Rodriner Billones, hinigitan ang ama sa Master Electrician exam: "Top 6 ka lang, ako...Top 1.”

by KC Cordero
Aug 8, 2022
Rodriner Casugbo Billones as a student, and while receiving his incentive
Na-ground noong bata pa si Rodriner Billones, topnotcher sa Master Electrician Licensure Exam, habang kinakalikot ang kanyang laruan kaya na-spark ang interes niya sa electrical engineering. Idol naman niya ang ama na isa ring board topnotcher.

Ang 22 years old na si Rodriner Casugbo Billones ng Barangay Banica, Roxas City, ang Top 1 sa April 2022 Registered Master Electrician Licensure Examination.

Nakakuha siya ng rating na 93 percent.

Graduation photo of Rodriner Casugbo Billones

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering sa Capiz State University-Main Campus noong July 15, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Solong anak si Rodriner.

Ang nanay niya ay isang guro, at nasa abroad ang kanyang ama.

Nakapanayam si Rodriner ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 7, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Kuwento niya, “Bata pa lang ako ay interested na talaga ako sa electricity. I was curious kung paano gumagana ang mga laruan kong remote controlled na cars.

"Kaya ang ginagawa ko noon, binubuksan ko yung mga laruan ko para malaman kung ano ang laman at kung paano ito gumagana.”

Isang pangyayari aniya ang naging daan para tahakin niya ang mundo ng electrical engineering.

“Sa sobrang likot ng kamay ko, may pumutok na battery. At that moment, nag-spark din yung love ko for electrical engineering.”

MAAGANG LUMABO ANG MGA MATA

Ayon kay Rodriner, hindi naging madali ang pagtupad niya sa kanyang pangarap.

“Noong 2018, first year college ako ay nagsimulang lumabo ang aking mga mata.”

Lagi aniyang pagod ang mga mata niya noon dahil sa iba’t ibang libangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Young Rodriner Casugbo Billones

“Hindi ko sinabi sa aking mga magulang na malabo ang aking mata dahil alam ko na pagagalitan nila ako at pagbabawalang manood ng anime, K-drama, at maglaro ng video games.”

Nagdesisyon siyang tuluyang ilihim ang kanyang kondisyon, at hindi rin siya nagpagawa ng salamin.

“Tuwing may klase ay sumasakit ang aking ulo at hindi na maka-focus kasi blurred talaga ang vision ko at hindi ko na makita ang mga nakasulat sa blackboard.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang resulta, “Dahil doon ay bumagsak ako sa isang subject.

“First time akong bumagsak sa klase kaya halu-halong emosyon ang aking naramdaman tulad ng galit sa sarili, lungkot at hiya.”

BILIB NA BILIB SA KANYANG AMA

Pagbabahagi pa ni Rodriner, noong 2018 kung kailan bumagsak siya sa isang subject ay naging topnotcher naman ang kanyang ama sa Registered Master Electrician Licensure Examination.

“Siya ang Top 6 at may rating na 88.50 percent. Bilib na bilib ako sa tatay ko!”

Dahil doon, kahit may bagsak ay nabuhayan ng loob si Rodriner, “Nagkaroon ako ng motivation at goal na makamit. Gusto ko ring maging topnotcher.”

Ang kanyang naging unang hakbang tungo sa pangarap ay ang magpagawa ng prescription glasses.

“Para tumigil ang pagsakit ng aking ulo at makapag-aral na mabuti dahil makikita ko na ang blackboard at maa-absorb ang klase.

“Sa panahong ito ay hindi pa rin alam ng mga magulang ko na malabo ang aking mata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sinasabi ko sa kanila tuwing tinatanong nila ako kung bakit may suot akong salamin ay reading glasses lang naman ito.”

TOPNOTCHER ANG TATAY, DAPAT TOPNOTCHER DIN ANG ANAK

Nahirapan naman si Rodriner na mag-prepare sa board exam.

“Meron kaming online class from 8:00 a.m. to 5:00 p.m. at hindi pa kasi ako graduate nun, fourth year college pa lang.

“Ang ginawa ko para makapag-review ako for the board exam, gumigising ako ng mga 4:00 a.m. at mag-aaral ako hanggang 8:00 a.m.”

Pagkatapos ng kanilang klase ay nagre-review uli siya mula 5:00 p.m. to 7:00 p.m.

“Napakahirap ma-maintain ang ganitong routine dahil nakaka-burnout, pero pinilit ko ang aking sarili dahil I knew na consistency is the key to my success.”

Nasorpresa naman si Rodriner na hindi siya nahirapan sa board exam, “Honestly, the exam itself was the easiest part of this journey.

“Actually, day before the exam ay feeling ko talaga ay hindi pa ako ready. Pero during the exam ay nagulat na lang ako na last item na pala ang sinasagutan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman siyang nag-aim talaga siyang maging topnotcher.

“Nag-umpisa ang pangarap ko na maging topnotcher noong nag-Top 6 ang tatay ko. Parati niya kasi akong niyayabangan na topnotcher siya.

“Maybe ginawa niya lang yun para ma-inspire ako, kaya ginawa kong challenge na tataasan ko ang kanyang rating na 88.50 percent.

Joke umano niya sa ama, “Top 6 ka lang, ako magiging Top 1.”

IPINAGTAPAT ANG KONDISYON NG MGA MATA

Malakas umano ang kutob ni Rodriner na kasama talaga siya sa Top 10.

“Nang lumabas na ang result, sa list of topnotchers kaagad ako pumunta, at dun na na-confirm ang aking hinala.”

Announcement that Rodriner Casugbo Billones is Top 1

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad niyang sinabi sa kanyang parents ang good news.

“Dalawang sorpresa ang ini-reveal ko sa aking mga magulang. Una ay ang pagiging Top 1 ko sa board exam.

“Ang pangalawa ay ang pag amin ko na malabo ang aking mga mata.

“Pero siyempre dahil sa good news ay hindi na ako pinagalitan, hahaha!”

Inialay ni Rodriner ang tagumpay sa Diyos, pamilya, at mga kaibigan na walang sawang gumagabay at sumusuporta sa kanya.

Nakatanggap naman siya ng PHP100,000 mula sa kanilang local government bilang Outstanding Capsunian

“Sa ngayon po ay nagre-review ulit ako para naman sa Registered Electrical Engineer Licensure Examination sa 2023.”

Ang payo niya sa mga gustong kumuha ng electrical engineering, “If ever na bumagsak ka sa kahit anong subject ay huwag agad mag-shift ng course dahil normal lang ang bumagsak sa engineering.

“Just laugh it off with your friends na bagsak din.

“And first year pa lang ay dapat umpisahan mo na ang pagre-review for the board exams dahil dun ka rin naman pupunta after graduation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-ground noong bata pa si Rodriner Billones, topnotcher sa Master Electrician Licensure Exam, habang kinakalikot ang kanyang laruan kaya na-spark ang interes niya sa electrical engineering. Idol naman niya ang ama na isa ring board topnotcher.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results