Walang hindi kayang gawin ang magulang para sa anak.
Ito ang pinatunayan ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jaime F. Serdocillo Jr., 50, na hindi tumigil sa pagkayod mapag-aral lamang ang anak sa U.S.
Beyond expectation naman nang nagbunga ang paghihirap ni Jaime dahil summa cum laude ang anak na si Justine John Serdoncillo, 22.
Nitong May 2022, nagtapos si Justine ng kursong Aerospace Engineering sa Syracuse University sa New York, kung saan isa sa famous alumnus nito ay si U.S. President Joe Biden.
Si Biden ang nagtapos ng law sa Syracuse University noong 1968.
Sa Syracuse University rin nag-graduate ang current New York Governor na si Kathy Hochul.
Nagtapos si Hochul ng political science noong 1980 at siya ang first-ever female governor ng New York.
Pero matinding hamon para kay Jaime ang pagtupad sa pangarap ng anak.
Jaime Serdoncillo (center), his wife (left), and their son Justine John Serdoncillo at his graduation in Syracuse University in New York.
Hangad ni Justine na kumuha ng aerospace engineering, “Which is basically wala sa atin," lahad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Nakausap ng PEP.ph si Jaime via Zoom noong September 2, 2022,
Dugtong niya, "So, sabi ko, ‘Wala iyan sa atin dito sa Pilipinas. Yung pioneering na bansa niyan ay sa U.S.’ kaya doon siya nag-apply."
So nang magtapos ng high school si Justine sa Philippine Science High School sa Quezon City ay nag-apply ito sa iba’t ibang schools sa U.S. via online.
Pumasa siya sa ilang universities doon na may scholarship, pero hindi kursong aerospace engineering ang ino-offer.
Nakapasa siya sa Syracuse University para sa nasabing kurso, pero walang scholarship offer.
Sabi ni Jaime, “Honestly, wala naman talaga akong fund para pondohan yung buong pag-aaral niya.”
Pero buo raw ang loob ni Jaime na suportahan ang pangarap ng kanyang panganay na anak.
Kahit pa, may tatlo pa siyang anak na mga nag-aaral din.
Ang pangalawang anak ni Jaime ay nag-aaral ng Medicine sa UP Manila.
Nasa college na rin ang pangatlo na nag-aaral sa De La Salle University.
Ang kanilang bunso ay Grade 9 na sa Philippine Science High School sa Quezon City.
Read also:
- Filipino farmer's son gets U.S. university scholarship worth PHP16.4M
- Son of farmer & waitress gets scholarship grant worth PHP4.2M from U.S. college
- Street vendor and tricycle driver's son, now a chemical engineering graduate; grateful to scholarships
DOBLE-KAYOD ANG PADRE DE FAMILIA
Kaya walang humpay sa pagtatrabaho ang padre de familia.
Ang kuwento ni Jaime, “Seaman ako. OFW ako. I graduated 1994 and all the way ngayon, nagbabarko.
“Eto ngayon, nasa opisina ako ngayon. Nasa lupa ako ngayon.
“Sumasampa sa barko then bakasyon ko, I take a job sa opisina, ship management para makatagal sa pamilya.”
So kapag natapos ang kontrata niya sa barko, naghahanap ng trabaho si Jaime sa Pilipinas habang nakabakasyon.
Sa gayon, hindi siya mababakante at tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho hanggang sumampa uli sa barko.
“Kasi kailangan kumita dito sa lupa. Para makatagal ka sa kanila [pamilya]. And then balik na naman sa barko. Set-up ko ay barko then opisina.”
Jaime Serdoncillo in an zoom interview with PEP.ph
Nang mangyari ang pandemya ay buong taong nasa barko si Jaime at hindi nakauwi.
Itinuring na rin niya itong blessing in disguise dahil hindi man nakasama ang pamilya nang buong taon, hindi siya nawalan ng trabaho kaya hindi rin tumigil ang sustento sa pag-aaral ni Justine sa Amerika.
Kaya mahirap man, nagpakatatag si Jaime.
“The moment I disembark from the ship, automatically, magtatrabaho din ako sa ship management, so wala [bakasyon].
So tuloy-tuloy. As in walang bakasyon. Meron kaming natabi, pero hindi talaga sapat iyon. Kayang ubusin iyon ng isang semester niya lang,” lahad ni Jaime.
“So kailangan kong magtiis sa barko, kailangan kong mag-extend ng mahabang kontrata.
“At kailangan kong i-endure kung ano yung pain na doon sa barko.
“Ibig sabihin, maalon man doon, bagyuhin man kayo doon, ano pa mang hirap doon sa barko I have to endure it all kasi nakapokus ako sa goal ng kay Justine.
“Medyo pricey talaga, lalo na doon sa eskuwelahan nila.”
Justine John Serdoncillo has been fascinated in aerospace at a very young age, says his dad Jaime.
FROM FISHERMAN TO SEAMAN
Nagmula si Jaime sa hirap kaya ang naging pangarap niya ay mas mapabuti ang lagay ng mga anak.
Aniya, "Galing ako sa mahirap. Mangingisda ako.
"Sa amin sa Samar, ang resources namin doon [fishing boat].
"Lumaki ako, lumaki sumasama [sa pangingisda]. Pag dumating, magtitinda, mag-aaral.
"Hanggang nag-aral nang mabuti, nakakuha ng scholarship dito sa Manila."
Si Jaime ay nagtapos ng BS Marine Transportation mula sa Philippine Merchant Academy.
"Hindi ako aabot ng ganito kung dream ko, taxi driver lang."
Kaya ipinapayo niya sa kanyang mga anak na "dream big."
Aniya pa, "Formula ko, 'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.'"
MISYON SA BUHAY: MAPAG-ARAL ANG MGA ANAK
Tutok si Jaime sa pagtupad ng pangarap ng mga anak.
“Ang goal ko, ang platform ko talaga ever since na mag-asawa ako, sabi ko, 'I have to make sure that I will bring my children closer to God.
"Ma-meet nila ang gusto nilang education, loving family, and loving other people.
“So I have to see to it kung ano magagawa ko para ma-meet nila yung goal nila. Ayun nga ginawa ko.”
Hindi naman siya nagtaka sa kursong napili ni Justine. Sa murang edad nito ay nagpapaiwan ito sa bookstore at doon ay nagbabasa ng mga libro tungkol sa outer space.
Dito raw nagsimula ang interes ni Justine sa aerospace.
Taong 2018 nang magkolehiyo si Justine.
Ayon kay Jaime, "Nag-qualify siya sa discovery program ng Syracuse University.
“Sa first semester ay hindi siya pinadiretso sa New York. Pinadiretso siya sa Madrid, Spain, para doon siya mag-aral ng school nila na discovery program.
“Second semester sa New York na.”
WORTH THE SACRIFICES
Aminado si Jaime na halos lahat ng resources niya ay ibinuhos sa pag-aaral ng panganay.
Pero sulit ang lahat ng paghihirap nila ng kanyang misis.
“Worth it kasi nga yun ang isa sa goal natin, mapaaral natin yung mga anak sa best na eskuwelahan na mapapasukan nila, maalalayan sila sa dreams nila.
“So focus lang ako doon. Sabi ko nga, may Diyos naman. So magdasal lang tayo nang magdasal.”
Ano ang pakiramdam ni Jaime na nakakuha pa ng Latin honor si Justine?
“Ang sabi ko lang, ‘Maka-graduate kayo at ma-meet ninyo yung dreams ninyo na course ninyo.’
"So, I was really surprised, really surprised na gumradweyt siya nang ganoon.
“Iyan ang nagpapatunay na gusto niya talaga yung course, saka silently saying to the parents na ginawa niya yung part niya as a responsible son.
“So nagpapatunay lang po iyon na nagpakahirap din yung bata doon na mag-aral nang mag-aral. I'm very much happy.”
HOW CAN JUSTINE THANK HIM
Walang anumang ini-expect na kapalit si Jaime. Ang makita lang niyang matagumpay ang anak ay tagumpay na rin niya bilang ama.
“Yung simple, ‘Thank you talaga, Dad. Thank you very much,' ano na iyan, sobra-sobra na iyan sa akin," sabi ni Jaime.
Masaya na raw siya na binabanggit ni Justine sa mga interview sa kanya na nakapagtapos siya dahil sa suporta at sakripisyo ng kanyang mga magulang.
Noong Mayo 2022, lumipad si Jaime at ang kanyang misis sa New York para sa graduation ni Justine.
Tinulungan na rin nila noon ang anak sa kanyang mga susunod na plano niya doon bago sila umuwing mag-asawa.
“Marami talagang nag-offer ng job sa kanya sa awa ng Diyos," ani Jaime.
“Bago kami umuwi doon, tinulungan namin siya magpili kung saan nararapat [magtrabaho].
“May isang company nag-offer sa kanya ng job, at [the] same time, nag-offer sa kanya ng full scholarship sa masteral program.”
Ang employer ni Justine ay nasa Minnesota. Kukuha si Justine ng graduate studies sa University of Minnesota under full scholarship.
ADVICE TO PARENTS
Tinanong namin si Jaime kung susuportahan pa ba niya ang iba pa niyang mga anak kung sabihin ng mga itong gusto nilang mag-aral sa abroad.
“Absolutely!” sagot ni Jaime. “Palagi ko lang sinasabi sa mga bata, ‘Dream big. Pag kaya ninyo, I’ll just be there to support you.’”
Sundot ni Jaime, “Sabihin natin, ‘Saan ka kukuha ng resources?’ Alam ko na sikreto, e. I’m sure alam ko na. Mami-meet natin iyan.”
Ano ang sikreto?
“Magdasal. Magdasal sa Diyos at humingi ng tulong sa kanya.”
Ito raw kasi ang nangyari kay Justine. Walang nag-impluwensiya sa kanyang panganay kung ano ang kursong kukunin nito.
Sabi pa raw ni Jaime sa kanyang dasal, “Alam Mo rin wala dito iyan sa Pilipinas. Alam Mo wala ako pondo. Basically, lahat sa Iyo iyan. Tulungan Mo po ako.’”
Dininig naman daw ang dasal ni Jaime na hindi nawalan ng trabaho.
Payo niya sa mga kapwa niya magulang: “’Wag problemahan kung suportahan niyo o hindi.
"Tandaan niyo ang resources natin, ang lakas natin, ang pera natin, kayamanan ay hindi naman talaga sa atin iyan.
“Bigay ng Diyos iyan. Wag matakot, humingi ng tulong sa Diyos. Magdasal and then God will find away.”
Ibinahagi pa ni Jaime ang pagkakaroon niya ng pananampalataya nang maaprubahan ang U.S. visa ni Justine noon para makapag-aral.
“In a piece of paper I put, God will find a way when there seems no way.’
"Tumapos si Justine hindi kami nagkautang-utang at hindi kami nagkalubog-lubog, so nagpapatunay na there is God and God is merciful and God is very much willing to help us.”