Anak ng single mom na kubrador ng jueteng, nagtapos na magna cum laude

by KC Cordero
Aug 1, 2022
Michael Cabanday Cariaga and his mom
Inspirasyon ni Michael Cabanday Cariaga ang kanyang ina, isang kubrador ng jueteng, para magsikap siyang makatapos sa kolehiyo at mas umunlad ang kanilang pamumuhay. (Photos courtesy of Michael Cariaga)

Hindi ikinahihiya ni Michael Cabanday Cariaga na isang kubrador ng jueteng ang kanyang ina.

Ani Michael sa kanyang Facebook post noong July 18, 2022, “Yes, you heard it right.

"And I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a small town lottery agent—or in our most common language—paghu-jueteng.

“Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!”

Graduation photo of Michael Cabanday Cariaga

Continue reading below ↓

Taga-Meycauayan, Bulacan, nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education, Specialized in Filipino Language and Literature sa Arellano University bilang magna cum laude na may 1.08 GPA.

NAARESTO ANG INA DAHIL SA JUETENG

Sa kanyang post ay nagbalik-tanaw si Michael sa mga pinagdaanan niyang hirap.

Pagbabahagi niya, “Tunay na mapanghamon ang buhay, dahil mula pagkabata, lagi na lamang pang-Maalaala Mo Kaya ang nararanasan namin.

“Nandiyan ang ipinagtabuyan kami ng sarili kong tatay, palayasin sa tinitirahan at magpalipat-lipat ng bahay, araw-araw na manghingi ng ulam sa mga karinderya.”

Naikuwento rin niya ang masakit na naranasan ng kanyang ina bilang isang kubrador.

“Nahuli na ngang minsan ang mama ko at dinala sa kulangan dahil sa jueteng.”

Madalas aniyang pagtsismisan at hamakin ang kanilang pamilya.

“Higit sa lahat, ang pananaw ng marami na dahil paghu-jueteng lamang ang ikinabubuhay ng mama ko ay walang makatatapos ng kolehiyo sa aming tatlong magkakapatid.”

Nangyari aniya iyon sa dalawa niyang kapatid na dahil sa hirap ng buhay ay nagsakripisyo at maagang sumabak sa trabaho sa murang edad.

Continue reading below ↓

“Ngunit hindi ko ito hinayaan na magpatuloy sa akin. Kahit na alam kong mahirap, buong lakas-loob kong ipinaglaban ang pangarap ko.”

GRATEFUL SA MGA TUMULONG SA KANYA

Nang magkokolehiyo, noong 2018 na ay lumuwas si Michael sa Maynila at nag-apply ng scholarship.

“Nakatapos ako ng kolehiyo sa isang mamahaling unibersidad nang kahit piso ay wala binayaran.”

Aniya ay maraming nakatulong sa kanyang pagkokolehiyo, at labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga ito at tatanawin niyang malaking utang na loob habang siya’y nabubuhay.

“Ang pagtatapos kong ito ay hindi lamang dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ko, kundi malaking bahagi nito ang napakaraming tao na ginawang instrumento ng Diyos upang maisakatuparan ko ito.”

Sinuklian naman niya ang suportang nakuha sa mga taong umalalay sa kanya at sinipagan ang pag-aaral.

Kaya naman siya rin ang tinanghal na 2022 Overall TOP 1 at Class Valedictorian sa pitong campus ng unibersidad.

NAGBUNGA ANG SAKRIPISYO NG INA AT MGA KAPATID

Noong May 8, Mother’s Day, ay nag-post siya ng pasasalamat para sa kanyang ina.

Continue reading below ↓

Michael Cabanday Cariaga and his mom

Mensahe niya rito, “Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa amin.

"Sa loob ng mahabang panahon, kinaya mong mag-isa na itaguyod kami.

“Ito na, ‘Ma, unti-unti nang magbubunga ang lahat ng sakripisyo mo at nina Ate.

"Espesyal ang Mother's day na ito sapagkat, malapit ko nang maibigay sa iyo at sa inyo ang pinakaespesyal na regalo ko—ang diploma ko sa kolehiyo.

Continue reading below ↓

“Malapit ko nang matupad ang mga pangarap ko sa iyo, Ma. Papunta na tayo sa exciting part!'”

Sa September 30 pa ang graduation nina Michael, pero sa ngayon ay employed na siya sa Arellano University-Manila Campus bilang Senior High School teacher.

Naka-enroll na rin siya para sa kanyang master's degree sa education.

Pinaghahandaan na rin niya ang board exam.

Ang payo niya sa mga education students, “Pagbutihin at pagsikapan pa ninyo ang pag-aaral, at huwag ninyong balewalain na parang high school lang ang college.

“Totoo ang kasabihan na kusang lalapit sa iyo ang trabaho once may na-establish ka na magandang grades and achievements during your college days.

“At huwag mapapagod mag-aral, ha.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inspirasyon ni Michael Cabanday Cariaga ang kanyang ina, isang kubrador ng jueteng, para magsikap siyang makatapos sa kolehiyo at mas umunlad ang kanilang pamumuhay. (Photos courtesy of Michael Cariaga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results