Bagsak at pasang-awa sa 4th year, Top 1 sa May 2022 nursing board exam

by KC Cordero
5 days ago
Nora Jane B. Staveley in graduation photo
Aminado si Nora Jane B. Staveley na hindi kagandahan ang mga grades niya sa huling taon niya sa kolehiyo, pero she’s no stranger sa mga crucial exams. At may sarili siyang sistema sa pagre-review na nakatulong sa kanya para maging Top 1.

Bagsak at pasang-awa sa klase, pero naging topnotcher sa board exam.

Ito ang kuwento ni Nora Jane B. Staveley, at ito rin ay patunay na kayang baguhin ng tao ang kanyang sitwasyon basta't paglalaanan niya ito ng atensiyon.

Si Nora Jane, mas kilala bilang NJ, ay Top 1 sa May 2022 Nurse Licensure Exam, at may rating na 90 percent.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing sa Our Lady of Fatima University ngayong taon.

Sa kanyang Facebook post noong June 16, 2022 ay ibinahagi ni NJ ang kanyang naging journey sa pagkokolehiyo hanggang sa pagkuha ng board exam.

Aniya, medyo hesitant siyang i-share ang kanyang story, kaya "read at your own risk" na lang daw.

Nora Jane B. Staveley in graduation photo

Continue reading below ↓

Panimulang kuwento ni NJ sa kanyang post (published as is), “Actually, bagsak at pasang-awa na ako nung fourth year.

“Literally nasa 3/10 o 5/10 ang mga quizzes ko.

“’Tapos sa exams, 29/50 at 44/75.”

NAG-SKIP NG THIRD YEAR AT FOURTH YEAR HIGH SCHOOL

Hindi ito ang unang pagsubok na nalampasan ni NJ bilang isang estudyante.

Noong 2015 ay may isang pagsusulit din siyang kinuha na hindi niya inakalang makakapasa siya.

“I can clearly recall how hard I prayed when I had to take the Philippine Educational Placement Test para ma-skip yung third year and fourth year ng high school.

“Need ko kasi talaga ng diploma nun dahil required para makapag-apply sa trabaho.”

Hindi siya nag-elaborate kung bakit kailangan niya agad na magtrabaho, pero saad niya, “Those were one of the darkest days in my life...

“And wala akong perang pang-review center sa PEPTest nun. I just grabbed whatever pang-third year at fourth year na textbooks I could find and studied for the two months I had then, and took the exam.”

Continue reading below ↓

Todo ang pagdarasal noon ni NJ para makapasa.

“Kasi yung mga tanong sa exam ay kung ano ang itinuturo sa third year at fourth year, eh, sabaw ako sa math. Mga trigonometry...”

Makalipas ang dalawang linggo ay nagpunta siya sa DepEd Main Office para kunin ang results.

“And sobrang saya ko talaga nung nalaman kong ‘passed’ lahat! Habang bumibiyahe ako pauwi, talagang sobrang grateful ako kay God kasi malaking bagay yun na hiniling ko sa Kanya na ibinigay niya sa akin.”

Aniya, may bonus na kilig pa ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay.

“Interestingly, on that exact same day ay nakilala ko yung partner ko!”

Bukod naman sa pagkakaroon ng love life ay unti-unting gumanda ang kanyang financial situation.

“Luckily things got better and I was able to afford college. So, instead na mag-work, nag-enroll ako sa OLFU, and the rest is history.”

LATE NAkapaG-REVIEW SA BOARD

Nung panahong kailangan na niyang mag-review para sa board exam, hindi nakapag-focus si NJ dahil naging abala siya sa pangangampanya para sa isang presidential candidate sa nakaraang May 9 national elections.

Continue reading below ↓

Mukhang siya yung tipo ng tao na kapag passionate sa isang bagay ay walang makakapigil sa kanya. Kaya kahit hindi okay ang academic standing niya ay naglaan si NJ ng panahon sa pangangampanya dahil malaki ang paniniwala niya sa mga plataporma ng kandidato.

Aniya, “Iniisip ko nga, delikado na ang scores ko nung fourth year, nagawa ko pang mangampanya.

“Nalugmok ako nung di nanalo. Tapos namatayan ako ng pusa the same month.”

Nagsimula siyang magseryoso sa pagre-review noong May 10, nang matapos na ang elections.

“Sabi ko, bahala na. Twenty days na lang, pumasa o bumagsak ay bahala na.

“Basta ang gusto ko lang ay masabi sa sarili ko na I did my best at wala akong pagsisisi sa araw ng board exam."

Wala raw siyang isinet na goal para sa sarili dahil alam niyang kapos na siya sa time.

“Ang gusto ko lang ay makapag-focus.

“Pinilit kong isantabi muna lahat ng masasaklap na nangyari nung college, lahat ng pain na resulta ng election, lahat ng expectations sa akin, at lahat ng pressure.

Continue reading below ↓

“Basta ang alam ko lang ay may 20 days pa ako para mag-review, at nasa akin na ‘yun kung susulitin ko talaga bawat minuto.

“Eventually I decided to just get back to reality and face my exams."

NAG-TOP 1 SI NJ!

At maganda ang naging resulta ng pagpo-focus ni NJ: Top 1 siya sa licensure exam.

Ang payo niya sa mga kukuha ng board exam, familiarization is the key.

Salat man siya sa oras ay puspusan ang ginawa niyang pagre-review nang paulit-ulit.

“Familiarization is basically when you've studied something many times to the point where you can explain it in your own words.

“Basically, yung inaral ko today, bukas iisipin ko ulit: ‘Ano nga ba ulit yung inaral ko kahapon?’

“Mag-effort mag-aral at mag-familiarize ng mga itinuro nung college, dahil sa sobrang dami ng coverage ng exam, hindi madadaan sa memorization.”

MGA DAPAT IPAGPASALAMAT

Ayon kay NJ, napakarami niyang nais ipagpasalamat sa kanyang pagiging topnotcher.

Continue reading below ↓

List of Top 10 in May 2022 Nurse Licensure Exam

“Isa na dun yung di ko na need mag-retake ng exam kasi sayang ang PHP900 na bayad sa exam.

“Yung nakapagbigay ako ng karangalan sa alma mater ko, sa mga professors ko na talagang nag-effort at naniwala sa akin, at sa mga mentors ko sa review center.”

Masaya rin siya para sa mga kaibigan na kasabay niyang pumasa sa board. Aniya, “Lalo yung mga nag-aalala after day 1 ng exam.”

Continue reading below ↓

On a personal note, mayroon hiling si NJ sa Diyos na aniya ay something big: “Basically, wala na akong mahihiling pa for myself. Ang mahihiling ko na lang talaga is for my country.

“Gusto kong magkaroon ng maraming hospitals and condo housing para sa mga kababayan natin.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Nora Jane B. Staveley na hindi kagandahan ang mga grades niya sa huling taon niya sa kolehiyo, pero she’s no stranger sa mga crucial exams. At may sarili siyang sistema sa pagre-review na nakatulong sa kanya para maging Top 1.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results