Eunice Mangune, feeling "incompetent" sa piniling kurso, aba, Top 10 siya sa board exam!

by KC Cordero
Sep 3, 2022
Eunice Mangune in graduation photo, and the list of topnotchers
Hindi naging choosy si Eunice Mangune sa kinuhang course dahil ang motivation niya noon ay makatapos at matulungan ang kanyang ina na solong nagtataguyod sa kanilang magkakapatid. “Sinuportahan niya ako sa lahat ng gusto kong gawin. Hindi siya nagkulang sa pag-aaruga sa akin, kaya lubos ang pasasalamat ko sa kanya.”

Top 10 si Eunice Emiko M. Mangune, 23, sa January 2022 Licensure Examination for Teachers.

Tubong Angeles City, Pampanga, nagtapos siya ng Bachelor of Physical Education Major in School PE with electives in Music, Arts, and Health sa City College of Angeles noong June 14, 2019.

Nakapanayam si Eunice ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 19, 2022, sa pamagitan ng Facebook Messenger.

Art card congratulating Eunice Mangune

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya, “Taong 2013 ay namatay ang papa ko sa sakit na leukemia.

“Ang mama ko na lang ang nagtaguyod sa aming magkakapatid. Siya ang nagpaaral at nagbigay ng pangangailangan namin.

“Noong mag-start akong magkolehiyo noong 2015, dalawang courses pa lamang ang available sa Institute of Education, Arts, and Sciences dahil bagong paaralan pa lang ang CCA na itinatag noong 2012.

“Kung ano ang unang course na nakita ng mata ko, iyon na ang pinili ko.

“Kasi nung mga panahong iyon, ang tanging mahalaga sa akin ay ang makapag-aral at maka-graduate.”

WALANG BACKGROUND SA KINUHANG KURSO

Bilang karagdagang suporta sa kanyang pag-aaral dahil ang kanyang ina lang ang mag-isang kumakayod, naging scholar siya ng Bridges of Benevolent Initiatives Foundation Inc.

“Isa iyon sa mga rason kung bakit ako nakapagtapos.”

Read also: Kyle Zandrew Barde, Top 9 sa criminologist exam after 6 years sa college, 3 schools, ilang bagsak

Ani Eunice, malaking adjustment ang ginawa niya sa kolehiyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala akong masyadong background sa kursong kinuha ko. Hindi ako magaling sa music, arts, and PE.

“In terms of skills, feeling ko ay walang-wala ako, and ang incompetent ko.”

Gayunpaman, nairaos niya ang buhay-college.

Read also: Sikreto ni Jhon Lloyd Tenorio, Top 7 sa board exam: "500 multiple choice questions per day"

TAKOT BUMAGSAK SA BOARD EXAM

Natanggap si Eunice bilang teacher sa isang private school habang naghahanda para sa board exam.

“Sa mga panahong iyon, nahirapan akong pagsabayin ang pagtatrabaho at pagre-review.

"Akala ko nung una ay madali lang, pero habang tumatagal nahihirapan na ako.

“Madalas akong absent sa review sessions lalo kapag weekdays dahil nga kailangan kong magturo sa pribadong paaralan na pinapasukan ko.

“Minsan kung maka-attend man ako, nakakatulog na lang ako dahil sa sobrang pagod.”

Eunice Mangune with other students

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadismaya rin siya nang ilang beses ma-cancel ang board exam dahil sa pandemya.

“Nawala ang driving force ko sa pagre-review dahil iniisip kong sa January 2022 pa naman.”

Nakaramdam din siya ng pressure nung naunang nakakuha ng exam at nakapasa ang iba niyang ka-batch.

Pag-amin niya, “Takot akong bumagsak dahil akala ko noon ay dalawa lang kami sa batch naming magte-take ng exam.

“At kapag may isa man sa aming bumagsak, alam nilang nasa aming dalawa lang iyon.”

MISYON NIYANG MAGING TOPNOTCHER

Kaya three weeks before exam ay humataw si Eunice sa pagre-review.

“Lalo na sa major ko dahil masyado ngang malawak ang coverage.

"Sa araw ng exam, nagawa ko pang mag-review dahil sa tingin ko hindi pa enough yung nalalaman ko.”

Kumusta ang exam?

“Akala ko ay madali lang ang General Education, pero hindi pala!

“Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga tanong. Nang malapit nang matapos yung oras para sa Gen Ed, hinulaan ko na lang yung mga hindi ko pa nasasagutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Grabe talaga yung frustration ko after ng exam at feeling ko babagsak ako. Buti na lang nandiyan yung pamilya at mga kaibigan ko para palakasin yung loob ko.”

Ayon kay Eunice, nangarap talaga siyang maging topnotcher dahil mayroon siyang sariling misyon.

“Gusto kong maging pangalawang topnotcher sa CCA, at unang topnotcher sa Institute of Education, Arts, and Sciences at maging lecturer sa CBRC.”

Pero dahil sa hirap ng exam, pakiramdam niya, “Gumuho ang pangarap ko...

“Day after the exam, hindi na ako umaasang mapapabilang sa topnotcher.”

PARA SA KANYANG MAMA ANG TAGUMPAY

Nang lumabas ang result ng exam at may nag-chat sa kanya na Top 10 siya, nagulat si Eunice.

“Nung una, confused pa ako at hindi makapaniwala dahil hindi ko pa nakikita yung pangalan ko. Gusto ko kasing ako mismo yung makakita.”

Kaya nang makumpirma niya, “Sobrang saya ko at ng pamilya ko! Finally, yung isa sa mga pinapangarap ko ay natupad na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Art card congratulating Eunice Mangune

Ang kanyang tagumpay ay inialay ni Eunice sa kanyang ina.

“Sinuportahan niya ako sa lahat ng gusto kong gawin at para makamit ko ang aking pangarap.

"Hindi siya nagkulang sa pag-aaruga sa akin, kaya naman lubos ang pasasalamat ko sa kanya.

“Si Mama ang nagsilbing sandalan ko sa tuwing napapagod na ako at nawawalan ng motivation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, nagtuturo si Eunice sa isang pribadong paaralan sa Angeles City, Pampanga. National Lecturer din siya sa Carl E. Balita Review Center.

Masaya pa niyang sambit, “Kasalukuyan akong naka-enroll sa UP Diliman upang i-pursue ang aking master’s degree.”

Payo sa mga kabataang nasa kolehiyo, “Walang madaling kurso kaya dapat ay magsumikap sa pag-aaral.”

Aniya, sa mga panahong gusto nang sumuko, laging iisipin ang mga taong dahilan ng pagsisikap.

“May mga problema tayong kakaharapin sa pag-aaral pero makakahanap rin tayo ng tamang solusyon para sa mga iyon.

“Hindi sapat na gusto mo lang makatapos ng pag-aaral. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para maging mabuting bersyon ng iyong sarili.

“At higit sa lahat magtiwala sa Panginoon.”

Read also: Struggles of Christopher John De Vera before placing Top 10 in civil engineering exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi naging choosy si Eunice Mangune sa kinuhang course dahil ang motivation niya noon ay makatapos at matulungan ang kanyang ina na solong nagtataguyod sa kanilang magkakapatid. “Sinuportahan niya ako sa lahat ng gusto kong gawin. Hindi siya nagkulang sa pag-aaruga sa akin, kaya lubos ang pasasalamat ko sa kanya.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results