Watch Now

Dianne Del Rosario muntik maging topnotcher sa teachers' board exam kahit hindi education graduate

by KC Cordero
Aug 17, 2022
Dianne Del Rosario in graduation photo
Hindi nagtapos si Dianne Del Rosario ng kursong edukasyon, kaya bilang isang unit earner at walang solid foundation pagdating sa pagtuturo, nahirapan siya sa board exam for teachers. “Not to brag but to inspire sa mga aspiring teachers at unit earners na katulad ko na ang talagang pangarap ay maging guro.”

Bata pa lang ay pangarap na ni Dianne Del Rosario ang maging guro.

Pero alam na ni Dianne, 22, na mahihirapan siyang tuparin ito dahil sa hirap ng kanilang buhay sa Olongapo City, Zambales.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dianne noong August 7, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Dianne Del Rosario in casual wear

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, pang-apat siya sa limang magkakapatid at nag-iisang babae.

“Nakikita ko na mahihirapan ang aking mga magulang dahil noong nakatapos ako ng high school ay magsasabay na po kaming tatlo ng aking mga kapatid sa kolehiyo.”

Kaya isang mabigat na desisyon ang kanyang ginawa.

“Mula Olongapo, bumiyahe po ako sa Laguna kung saan may mga kamag-anak kami para maituloy ko lamang ang aking pag-aaral.

“Kahit ayaw po ng aking mga magulang na ako ay lumayo, pinilit ko na sa Laguna makapag-aral dahil sa university na aking papasukan doon ay mas mura ang tuition kaysa sa mga available school na meron sa aming lungsod.”

PAGPILI NG KURSO

Malaking bagay na napakabait ng kanyang mga kamag-anak sa Laguna.

“Sinuportahan po nila ang aking pag-aaral. Habang nag-aaral, tumutulong naman ako sa sari-sari store ng aking tita at inaalagaan ang aking lola na na-stroke.”

Iyon nga lang, hindi siya nakapag-enrol sa kursong pangarap niya. Sa halip na education, kumuha siya ng Bachelor of Science in Industrial Technology, Major in Architectural Drafting, sa Laguna State Polytechnic University - Sta. Cruz Campus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dianne Del Rosario when still a student

“Late na kasi akong nakapag-enrol kaya wala ng slot para sa Bachelor of Science in Education. Ang sabi ng nasa registrar, puwede naman akong mag-shift sa susunod na semester.”

Pero pagdating ng pagkakataon na makapag-shift sana siya ay nagkasakit si Dianne ng ulcer.

“Na-confine ako sa ospital. Nakalampas sa akin ang admission exam para mag-change of program/course, kaya hindi ko naasikaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tuluyan na akong hindi nakalipat sa pinapangarap kong kurso. Ipinagpatuloy ko na lang ang course na una kong kinuha kaysa lumipat pa ako sa ibang eskuwelahan.”

Also read: Magkasintahan sa Leyte, parehong magna cum laude, board topnotchers

BUHAY-COLLEGE

Hindi naging madali ang kolehiyo para kay Dianne.

Pagbabahagi niya, “Sobrang hirap po ang mag-aral sa kolehiyo dahil hindi iyon ang pinapangarap kong kurso.

“Malayo rin ako noon sa aking mga magulang. Tiniis ko po ang pangungulila sa kanila para sa pangarap ko na gusto kong ialay sa aking parents.”

Pero nakatulong naman sa kanya na siya ay likas na friendly.

“Hindi naging mahirap sa akin ang makisama sa mga tao at sa mga kaklase ko. Nakatulong sila para hindi ako lubos na ma-homesick.”

Nasanay na rin siya sa buhay sa Laguna, at happy na mas naaalagaan niya ang kanyang lola.

“Isa din po ako sa mapalad na naging scholar ng provincial government of Laguna kaya malaking tulong din na pandagdag sa pambayad sa tuition at allowance ko sa pag-aaral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2019, naka-graduate si Dianne sa college.

PAGPAPAtuloy sa pagTUPAD SA PANGARAP

Wala pang isang linggo makalipas ang kanilang graduation ay bumalik siya sa Olongapo City. Dito ay agad siyang nag-enrol sa isang kolehiyo para kumuha ng education units.

“Nagtatrabaho na ako noon bilang computer-aided design [CAD] operator sa isang construction company mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

“Pagkagaling sa office ay diretso na ako sa school para mag-attend ng klase from 6:00 p.m. hanggang 10:00 p.m. Halos hatinggabi na ako nakakauwi.”

Ganito ang kanyang naging routine hanggang makumpleto niya ang mga kailangang units.

PAGKUHA NG BOARD EXAM

January 2020 pa lang ay nag-file na si Dianne ng application for March 2020 Licensure Examination for Teachers (LET).

“Sinimulan ko agad na mag-review. Kaya sobra akong nanghinayang nang hindi matuloy dahil sa pandemic.”

Para hindi sayang ang kanyang oras dahil nag-apply siya bilang guro kahit hindi pa pasado sa board.

Natanggap naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakabilang siya sa first batch na kukuha ng September 2021 LET. Sa kasamaang palad, three days bago ang exam ay nagpositibo siya sa COVID-19.

“Kaya naharap na naman ako sa panibagong pagsubok. Ipinasok ako sa quarantine facility para hindi makahawa.”

Habang nasa isolation facility ay nakaramdam umano siya ng pagsuko.

“Naiisip ko noon, dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagiging guro kasi parang laging ang daming hadlang?

“Mabuti na lamang at nariyan ang aking pamilya para palakasin ang aking loob at laging nagpapaalala na huwag mawalan ng pag-asa.”

Sa wakas, natuloy na ang pagkuha niya ng exam sa June 2022 LET, at nakapasa. Mataas ang kanyang rating na 88.60 percent.

Dianne Del Rosario's LET rating

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit niya, “Sayang nga po, kung ako ay walang majorship ay kasama sana ako sa Top 10.

“Mahirap ang exam lalo na may trabaho ako at hindi madali ang makakuha ng panahon para mag-focus sa review.

“Bilang isang unit earner at walang solid foundation pagdating sa pagtuturo lalo na sa major ko na TLE na sobrang daming areas ng exam [drafting, business math, electricity, plumbing, cosmetology, foods, carpentry, masonry, electronics and entrepreneurship], naging mahirap talaga sa akin na intindihin ang bawat topic kahit sa professional education at general education.”

PLANONG MAGING PUBLIC SCHOOL TEACHER

Inialay ni Dianne ang kanyang tagumpay sa kanyang mga magulang at pamilya.

Ang plano niya ay maging isang public school teacher.

May payo siya sa mga kabataang hindi agad nakapag-enrol sa kursong kanilang pinapangarap.

Aniya, “Huwag kayong mawawalan ng pag-asa o tatamarin na sa buhay at hindi na pagbubutihin ang pag-aaral dahil lang malayo sa pangarap na kurso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tandaan na marami pang panahon para matupad pa rin ang mga pangarap. Samahan din ng effort, at seryosong paghandaan ang mga susunod na plano sa buhay.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagtapos si Dianne Del Rosario ng kursong edukasyon, kaya bilang isang unit earner at walang solid foundation pagdating sa pagtuturo, nahirapan siya sa board exam for teachers. “Not to brag but to inspire sa mga aspiring teachers at unit earners na katulad ko na ang talagang pangarap ay maging guro.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results