PHP55K incentive para sa Top 5 sa naval architecture and marine engineering board exam

by KC Cordero
3 days ago
Niño Jasper Conje Gomez in graduation photo
Magiging miyembro na si Niño Jasper Conje Gomez ng Philippine Navy. Plano niyang maging bahagi sa pagdidisenyo at modernisasyon ng mga barkong pandigma ng Pilipinas.

Nitong March 15, 2022 ay nakatanggap si Niño Jasper Conje Gomez, 23, mas kilala bilang Jasper, ng PHP30,000 cash incentive at plaque of recognition.

Bigay ito ng local government ng Daan Bantayan, Cebu, sa pamamagitan ni Mayor Sun Shimura.

Niño Jasper Conje Gomez with Mayor Sun Shimura

Ang incentive ay bilang pagkilala sa kanyang paghahatid ng karangalan sa Daan Bantayan.

Continue reading below ↓

The Top 10

Top 5 si Jasper sa June 2021 Naval Architecture and Marine Licensure Examination.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Naval Architecture and Marine Engineering sa University of Cebu noong March 2020.

Academic scholar siya noong 2015, at working scholar mula 2016 hanggang 2019.

Si Jasper ang ikalima sa kanilang walong magkakapatid.

Continue reading below ↓

Bago ang incentive at pagkilala na natanggap niya sa kanilang munisipalidad, una na siyang nakatanggap ng PHP25,000 mula sa Cebu City government noong October 18, 2021.

Niño Jasper Conje Gomez with Councilor Dondon Hontiveros

Si Cebu City Councilor at dating PBA player Donaldo “Dondon” Hontiveros ang nag-abot sa kanya ng kanyang incentive.

Bukod naman sa pagiging naval architect ay isang professional artist si Jasper.

Continue reading below ↓

Niño Jasper Conje Gomez with one of his paintings

Mahusay siya sa portrait painting, partikular sa paggamit ng charcoal powder and graphite pencils.

Noong April 1, sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang kanyang career plan.

Ani Jasper, “Enjoying my few days left as a civilian...”

Magsisimula na kasi siyang mag-training bilang Philippine Navy.

Ayon sa DaanbantayanLGU, pangarap ni Jasper na maging malaking bahagi sa pagdidisenyo at modernisasyon ng mga barkong pandigma ng Pilipinas.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magiging miyembro na si Niño Jasper Conje Gomez ng Philippine Navy. Plano niyang maging bahagi sa pagdidisenyo at modernisasyon ng mga barkong pandigma ng Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results