming exam na may tigdalawang subjects bawat araw—isa sa umaga at isa rin sa hapon.”

PINAGSIKAPAN ANG PAGIGING TOPNOTCHER

Pagtatapat naman ni Lester, pinangarap niyang maging topnotcher.

“Yes po. Kahit na alam ko pong maraming magagaling na students mula sa mga kilalang unibersidad ay patuloy akong nangarap, nagsumikap at nagdasal na mapabilang sa mga topnotchers.”

Kaya sobrang saya ni Lester nang lumabas ang resulta at nalaman niyang kabilang siya sa Top 10.

Result of May 2022 CPLE

Continue reading below ↓

“Sobrang unexpected ko po ito dahil sa unang subject pa lang ng board exam ay nahirapan na ako dahil majority po sa mga questions ay hindi ko sigurado ang sagot.

“Napatunayan ko rin po na kahit na galing ako sa provincial school ay kaya din namin na maging topnotcher.

“Sinabi ko po agad sa family ko na pasado ako at Top 5 sa board exam.”

Inialay niya ang tagumpay sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. “Dahil matagal din po akong naghintay para mag-take ng board exam na na-delay nga po dahil sa pandemya.”

Masaya ring ibinalita ni Lester na noong July 26 ay nagsimula na siyang magtrabaho sa PwC Philippines-Isla Lipana and Co. bilang External Audit Associate under Assurance Group A-Financial Services.

“I’m also interested in joining the government sector in the future while also teaching in the academe.”

At ang payo niya sa mga kabataang gusto ring mag-aral ng accountacy, “Right attitude, Confidence, Prayers and Actions o RCPA. Ito ang naging foundation ko noong college student ako.

Continue reading below ↓

“May kanya-kanya tayong estratehiya sa pag-aaral, pero itong apat na ito ay maaaring maging gabay ninyo upang kayo ay maging matagumpay.

“Patuloy kayong mangarap at magsumikap. At kung may pagkakataon na makatulong sa ating kapwa kahit sa maliit na bagay ay gawin natin at nang makamit natin ang pangarap nating mapagkalingang sambayanan.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang pagiging Certified Public Accountant Licensure Examination topnotcher ay napatunayan ni Lester Antoni De Guzman na ang mga nagtapos sa mga provincial schools ay kayang makipagsabayan pag dating sa board exam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results