From kubo to mansion: success story ni Adelio Garcia

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2022
house
The success story of Adelio Garcia is one for the books. He posts on a Facebook home community the evolution of his home, from a simple bahay-kubo to a grand three-story house. Adelio (3rd from left) at 17 years old and Adelio in 2021.
PHOTO/S: Adelio Garcia

Makulay ang life story ni Adelio Garcia, 52.

Ang kuwento ng kanyang tagumpay ay sinasalamin ng kanyang dating bahay kubo pero ngayon ay isa nang mansion.

Ipinost ni Adelio sa Facebook noong May 2021 ang before-and-after photos: ang dating ay payak na tahanan ay naging malaking bahay na may tatlong palapag.

Ipinost ito ni Adelio sa Facebook home community na Home Buddies.

Ang bahay-kubo na ipinost ni Adelio ay ang bahay ng ama at madrasta nito.

Maaga siyang naulila sa ina, at ang kanyang lola ang nagpalaki sa kanya.

bahay

Continue reading below ↓

The house where Adelio's and Adelio's stepmom lived.

house

Adelio's three-story house.

house interior

Continue reading below ↓

house interior

adelio garcia

Continue reading below ↓

The interior of Adelio's house.

Pang-apat si Adelio sa limang magkakapatid.

Nang magtapos ng high school, sumabak na siya sa trabaho.

Siya ay 17 years old nang dalhin siya ng kanyang tiyuhin sa Maynila, kung saan namasukan siya bilang dishwasher/helper sa Joe Kuan, na aniya ay isang “noodle house sa kanto ng Tandang Sora at Commonwealth Ave.”

adelio garcia

Continue reading below ↓

17-year-old Adelio working in a noodle house in Quezon City in the '80s.

Namasukan din siya sa burger joint. Naging waiter sa Manila Peninsula, Makati Sports Club, at Padi’s Point sa Antipolo.

Adelio Garcia

Adelio working in Burger Machine in the '90s.

adelio garcia

Continue reading below ↓

Nasuwertehan siyang makapasok sa isang home depot.

“Dun na nagsimula ang pakikibaka ko sa sales/ahente,” post niya.

Nagtrabaho siya roon ng 11 years at naging sales supervisor. Lumipat siya sa tiles company at nagtrabaho roon sa loob ng tatlong taon.

adelio garcia

Adelio started becoming a sales agent at a home depot store.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng 2010, gamit ang kanyang karanasan, humiram siya ng puhunan sa tiyuhin at naging supplier ng tiles.

“Hindi rin biro ang hirap na inabot ko sa pagnenegosyo. Halos one-man show ako.”

Pero makalipas ang dalawang taon, umasenso si Adelio at nakabili ng sariling kotse.

Noong August 2018, ipinatayo niya ang bahay sa Nueva Ecija at nakumpleto ito sa loob ng isang taon.

ADELIO: FROM BLUE-COLLAR JOBS TO BUSINESS OWNER

Sa pamamagitan ng direct messaging, nakapalitan si Adelio ng mensahe ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong nakaraang linggo.

Dito niya naibahagi na 1987 nang pumasok siya sa Joe Kuan at tatlong taon sa Burger Machine (1991-1993).

Tatlong taon siyang nag-waiter, mula 1993 hanggang 1995. At noong 1995 nang magsimula siya sa home depot center.

Ngayon, 12 years na siyang nagma-manage ng kanyang sariling negosyo.

adelio garcia

Continue reading below ↓

In 2010, Adelio started his business as a tiles supplier. He now has 14 employees.

Kuwento niya sa PEP.ph, “Aside sa tile supply at ibang materials na sinu-supply ko, gumagawa din ako ng modular kitchen cabinet at walk-in closet, mga toilet partition.

“Fourteen ang employees ko ngayon at kumpleto ang benefits nila. Sagot ko iyon. Di ako nagkakaltas sa sahod nila.”

Ang kanyang ipinagawang bahay ay sa probinsiya nila sa Nueva Ecija. Pero nakatira siya sa isang unit sa isang high-rise condominium sa Quezon City, ang lokasyon ng kanyang negosyo.

“At may kaunti rin akong farm sa Nueva Ecija na taniman ng palay,” dugtong ni Adelio.

adelio garcia

Continue reading below ↓

Adelio also has a piece of farm land in Nueva Ecija.

Ano naman kaya ang secret to success ni Adelio?

“Magsikap lang talaga sa buhay. Wag susuko sa sa hamon ng buhay.

“At syempre, wag mawawala yung pananmmpalataya sa Diyos. Yun kasi talaga ang naging sandigan ko, e.

“Madaming pagsubok pero di ako bumitaw sa pananampalataya ko.”

Payo pa ni Adelio pagdating sa pagdarasal: “Yung instead na humingi ka ng biyaya sa Diyos, ang lagi kong dinadasal, na bigyan ako ng wisdom of knowledge na di ko nakuha sa pag-aaral.

“Wala pong imposible sa taong nagsisikap, basta manatili po sa atin ang kababaang luob at pananampalataya sa Panginoon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The success story of Adelio Garcia is one for the books. He posts on a Facebook home community the evolution of his home, from a simple bahay-kubo to a grand three-story house. Adelio (3rd from left) at 17 years old and Adelio in 2021.
PHOTO/S: Adelio Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results