4 Pinoy students nagwagi sa 54th International Chemistry Olympiad

by KC Cordero
Jul 28, 2022
The four Pinoy students
Nasungkit nina Aames Juriel Morales at Ron Angelo Gelacio ang bronze medals, at nakakuha naman ng honorable mentions sina Anne Maricar Maralit, at Lemeul Acosta sa ginanap na 54th International Chemistry Olympiad.

Nag-uwi ng mga parangal ang apat na Pinoy students na lumahok sa 54th International Chemistry Olympiad (IChO) sa Tianjin, China noong July 10-18, 2022.

Napagwagihan nina Aames Juriel Morales ng De La Salle University Integrated Senior High School (DLSU Integrated SHS) at Ron Angelo Gelacio ng Philippine Science High School (PSHS) - Main Campus ang bronze medal.

Parehong honorable mentions naman ang nakuha nina Lemuel Acosta ng PSHS-Central Luzon Campus at Anne Maricar Maralit ng PSHS-Main Campus.

Ang kumpetisyon ay nilahukan ng mga estudyante mula sa 84 countries.

Ang IChO ay isang annual competition para sa mga pinakamahuhusay na chemistry students.

Kada taon, bawat bansa ay nagpapadala ng team na binubuo ng apat na miyembro.

Nakipagpaligsahan ang mga Pinoy students sa ibang kalahok sa loob ng limang oras para sa practical laboratory, at limang oras din sa written theoretical examination.

Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa IChO ay pinili bilang official representatives ng ating bansa matapos magwagi ng gintong medalya sa ginanap na 21st Philippine National Chemistry Olympiad noong March 12, 2022.

Continue reading below ↓

Noong isang taon ay naging kinatawan na ng Pilipinas sina Morales at Gelacio sa ginanap na IChO sa Japan.

Nakapag-uwi noon si Morales ng bronze, habang silver medalist naman si Gelacio.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasungkit nina Aames Juriel Morales at Ron Angelo Gelacio ang bronze medals, at nakakuha naman ng honorable mentions sina Anne Maricar Maralit, at Lemeul Acosta sa ginanap na 54th International Chemistry Olympiad.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results