Watch Now

Couple na parehong Top 1 sa board exam, binigyan ng tig-PHP300K cash incentive

by Bernie V. Franco
Aug 23, 2022
topnotchers marvin nillas charline juntilla
Couple goals sina Charline Juntilla at Marvin Nillas na parehong naging Top 1 sa magkahiwalay na licensure exam for teachers. Dahil dito may cash incentive silang tig-PHP300K mula kay Davao de Oro Congresswoman Maricar Zamora.
PHOTO/S: Facebook

Viral ang magkasintahang sina Marvin Nillas at Charline Juntilla dahil pareho silang Top 1 sa Licensure Examination for Teachers (LET).

Sina Marvin at Charline, na mga estudyante ng Compostella Valley sa Davao de Oro, ay kumuha ng LET noong June 2022.

Nung lumabas ang resulta nitong Agosto, nanguna sila sa kani-kanilang board exams: si Marvin ay nakakuha ng 94% para sa secondary education, habang si Charline ay nakakuha ng 93.40% para sa elementary education.

Bilang insentibo, ang magkasintahan ay inabutan ng tig-PHP300,000 cash ni Davao de Oro 1st District Representative Maricar Zamora.

Sa post ng congresswoman, sinabi nitong kaugalian na ang pagbibigay ng cash incentives sa mga topnotchers ng mga Davao de Oro State College (DDOSC).

Sa ganitong paraan, nae-engganyo raw ang kanilang mga estudyante na galingan at pagbutihan ang pagkuha nila ng board exam.

Parehong scholar sina Marvin at Charline sa DDOSC.

Read: Magkasintahan, parehong Top 1 sa licensure exam for teachers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuri ang dalawa dahil bukod sa pagiging Top 1, pinatunayan nilang ang tagumpay nila ay “all the more significant because they are two couples who are working for their dream and achieving it at the same time.”

Binanggit din ni Zamora na sa pakikipag-usap niya sa dalawa, nadiskubre niyang hindi biro ang pinagdaanan nina Marvin at Charline bago naging board topnotchers.

Si Marvin kasi, kahit na siya ay scholar ay mayroong isyung pinansyal.

Si Charline naman ay nagtrabaho sa isang Business Process Outsourcing (BPO) company para may pantustos sa kanyang pagre-review.

Sa isang interview, sinabi nina Marvin at Charline na nais nilang magsilbing inspirasyon na kahit hindi honor student, kahit kailangang magtrabaho para lang makapag-aral, posible pa ring magtagumpay hangga’t nagsisikap at nangangarap.

Pagdating naman sa relasyon, ang sikreto raw nila ay ang pagiging understanding para lalo silang magtagal.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Couple goals sina Charline Juntilla at Marvin Nillas na parehong naging Top 1 sa magkahiwalay na licensure exam for teachers. Dahil dito may cash incentive silang tig-PHP300K mula kay Davao de Oro Congresswoman Maricar Zamora.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results