Twins Marge and Mads Cruz, parehong summa cum laude sa UP Diliman

by Bernie V. Franco
5 days ago
UP graduates
Twins Madelyn Esther Cruz (left) and Margaret Esther Cruz are both Math majors who graduated summa cum laude from UP Diliman.
PHOTO/S: Facebook (UP Diliman)

Kabilang ang kambal na sina Margaret Esther Cruz at Madelyn Esther Cruz sa 147 summa cum laude na nagtapos sa University of the Philippines Diliman noong July 2022.

Pareho rin ang kanilang kurso: BS Mathematics.

Related article: UP Diliman produces 147 summa cum laude this 2022, from 29 in 2021

Ang kahanga-hanga pa sa kambal, sabay nilang natapos ang kanilang kinuhang kurso sa loob ng tatlong taon kesa sa usual na apat na taon.

Ibinahagi ang kuwento ng twins sa Facebook page ng Kumon Valenzuela Center.

Ang Kumon ay isang individualized learning program na nagtuturo ng mathematics, reading, at writing sa mga estudyante.

Saad ng center, nagsimula ang kambal sa kanilang learning center noong 2004, noong sila ay three years old pa lamang.

“Still in diapers then, Mads and Marge would go to the center and learn basic counting, reading and writing.”

Bukod sa center, pinatnubayan din ang kambal ng kanilang mga magulang pagdating sa pag-aaral.

Continue reading below ↓

“Growing up, they’re like typical kids who would venture into piano lessons, arts and anything and everything that they were interested in,” dugtong ng Kumon.

Saad ng center, itinuturo rin sa kanilang mga estudyante ang kahalagahan ng time management.

“They were able to study high school and college materials while in elementary.”

Naturuan sina Marge at Mads ng iba’t ibang math branches, katulad ng Algebra, Trigonometry, at Calculus sa murang edad.

“Completing the Math and Reading programs by grade 6 helped them to be accepted in Philippine Science High School (main campus), where they graduated with high honors in senior high school,” post ng Kumon.

Kaya naman hindi nakapagtataka na pareho silang kumuha ng BS Mathematics sa UP Diliman pagdating ng kolehiyo.

“What makes this achievement quite extraordinary is that they were able to finish their course in a record-breaking three years instead of four!”

Nagbigay rin ng update ang center na si Mads ay tutungo sa Michigan, USA para sa kumuha ng PhD sa ilalim ng scholarship grant.

Continue reading below ↓

Si Marge naman ay kukuha ng Master of Science sa Mathematics sa UP Diliman.

Read also:

TRIVIA ABOUT THE TWINS

Nagbigay ng ilang description sina Marge at Mads sa profiles ng 147 summa cum laude graduates na ipinost sa Facebook page ng UP Diliman.

Ani Mads, "In my free time, I like to sleep (kahit di free time actually).

“Kapag kumakain ng spaghetti, gusto kong di nakahalo ang sauce sa pasta (like how di nilalagay ang soup or sauce sa rice).

“I have never had an alcoholic beverage."

Continue reading below ↓

Pagbabahagi naman ni Marge, "I've had taho for breakfast almost every day since the pandemic started.

“Nagme-memorize ako dati ng shuffled deck of playing cards for fun.

“My ultimate goal in life is to build a school that looks like a mall with centralized aircon, bright lights, and many food stalls.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twins Madelyn Esther Cruz (left) and Margaret Esther Cruz are both Math majors who graduated summa cum laude from UP Diliman.
PHOTO/S: Facebook (UP Diliman)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results