Lyen Carel Garcia, cum laude, na-“predict” ang pagiging Top 1 sa criminologist board exam

by Bernie V. Franco
Jul 30, 2022
lyen carel garcia
Lyen Carel Garcia on how to be Number 1: “I was trained po kasi na always aim for the highest spot."
PHOTO/S: Lyen Carel Garcia / Bombo Radyo

Dugo at pawis ang naging puhunan ni Lyen Carel Garcia—ang Top 1 sa criminologist licensure examination (CLE) sa lumabas na resulta nitong linggo.

Nakakuha si Lyen, taga-Cotabato City, ng average score na 90.70 percent.

Nagtapos si Lyen, 23, ng BS Criminology sa University of Mindanao-Davao City noong 2020.

Post niya sa Facebook nitong July 25, 2022, “There's no success without hardship. Kung gusto mo, pagpapaguran mo.”

topnotchers

Kalakip ng kanyang post ay ang larawan niyang katabi ang patong-patong na review books at mga nakadikit na reviewers sa dingding.

Binanggit niya na ang apat na pader ng kanyang kuwarto ay nadidikitan ng notes, “di pa included ang voluminous soft copies.”

Hindi nasayang ang puspusang pagre-review niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“KAYA KONG MAG TOP-1”

Kapansin-pansin sa FB post ni Lyen ang bahagi ng caption na “Predicted 100”

Usisa sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), ibig ba niyang sabihin ay na-predict niya na magiging overall Top 1 siya sa board exam?

“Yes, sir,” tugon ni Lyen. “Before pa lang po ako sasalang sa rigid review, I know [in] myself na kaya ko mag-Top 1.

"Kailangan lang ng disiplina, hard work, at determination.

“Aside from that, I was trained po kasi na always aim for the highest spot.

“My aim was to get the highest score sa buong history ng CLE. Iyan po turo sa akin during review.

“So, even na hindi ko nakuha iyon, at least, nakuha ko yung Top 1.”

Ibig sabihin, bukod sa pagre-review, malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang proper mindset.

lyen carel garcia

PRESSURE FROM EXPECTATIONS

Sa kabila nito, aminado si Lyen na bago ang board exam, kinailangan niyang makondisyon ang isipan na huwag magpadaig sa pressure mula sa ibang tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I think yung pinakamahirap na struggle na na-experience while having my review is paano i-handle ang pressure and expectations,” aniya sa PEP.ph.

“I graduated cum laude po kasi, and maraming nagsasabi na I have a potential to top the board.

“Even during my review days, ang mga review classmates and review staff lagi akong sinasabihan na magta-top.

“So every time nagbabasa ako, naiisip ko yung mga consequences, 'What if hindi ako papasok sa top?'

“Naiisip ko na sobrang laking failure ko if hindi ako papasok sa top, and worse, hindi papasa sa exam.”

Sa isang Facebook Story, ibinahagi ni Lyen ang kanyang “process” para maging Top 1.

Sabi niya, “I managed my self to read review materials per day for 13-14 hrs for first 2 months, 15-16 hrs for another 2 months, and 17-18 hrs for the last 2 months.

“Nagkasakit. Napapagod. Nauubusan ng loob ngunit patuloy parin na lumalaban.”

Pagtatapos niya, “Guys, di mo kailangan maging matalino sa board exam. Sipag at determination lang”

lyen carel garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRAINS OVER LOOKS

Ibinahagi ni Lyen na prefer niya ang maging mahusay sa academics, pero naa-appreciate niya ang pumupuri sa kanyang good looks.

“I excel in my academics po, but I always keep na maging low-profile. Focused lang po sa pag-aaral,” pahayag niya.

Nararanasan daw niyang may mga nagpapahayag ng papuri sa kanya.

“Madalas po akong nakakarinig ng ‘Pa-regards daw po,’ or ‘Hi daw po sabi ni [ganito],’ or ‘Cute ka daw po...’

“Naiisip ko lang po minsan na baka nangti-trip lang. Pero tine-take ko po siya as compliment.

"Sinasabihan din po ako minsan na, gwapo na at matalino. Ang response ko lang po, ‘Okay na ako sa matalino, kahit di na gwapo,’ hahaha!

“Sometimes, nakaka-receive po ng compliments. But I always keep in mind maging simple."

lyen carel garcia

DREAM TO BECOME A LAWYER

Hindi dito nagtatapos ang paglalakbay ni Lyen. Ang ultimate dream kasi niya ay maging abogado balang araw.

“Right now, I want to grab the opportunities na magturo sa mga review centers all over the Philippines.

“It feels fulfilling po kasi na makapag-share ng knowledge sa mga gusto rin mag-topnotcher while at the same time, nakakapag-earn.

“Probably and hoping next year, makapag-enroll po ako sa law school, since it is one of my dreams to become a lawyer someday.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyen Carel Garcia on how to be Number 1: “I was trained po kasi na always aim for the highest spot."
PHOTO/S: Lyen Carel Garcia / Bombo Radyo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results