Watch Now

Kilalanin si Christine Chicano, cum laude at topnotcher na thrice nagpalit ng kurso

by KC Cordero
Aug 29, 2022
Christine Chicano in graduation photo, and the list of Top 10
Christine Chicano: “Kahit tatlong beses akong nag-shift nung college, naka-graduate pa rin ako on-time at cum laude pa. Nag-overload ako ng mga subjects para makahabol. Ayoko kasing bigyan ng sakit ng ulo mga magulang ko, lalo na’t sakitin pa ang tatay ko.”

Isa si Christine Seraspe Chicano, mas kilala bilang Chic, sa sampung taga-University of the Philippines na topnotchers sa July 2022 Environmental Planner Licensure Examination.

Top 7 siya, at may rating na 81.80 percent.

Graduate siya ng Bachelor of Science in Business Administration sa UP Diliman noong 2015.

Kumuha siya ng Master of Arts in Urban and Regional Planning, sa UP Diliman pa rin.

Christine Chicano in casual wear

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam si Chic ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 24 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Paglilinaw niya, ang kinuha niyang board exam ay hindi related sa kanyang bachelor's degree kundi sa kanyang master's degree.

“Naranasan ko yung hirap bumiyahe araw-araw mula Quezon City hanggang BGC at pabalik. Sobrang traffic, gastos, at pagod. Medyo hindi rin safe kasi babae ako.

“Kaya naisipan ko na gusto kong pumasok sa industriyang makakatulong para mag-improve ang araw-araw na commute at pamumuhay ng mga Pilipino.

“Doon ko na-discover yung course na Urban and Regional Planning.”

THREE COURSES IN COLLEGE

Pagbabalik-tanaw ni Chic, pagka-graduate sa high school ay sa Ateneo De Manila sana niya gustong magkolehiyo.

“Kaso nagkasakit ang tatay ko. Hindi namin afford nung time na yun. Buti na lang nakapasa ako sa UP kasi mas mura yung tuition at kalidad yung edukasyon.

“Hindi ko sigurado kung ano ang gusto ko kaya sinunod ko ang payo ng mga magulang ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto nilang maging CPA lawyer ako o actuary.”

Nag-enrol siya sa kursong BS Mathematics.

Ani Chic, “Kaso bumagsak ako sa isang major subject. Nag-shift ako sa BS Business Administration and Accountancy.

“Ang hirap din pala! Hindi naman ako bumagsak, pero hindi umabot sa retention grade, at na-realize kong hindi para sa akin ang accountancy."

At imbes na panghinaan ng loob, nag-move on na lang siya at nag-focus sa paghahanap ng paraan para makabawi sa mga magulang.

“Nag-OJT ako nang dalawang beses sa malalaking kumpanya at sumali sa mga competition kung saan medyo malaki yung mga premyo—cash, iPad, all-expense paid trip to Singapore, at kung anu-ano pa.

“Gusto ko mang sundin yung mga pangarap para sa akin ng mga magulang ko, kung mas makakasama naman ito sa health ko o feel ko ay hindi worth it yung stress, hindi ko na pinipilit.

“Pero siyempre, hindi mawawala yung feeling na nagkulang ako dahil hindi ko natupad yung pangarap nila para sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Finally, nag-shift siya sa BS Business Administration. Sa pagkakataong ito ay ginalingan niya.

“Kahit tatlong beses akong nag-shift nung college, naka-graduate pa rin ako on time at cum laude pa. Nag-overload kasi ako ng mga subjects para makahabol.”

Aminado si Chic na nakakuha siya ng mga grado mula uno hanggang singko.

“Pero bumawi pa rin sa huli since nagsikap talaga akong mag-aral. Ayoko kasing bigyan ng sakit ng ulo mga magulang ko lalo na’t sakitin pa ang tatay ko.

“Makailang beses siyang inoperahan at na-ICU noong high school at college ako. May mga pagkakataon na sa ospital pa ako nag-aaral habang binibisita namin siya.”

BEFORE AND DURING THE BOARD EXAM

Noong nag-review siya board exam, hindi pa tapos sa kanyang master's degree si Chic.

Dito niya nakumpirma na mahirap talagang balansehin ang pag-aaral, trabaho, at mga gawaing bahay.

“Lalo na ngayon na senior citizen na ang tatay ko at may mga alaga pa akong siyam na pusa at dalawang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos nung nag-apply pa ako para sa board exam, sinabihan ako sa kanilang opisina na baka hindi payagan yung undergrad course ko at maghintay na lang ng text nila sa resulta.”

Pero three weeks na lang at exam na, wala siyang natanggap na text.

“Pinuntahan ko yung office nila, nalaman kong may permit na ako para mag-exam. Nakalimutan lang nila akong i-text.

“Kaya three weeks na lang din ang naging time ko para mag-review nang seryoso.”

Dahil malawak ang saklaw ng Environmental Planning, aminado si Chic na nahirapan siya sa board exam.

“Kahit kaming mga topnotchers, hindi umabot sa 85 yung score...

“Kailangang alam namin ang mga batas at pangangailangan ng lipunan na may kaugnayan sa ekonomiya, pulitika, pampubliko at pribadong pamamahala, arkitektura, kalusugan, kalikasan, at marami pang iba—at hindi lang ang pamamaraan dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa.

“Feel ko nga kahit ano puwedeng lumabas sa board exam namin, eh!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Top 10 from UP including Christine Chicano

Ang malala, sa ikalawang araw ng exam ay inabot pa sila ng lindol.

“Mga 40 minutes pa lang yata kaming nag-e-exam, pina-evacuate kami dahil nasa cinema kami ng isang malaking mall.

“Nung nakapila na kami sa evacuation site, may mga examinees na nagsabing mas mahirap pa yung exam na yun kumpara sa mga board exam nila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nurse, civil engineer, architect, at broker na yung mga examinees na yun. Akala ko ako lang ang nahirapan lalo na’t first board exam ko ito.”

Hindi siya confident noon sa magiging resulta. Bukod kasi sa kinapos siya sa oras for review, hindi rin maganda ang kanyang performance sa kanilang mga naunang mock exams.

“Pasado naman ako sa final mock exam, pero medyo nag-alala pa rin ang pamilya ko kasi konti lang ang panahon kong mag-review.

“Mag-improve at pumasa na lang ang naging target ko.”

At sabi niya sa pamilya niya sakaling di siya pumasa, “Next time, top na ako.

“Sabi nila, basta pumasa ako ngayon ay okey na—aanhin ko pa raw yung sobra. Pero siyempre, nag-aral pa rin ako nang maige para mas safe.”

RESULT OF THE EXAM

Kaya laking tuwa niya nang lumabas na ang resulta. “Hindi lang ako pumasa, Top 7 pa!

“Niyakap at hinalikan ako ng nanay ko kahit kapapaligo ko pa lang ng aking mga aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung tatay ko naman, tinanong kung anong exam ito kahit siya sumama sa akin sa exam venue. Senior moment yata!”

Inakala raw kasi ng tatay niya na bagsak siya.

“Kasi nung pauwi na kami galing exam, sinabi ko sa kanyang babawi na lang ako next year dahil nahirapan talaga ako.”

Inialay ni Chic ang tagumpay sa kanyang pamilya.

“Hindi ko makakamtan ang lahat ng meron ako kung hindi dahil sa suporta nila.”

Inihandog din niya ito sa UP, kanyang mga guro at mga kaklase.

“At huli, para sa bayan. Napakahalaga ng papel ng mga Environmental Planner sa pagpapalago ng pang araw-araw na pamumuhay kaya balang araw, sana makatulong ako sa pagpaplano ng mga komunidad.”

Naka-enrol ngayon si Chic bilang freshman sa UP College of Law.

Aniya, “Ito ay dahil mahalaga sa Environmental Planning ang mga batas.

"Hopefully, maging involved ako sa pagde-develop ng mga polisiya na mas makakasagot sa mga pangangailangan ng ating mga mamamayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinikayat din niya ang mga kabataan na mag-enrol sa Environmental Planning.

“Hindi pa gaanong kilala sa ating bansa ang kursong ito na tinatawag ding Urban and Regional Planning, pero ito ay importanteng pag-aaral para sa pisikal at panlipunan na pag-unlad ng ating pamumuhay.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Chicano: “Kahit tatlong beses akong nag-shift nung college, naka-graduate pa rin ako on-time at cum laude pa. Nag-overload ako ng mga subjects para makahabol. Ayoko kasing bigyan ng sakit ng ulo mga magulang ko, lalo na’t sakitin pa ang tatay ko.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results