Watch Now

Jonathan Agullana: summa cum laude, board topnotcher, "unang degree holder" ng pamilya

by Bernie V. Franco
Aug 27, 2022
graduate
“Ako po ang unang degree holder ng aming pamilya," ani Jonathan Agullana, summa cum laude at Top 10 sa licensure examination for teachers noong 2021.
PHOTO/S: jonathan agullana

Nangutang ang mga magulang ni Jonathan Agullana noon para makapag-enroll siya sa college.

Nangutang din sila para may pambayad sa pagre-review ni Jonathan sa board exam.

Mabuti na lang worth all the effort itong si Jonathan.

Nagtapos siya sa college bilang summa cum laude, at top 10 sa licensure exam for teachers o LET ng kanilang batch.

“Ako po ang unang degree holder ng aming pamilya,” mensahe ni Jonathan, 23, sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

“Hindi nakapag-aral ng kolehiyo ang mga kapatid kong nauna sa akin dahil sa kahirapan.”

Also read:

MUNTIK NANG HINDI MAKAPAG-COLLEGE

Puno ng pagsubok ang landas ni Jonathan tungo sa kanyang pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinilang siya at lumaki sa Davao del Norte.

Ikapito siya sa walong magkakapatid. Magsasaka ang ama at housewife ang ina.

Sapat lang ang kinikita ng kanyang ama para sa pang-araw-araw na pangkain.

Gaya ng kanyang mga nakatatandang kapatid, hindi na dapat magkokolehiyo si Jonathan.

Taong 2015 nang lumipat sila sa Pagudpud, Ilocos Norte, ang bayan ng kanyang ama.

Hindi siya natanggap sa isang state university sa Ilocos dahil hindi siya umabot sa admission test.

Tatanggapin na sana ni Jonathan ang kanyang kapalaran na hindi rin makakapagkolehiyo.

“Kaya lang ginawan ito ng paraan ng aking mga magulang. Umutang sila para lang may pang-enroll ako sa isang private college offering the cheapest tuition fee,” kuwento niya.

Nag-enroll si Jonathan sa Data Center College of the Philippines of Laoag City Inc.

“Napakasuwerte ko to have very supportive parents.”

Tinaasan din ng kilay ang desisyon ng kanyang mga magulang na i-enroll siya sa private school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsang nilait ang mga magulang ko… ‘Bakit sa private school pa, e, magsasaka ka lang?’ tanong niya kay Papa.”

jonathan agullana

Depensa ni Jonathan, “Gustuhin ko mang mag-aral sa public school, hindi ako qualified.”

Ito ay dahil hindi siya nakaabot sa entrance exam.

Aniya sa PEP.ph, nakiusap pa siya sa state university kung puwede siyang kumuha ng special exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw maaari. May iskedyul kasing sinusunod ang unibersidad.

NAGING SCHOLAR

Bilang sukli sa sakripisyo ng mga magulang, pinagbutihan ni Jonathan ang pag-aaral.

“Nagsunog ng kilay para makakuha ng matataas na grades to qualify sa mga scholarships.

“Sa awa ng Diyos, naging consistent academic scholar ako ng school dahilan para maging libre ang aking pag-aaral.

“Natanggap din ako bilang isang CHED scholar.”

Kung hindi raw sa mga scholarships na ito, malamang hindi siya nakapagtapos.

Pero kailangan pa rin niya ng pera para sa kanyang dorm, allowance, at gastusin.

“Tumutulong ako sa sakahan kapag bakasyon. Minsan, nag-aangkat ako ng isang sakong buko upang ibenta sa tita ko [para] may pandagdag sa allowance.”

Inuusisa nga raw siya ng iba kung hindi raw ba siya nahihiya sa pagbubukid at pagbebenta ng buko.

Katuwiran ni Jonathan, walang nakakahiya sa ginagawa niya. Para ito sa kanyang pag-aaral.

“Nagtapos ako ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Elementary Education dahil sa utang, scholarship, at tulong ng aking mga kamag-anak,” sabi ni Jonathan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat ng sakripisyo ay nasuklian nang ako ay nagtapos bilang summa cum laude at valedictorian ng Batch 2020.”

graduate

PREPARATIONS PARA SA BOARD EXAM

Isinunod ni Jonathan ang paghahanda para sa licensure exam.

Panibagong mga pagsubok na naman ang kanyang kinaharap.

Nariyan na ang pressure dahil candidate for Latin honors siya, mamaniin lang daw niya ang board.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Again, umutang ang mga magulang ko para makapag-enroll ako sa review center.”

Tinanggap din niya ang alok ng kanyang batchmate na tumuloy sa tahanan nito lalo’t malayo ang bahay ni Jonathan sa siyudad.

Naka-schedule ang pagkuha niya ng LET noong March 2020.

Pero tumama ang pandemya.

“It affected me so much. Bigla akong nawalan ng gana mag-review. Maraming what-ifs na naiisip.”

Umiwas siya sa mga tao para hindi matanong kung ano na ang nangyari sa kanyang board at kung may trabaho na ba siya.

“MA, PA, TOPNOCHER PO AKO.”

Dahil sa pandemya, tatlong beses naantala ang pagkuha niya ng board exam.

Hindi na rin naging consistent ang kanyang pagre-review.

Nagtrabaho si Jonathan para mapag-aral ang sumunod niyang kapatid, ang bunso sa kanilang walong magkakapatid.

Nagturo si Jonathan sa isang tutorial center at naging instructor sa kanyang alma mater.

“Inilaan ko ang aking oras sa pagtatrabaho at kung may oras, nagre-review.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hirap pagsabayin ng pagtatrabaho at pagre-review.”

Hanggang sa natuloy ang board noong September 2021.

“Ang iniisip ko lang talaga that day is to pass and top the board exam,” sabi ni Jonathan.

Lumabas ang resulta ng board noong November 29, 2021 at isa siya sa topnotchers.

“Tumawag ako kaagad sa bahay at mangiyak-ngiyak na kinausap ang mga magulang ko, ‘Ma, Pa, topnotcher ako.’

“Lahat ng sakripisyo at paghihirap ay napalitan ng tagumpay.”

topnotchers licensure exam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang pagiging topnotcher ang nakamit ni Jonathan, kundi pati life lessons.

“One thing I learned from this is that if you want something, you have to work for it. Believe and you'll have it.

“Minsan mapapagod ka, puwedeng magpahinga ngunit huwag susuko.

“Always remember the very reason why you started the journey.”

Ang mensahe niya sa mga estudyante, “Pahalagahan ang sakripisyo at suporta ng mga magulang at mga taong naniniwala sa inyo.

“Your life might not be that bright for now, someday your light will shine not only for yourself but also for other people.”

Sa ngayon ay patuloy ang kanyang pagiging college instructor sa kanyang alma mater.

Ang susunod niyang pinapangarap ay maipagpatayo ng bahay ang kanyang pamilya.

Huling hirit ng PEP, nabayaran na ba ang mga inutang para sa kanyang pag-aaral at pagre-review noon?

“Yes po,” sagot ni Jonathan na may kasama pang red heart emoji.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ako po ang unang degree holder ng aming pamilya," ani Jonathan Agullana, summa cum laude at Top 10 sa licensure examination for teachers noong 2021.
PHOTO/S: jonathan agullana
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results