Meet Lolo Pops, tindero ng candy na nakapagpagawa ng bahay dahil sa online selling

by Bernie V. Franco
Aug 10, 2022
lolo pops
Malayo na ang narating ng dating nagtitinda ng lollipop sa kalsada na si Angelito Gino-Gino o Lolo Pops. Dahil sa online selling, nakapagpagawa siya ng bahay. "Hindi ko sukat akalain. Parang panaginip lang, na dati kong bahay na inaanay," (Left) Dating tirahan ni Lolo Pops (center) at nang maipagawa niya ito.
PHOTO/S: YouTube (KBYN via ABS CBN News)

Marahil pamilyar ang mukha ni Angelito Gino-Gino o kilala ring Lolo Pops sa mga suki ng isang kilalang online shopping app.

Sumusulpot kasi minsan sa app ang mukha ni Lolo Pops sa category ng candy o food.

May mensahe pa nga minsang kalakip na tulungan ang negosyo ng matanda na pagtitinda pastillas o pulboron.

Si Lolo Pops ay dating tagalako ng kendi at lollipop sa mga kalsada. Dito rin nagmula ang bansag sa kanyang “Lolo Pops.”

Pero natigil ang paglalako ng matanda nang tumama ang pandemya.

Tinulungan siya ng isang online seller na gumawa ng account sa online shopping app para ibenta ang kanyang mga kendi.

Dumagsa ang suporta at orders kay Lolo Pops at pumatok ito. Kaya nakapagpatayo siya ng bahay.

Ang online seller na tumulong kay Lolo Pops ay estudyante noon na laging bumibili ng lollipop sa matanda.

Lolo pops

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Also:

MEET LOLO POPS THE CANDY STREET VENDOR

Ang kuwento ni Lolo Pops, 73, ay naitampok nito lang weekend sa ABS-CBN program na KBYN: Kaagapay ng Bayan ni Noli de Castro.

Siya ay candy vendor na taga-Angeles City, Pampanga, pero naglako noon ng kendi sa Muñoz sa Quezon City.

Higit isang dekada na siyang nagtitinda ng kendi.

Aniya, “Lahat ng eskwelahan pinupuntahan ko,”

Naranasan niya noon na laging pinapaalis sa bangketa ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pero dahil sa husay niya sa pakikisama, hindi nagtagal ay hinahayaan na siya ng MMDA na pumirmi sa isang puwesto at magtinda.

Isang suki ni Lolo Pops ang nagpatotoo na madaling ma-engganyo na bumili sa kanya.

Ani Lolo Pops, “Ang parang pinakadiskarte ko sa pagtitinda, siyempre, pag ikaw nagtitinda, nakangiti, naka-smile ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa bahay, inaasikaso ni Lolo Pops ang kanyang misis na hindi na makapagtrabaho simula nang na-stroke noong 2011.

Inamin ni Lolo Pops na ang kanyang misis ang pinaghuhugutan niya ng lakas para maghanap-buhay.

Hindi sila makaasa ng suporta mula sa kanilang mga anak.

Paliwanag ni Lolo Pops, “Mga anak ko, marami ding mga anak. Sa dami ng mga anak nila hindi nila rin kaya [suportahan kami].”

Pakiramdam din daw ni Lolo Pops ay mapapadali ang buhay niya kung titigil siya sa pagtatrabaho.

lollipop endor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THEN PANDEMIC HAPPENS

Tumama ang pandemya at nahinto sa pagbebenta si Lolo Pops. Nagsara rin ang pagawaan ng kendi na pinagtatrabahuhan niya.

Nang lumuwag ang quarantine, naglako ang tindero ng mga pastillas at pulboron gamit ang three-wheeler bike.

Marami ang naantig sa kasipagan ni Lolo Pops, at isa na rito si Arriane Ocampo, na dating suki ng matanda noong estudyante pa siya.

Dahil isang online seller si Arriane, minsan ay nakita niya sa isang post ang tungkol sa pagtitinda ng mga pastillas ni Lolo Pops.

Nakita niya sa mga komento na may mga taga-ibang lugar ang nais bumili ng produkto mula kay Lolo Pops.

Nagka-ideya si Arianne na gawan ng online store ang matanda.

"Naisip ko po na why not i-enroll ko siya o i-register ko siya sa online store para lahat ng gustong mag-avail ng mga products niya madali na lang po [makakabili], nationwide pa po.”

Aminado si Arianne na naging mahirap noong una dahil challenge kay Lolo Pops ang technology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero katulong ang isang anak na babae ni Lolo Pops, nasimulan ang negosyo at umusbong ito.

Dumagsa ang mga orders ng pastillas at pulboron mula sa iba’t ibang lugar.

lazada

Ang online seller na si Arriane Ocampo (inset), na dating bumibili ng kendi kay Lolo Pops, ang tumulong sa matanda na pasukin ang online selling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan ay nagdagdag pa sila ng mga produkto.

Sabi ng matanda, “Sinamahan ko po ng bagoong spicy na katakam-takam.”

Sa loob lamang ng isang taon, ang followers ng kanyang online store ay umabot na sa higit 105,000 followers.

Nakapagpagawa na rin si Lolo Pops ng bahay, na dati ay binubuo lamang ng mga pinagdikit-dikit na mga yero at kahoy, ayon sa KBYN.

“Yung ika nga, sa pagtitiyaga, nakapagpagawa ako ng bahay na dalawang palapag.

“Hindi ko sukat akalain. Parang panaginip lang, na dati kong bahay na inaanay, ngayon pag tingnan mo, ‘’Nasaan ba? Bahay ko na ba ito?’

“Darating pala ang panahon magkakaroon ako ng ganoon din, ganitong bahay na di ko inaasahan.”

lolo pops house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, patuloy sa paglalako ng mga kendi si Lolo Pops: “Hangga’t kaya, patuloy ang magsusumikap.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malayo na ang narating ng dating nagtitinda ng lollipop sa kalsada na si Angelito Gino-Gino o Lolo Pops. Dahil sa online selling, nakapagpagawa siya ng bahay. "Hindi ko sukat akalain. Parang panaginip lang, na dati kong bahay na inaanay," (Left) Dating tirahan ni Lolo Pops (center) at nang maipagawa niya ito.
PHOTO/S: YouTube (KBYN via ABS CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results