Elizabert Lamoste: raketera, magna cum laude, at Top 10 sa nurse licensure exam

by Mavell Macaranas-Dojillo
Jul 28, 2022
elizabert lamoste
“Yung little rakets, naka-help sa akin na ma-sustain ang mga needs ko all throughout my college journey," pagbabahagi ni Elizabert Lamoste, magna cum laude at topnotcher sa Philippine nurse licensure exam.
PHOTO/S: elizabert lamoste

Alam ni Elizabert Lamoste, isa sa topnotchers ng nakaraang Philippine Nurse Licensure Exam (PNLE), ang hirap ng pagre-review.

Kaya naman nakaisip siya ng paraan kung paano matutulungan ang mga future nurses.

Sabi sa kanyang Facebook post, “As my way of giving back, I am sharing my notes for all incoming PNLE takers, kindly message me via messenger [Elizabert Derama Lamoste] so that I could send via gmail the scanned notes.”

The road to college graduation is full of raket

Hindi naging madali ang journey ng 21 anyos na si Elizabert upang matapos ang kanyang kursong Bachelor of Science in Nursing sa Ateneo de Davao University.

Nakakuha siya ng scholarship grants para makatuntong sa kolehiyo, pero hindi sapat ang pagkakaroon ng scholarship upang mapunan ang lahat ng gastos.

Kaya imbes na umasa sa kanyang ama na isang taxi driver, napagpasyahan ni Elizabert na magtrabaho at sunggaban ang iba't ibang raket upang matustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan.

Continue reading below ↓

Sa kanyang pahayag sa Sunstar Davao, ibinahagi niyang namasukan siyang bookkeeper sa ilang negosyo sa kanilang lugar.

Nagbenta rin siya ng medical supplies sa kanyang mga classmates.

Aniya, “There are still other fees along the journey, like yung living expenses, medical supplies na kailangan namin if mag-hospital duty na.

"To compensate, nag-work ako sa BPO [Business Process Outsourcing] industry full time, kasi nung third year and fourth year ay online class kami dahil sa pandemic.”

“Yung little rakets, naka-help sa akin na ma-sustain ang mga needs ko all throughout my college journey."

At sa kabila ng lahat ng hirap at pagsubok, umani siya ng parangal bilang magna cum laude sa ginanap na virtual graduation noong April 23, 2022.

At noon lang Mayo, nakasama si Elizabert sa Top 10 ng nurse licensure exam, matapos makakuha ng rating na 87.40.

Patuloy ang pagsisikap para sa pangarap

Sikap at sipag ang mga instrumento ni Elizabert upang maabot ang kanyang pangarap.

Continue reading below ↓

Pero bukod sa mga iyon, naniniwala rin siyang maraming anghel ang ipinadala sa kanya upang makamit ang matamis na bunga ng kanyang mga sakripisyo.

Kaya naman nais din niyang maging mistulang anghel sa mga susunod na henerasyon ng mga nursing board exam takers, habang patuloy siyang nagsusumikap na maabot ang iba pa niyang pangarap.

Upang ibalik ang mga kabutihan at blessings na kanyang tinanggap, willing siyang ibahagi ang kanyang mga “scribbles of notes and printouts” na nakatulong sa kanyang maipasa ang naturang exam.

notes

Continue reading below ↓

What’s next for Elizabert?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Elizabert nitong Lunes, July 25, 2022, ibinahagi niya ang kanyang future plans.

Kabilang dito ang makakuha at maipasa ang National Council Licensure Examination (NCLEX), na magbibigay sa kanya ng pagkakataong magtrabaho bilang nurse sa ibang bansa.

Nais din niyang makapagtayo ng mga negosyo upang tuluyan nang makapagretiro ang kanyang ama sa paghahanap-buhay.

“In God’s time, I will work abroad as a nurse and generate more income and establish businesses in the Philippines and acquire assets so that I can help my family and also so that my parents can retire from working.”

Pero ang “ultimate goal” ni Elizabert ay maging isang ganap na doktor balang araw.

“It has been a [longtime] ambition of mine to become a doctor, despite being financially challenged.”

At pursigido ang dalaga na matupad ang kanyang mga pangarap. Ang laging dasal ni Elizabert ay ang mas maging blessed pa upang maging blessing din sa iba.

Continue reading below ↓

Hindi lamang siya nagsusumikap para sa sariling mga pangarap, kundi para rin sa ibang tulad niya na pilit na bumangon habang sinusubukang payukuin ng kahirapan.

“I pray that I may be blessed with a lot more so that I can be a blessing to others. I define my success when I am able to help those around me.”

Dagdag pa niya, “When I am stable enough, I would like to establish a foundation that gives scholarships to financially challenged but deserving students.

“I also would like to establish foundations to help give quality healthcare in far-flung areas where healthcare is inadequate and inaccessible.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Yung little rakets, naka-help sa akin na ma-sustain ang mga needs ko all throughout my college journey," pagbabahagi ni Elizabert Lamoste, magna cum laude at topnotcher sa Philippine nurse licensure exam.
PHOTO/S: elizabert lamoste
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results