Mapapakanta ka talaga ng “Love on Top” ni Beyonce dahil sa magsing-irog na parehong Top 1 sa kalalabas lang na resulta ng professional teachers’ licensure examination for June 2022.
Back-to-back topnotchers Marvin Nillas at Charline Juntilla ng Compostela Valley sa Davao de Oro.
Si Marvin ang Top 1 sa board exam (secondary education) at may average na 94%.
Ang girlfriend na si Charline ang Top sa board exam (elementary education) at nakakuha ng average na 93.40%.
Also read: Magkasintahan sa Leyte, parehong magna cum laude, board topnotchers
Pareho silang nag-aral sa Compostela Valley State College – Montevista.
Nagtapos si Marvin ng Bachelor in Secondary Education–Mathematics at si Charline ng Bachelor in Elementary Education–Generalist.
Para kay Marvin, malaki ang kinalaman ng kanilang pananampalataya para sabay silang magtagumpay.Ang post niya sa Facebook nitong Huwebes, August 4, 2022:
“Sabay nag-graduate

“Sabay nag-exam
“Sabay nag-top, God himself paved the way for us to achieve this feat.”
Pabirong sinabi ni Marvin ang aral na natutunan niya sa karanasan nilang ito ni Charline.
Sabi niya, “Next time, Love, let's try not to underestimate ourselves too much. Hehe”